Hated 5

3.2K 118 4
                                    

"Abort that child." ulit pa niya sakin. Nanatili lamang nakatayo ang mga paa ko. Napakademonyo niya talaga.

"Wala kang karapatan pagsabihan ako kung anong gagawin ko sa anak ko. " tugon ko pabalik sa kanya pero nanatili pa rin akong nakatalikod nung sinabi ko yun sa kanya. Hindi ko kayang tingnan ang hayop niyang pagmumukha.

Aalis na sana ako nung bigla na lang niya akong hinawakan sa braso saka walang pasabing pinaharap ako sa kanya. "Aray! Ano ba Troy! " pagdadabog ko naman dahil sa lakas at higpit ng hawak niya.

"Masasaktan ka talaga pag di mo ako susundin. " saad pa niya sa akin.

"What?! Are you insane to kill a life? Ganyan ka na ba talaga kademonyo?" padabog ko pang sabi.

"Look, kung natatakot kang malaman nila yung kapalastangan mo Troy...huwag kang mag-alala dahil wala akong planong ipagsigawan sa kanila kung sino ang walanghiyang lalaki ang bumuntis sa akin."nakita ko ang pagbabago ng itsura niya dahil sa sinabi ko.

"Don't ever say those again. " he threatened me.

"Huwag kang mag alala bubuhayin ko yung bata ng mag-isa." ngumiti ako sa kanya. Ngiting alam kong at alam niyang peke ito.

"Sa susunod kasi huwag mong pairalin yung tawag ng laman mo. You know what? Kinuha mo lahat na sana ay akin at pwedeng maging akin, yung kinabukasan ko, yung kaligayahan ko, yung pagkatao ko, at pati ba naman ngayon. Itong buhah na unti-unting nabubuo sa loob ko, pati ito...Sisirain mo rin?" napailing na lang ako at tuluyan siyang iwan mula sa kinatatayuan niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at doon din ay inilabas yung mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilang tumulo.

Makatapos ng pag-aaral. Makapagtrabaho ng marangal. Magkaroon ng magandang buhay. Iyon lang naman ang hiniling ko noon pero papaanong napunta ako sa ganitong sitwasyon? Dito ako dinala ng takot ko.

Hindi ako makapaniwalang dala-dala ko pa ang bata ng demonyong lalaking iyon. Agad akong napahawak sa tiyan ko. Magkakababy na ako kaya kailangan kong magpapakatatag. Magiging malakas ako para sa baby ko.

Muli ay hinaplos ko ang aking tiyan. "Sorry baby kung wala man akong maipakilalang daddy sayo pag lumabas ka na." ngumiti ako ng mapait.

--------
Bumangon na ako ng maaga at agad na nagtungo sa kusina upang maghanda ng almusal. Pagkarating ko pa lang ay nakita ko ang isang kulay puting papel na nakadikit sa may refrigerator.

Binasa ko yung nakasulat doon ni Tita.

-Kayo na muna bahala dito sa bahay at mawawala muna ako pansamantala. Hindi na ako nakapagpaalam pa dahil masyadong mabilis ang pangyayari at kinakailangan ako sa negosyo ko doon sa ibang bansa. Pasensiya na talaga. Tsaka Cherish, marami pa tayong pag-uusapan pag uwi ko.

Nakaramdam ako ng kaba nung may biglang kumuha sa papel mula sa kamay ko. Nagtagpo ang parehong abuhing kulay naming mga mata. "You are not telling anyone about that child you are carrying." maawtoridad na boses yung narinig ko mula sa kanya.

Hindi ba siya nag-iisip? Sasabihin ko man o hindi ang tungkol sa batang ito ay malalaman pa rin naman nila yung katotohanan dahil lalaki rin naman itong tiyan ko kalaunan.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimula ng magluto. "Ano ba Cherish! Kausapin mo ako!" nagpatuloy lang ako sa pagtatrabaho ko habang randam ko naman na nasa likuran lamang siya. "Stop this fucking dra--"

"May problema ba dito?" napalingon ako sa nagsalita na si Ate Lucy. Nagpabalik-balik lamang yung tingin niya sa amin ni Troy. Nakataas pa yung kilay niya.

Nilagpasan lang siya ni Troy na parang hangin kung kaya't kami na lang dalawa yung naiwan dito. "Anong ginawa sayo ni Troy, Cherish?" Tiningnan ko siya saka umiling.

"May pinag-awayan lang po kami Ate."

"You sure?" paninigurado pa niya na tinanguan ko lamang. "Oh halika na. Kain muna tayo. Sabayan mo na lang muna akong kumain." tango pa rin yung naging sagot ko.

Umupo na kami pareho at nagsimula ng kumain. Maraming kinwento sa akin si Ate pero nanatiling sarado yung isip ko sa mga bagay na omokyupa nito ngayon. Walang pumapasok sa isipan ko ngayon.

"Cherish? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ate Lucy. "Ah ako?" tanong ko at tumango naman siya. "Okay lang ako Ate. " sagot ko sabay ngiti.

"Parang hindi ka ata okay. " umiiling-iling pang saad niya sa akin. "Okay po tala--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung nakaramadam ako ng kakaiba sa sikmura ko. Agad akong napatakbo sa sink at nagsusuka. Halos bumaliktad yung sikmura ko dahil sa kakaibang nararamdaman nito. I stayed for a while in front of the kitchen sa kadahilanang nanghihina ako at parang nahihilo.

"Cherish." tawag ni Ate Lucy sa pangalan ko saka niya ako iginaya sa upuan para umupo.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin?" concern yung boses niya habang hinahagod-hagod ang likurang bahagi ko.

"It seems that you are pregnant. " nakaramdam ako ng takot at kaba sa sinabi niyang iyon. "Tell me the truth Cherish, please." malumanay na boses niya.

Napahagulhul na lang ako at saka niya ako niyakap. "Ate Lu--lucy, bu-buntis ako." pag-amin ko.

"Sshh. Tahan na." hinagod niyang muli ang likuran ko. Isang minutong katahimikan bago siya ulit magsalita. "Sinong ama ng batang nasa sinapupunan mo? Sinong nakabuntis sayo. " doon ako natahimik sa naging tanong niya. Tanong na alam ko ang sagot pero ayoko sagutin ng tama.

Wala akong sinagot at nanatili na lamang nakatikum yung bibig ko. Sinundan ito ng ilang minutong katahimikan na naman at pinakiramdaman niya muna ako bago siya nagsalita ulit.

"Si Troy ba?" agad akong napaangat ng tingin sa mga mata niya. "Alam kong ilang beses ng may nangyari sa inyo pero I'm sorry Cherish dahil hindi man lang kita naipaglaban mula sa kamay ng kapatid ko. I tried pero tinakot niya rin ako. He is best on manipulating things. But I know kahit ganun yun, mahal ka niya pero di nga lang niya maipakita sa paraang gusto mo. He is a sadist. He loves controlling pain. "

Umiling ako sa sinabi niya. "Hindi. Hindi niya ako mahal Ate, mahal niya lang yung katawan ko. Hindi niya magawang tanggapin itong buhay na unti nang nabubuo sa loob ng tiyan ko." at tumulo ang iisang butil ng luha na natitira sa mata ko.

He doesn't love me. He hated me.

Please vote and comment po. Thanks!

HatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon