Hated 13

2.7K 108 26
                                    

"Two years married and this will be our fourth baby." pag-uulit niya pero nagbingi-bingihan lang ako. Bahala siya diyan.

Nakaakbay siya sa akin ngayon habang naglalakad kami. "I don't want to have four children." I just remained to be quite. Mas mabuti ng ganun para maiwasan ko yung pagdaldal ng dila ko.

"I want to have a dozen of kids. We must have a big family Fellis. Total naman maganda yung lahi ko." pagmamayabang niya pa kaya tinulak ko siya at kumawala sa mga bisig niya. Bakit ba ang poud niyang gwapo siya?!

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? If you want it then find a mother of your children." Kung makapagplano naman kasi siya ay parang andali lang magbuntis tsaka magluwal. Kung tutuusin nga ay ayoko pa sana pero sooner ay lalabas na rin naman to.

"Why not you?" he innocently asked me. "I'll be marrying you." Kung yun ang gusto niyang bilang sa anak niya, edi huwag na lang ako.

"Mahirap na Troy. Akala mo naman, ganun yun kadali." nagsalita ulit ako. Hawak ko yung tiyan ko habang naglalakad kami.

"Madali namang makipags*x ha?" pinanlakihan ko siya ng mata. Baka kasi marinig siya ng iilan. Ano bang klaseng bibig nitong lalaking 'to.

"And last thing, hindi madali pag konti lang kayo. Ang boring. All my life, nasanay na ako na Ate at Kuya lang ang meron ako." dagdag niya.

"Bakit ayaw mo sa akin nung dumating ako sa bahay niyo? Hindi ba dapat maging masaya ka dahil nadagdagan kayo ng miyembro sa inyong pamilya?" mahinang sabi ko na saktong marinig niya lang.

Mga ilang minuto rin ang katahimikan na bumalot sa amin bago siya nakapagsalita ulit. I don't care if he find it offensive. He looked at the screen of his phone first.

"Ate Lucy texted me na aalis daw siya ngayon sa bahay at sa iisang araw pa daw siya uuwi. Even Kuya won't go home tonight." halatang iniwasan niya yung tanong ko. Iniba niya yung usapan namin.

"So solo natin ang bahay." pinagtaasan ko siya ng isang kikay ko. Ano naman sa ngayon? Kung makangisi naman siya parang nanalo siya ng isang milyon sa lotto.

"Kung ano-ano na yang nasa isip mo Troy." I rolled my eyes towards him. "Bakit? Alam mo ba yung iniisip ko?" paghahamon pa niya.

"It is you who is thinking something wild. Wala naman akong binanggit na mahalay." pagdedepensa niya pa. "Kahit na, mukha ka pa ring manyak."

"Ssshh, I love you." a word that slipped from his mouth. Sana nga lang totoo na yan. I love you tapos ano? Hihirit na naman yan ng isa sa akin pagkarating namin doon.

"I love you." he keep on repeating it pero di ko na naman siya pinapansin. I don't know kung saan ako dadalhin ng sitwasyon kong ito. Troy is hard to read. He don't sets any emotion to what he really feels.

--------------

Nanginginig yung mga kamay kong tinanggap ang mga litratong inabot niya sa akin. Sa titig niya pa lang ay umaayaw na yung tuhod ko sa pagtayo. Halatang nagpupuyos lang siya sa galit.

Okay pa naman kami ni Troy nitong mga nagdaang araw. Masaya pa kami. Masaya pa siya pero nang dahil siguro sa mga larawang nakita niya ay di na naman maipinta yung itsura niya.

Pag-uwi ko na lang dito sa bahay ay nadatnan ko na lang siyang nasa ganitong sitwasyon. He seems could kill someone. Kung nakakapatay lang ang titig ay paniguradong kanina pa ako sinugod sa ospital. Nais ko na lamang lamunin ako ng lupa.

I looked at those pictures. Planado ang lahat ng 'to na sirain ako kay Troy. Sa picture na ito ay kasama ko si Jiro. Kahapon ito. Nag-usap lang kami ni Jiro tungkol kay Troy. Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit di ko siya pinapansin. Sinusunod ko lang yung sabi sa akin ni Troy kaya para mas maging madali ay pinaintindi ko kay Jiro iyon.

Naunawaan niya naman ito at sinabihan lang ako na pwede na lang ba daw makipagkaibigan kahit di ko na raw kausapin ay okay lang. Huli na raw yun na lalapit siya sa akin.

He requested a hug kaya pumayag naman ako. Yakap lang yun at wala naman si Troy doon.

May mga anggulo pa na tila naghahalikan kami. Ang it is not freaking true!

"We just hugged Troy." panimula ko. "Kung ano man yang iniisip mo ay mali iyong hinala mo." hindi ko maiwasang kagatin ang ibabang labi ko dahil sa kaba na kasalukuyan kong nararamdaman.

"Hug." I saw him clenched his fist. "Didn't I tell you a lot of times na huwag na huwag mo siyang kausapin o kahit sino pa mang ibang lalaki?! And you still have the guts to hug him!" I freeze because he hoarse his voice to me.

"Troy it is not what you think. Pinaliwanag ko lang sa kanya na kailangan kong lumayo at di siya kausapin. Sinunod ko naman yung gusto mo." my voice is trembling while uttering every words. Nangibabaw pa rin sa akin yung kaba kahit na wala naman talaga akong ginagawang masama.

I try to hold his one hand pero iwinaksi niya iyon. I don't want to see him like this again. I want the better Troy.

One tear had escaped from my eye. "Si-sinong nagbigay sayo ng mga litrato na yan?" kusa iyong lumabas sa bibig ko.

"It doesn't matter." matigas niya sa bawat salita.

I tried to look at his blazing eyes. It seems that were lit by a devil. "It is Sab." pagkompirma ko sa hinala ko. She hates me so much nung nakipaghiwalay si Troy sa kanya.

"She just hates me kaya niya ako sinisiraan. Wala naman kasing malisya yan Troy." I defend myself as if I am on a hearing case. Hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko kahit wala naman akong dapat na ipaliwanag sa kanya.

"That isn't the point. Hindi mo pa rin sinunod yung gusto ko." I swallowed the lump on my throat.

"Huling beses na yung pag-uusap namin kahapon Troy." he ran his fingers through his hair. He heaved a sigh.

"Stay away from me Fellis, before I might do something I won't regret. Umalis ka muna bago pa kita masaktan."

"Tr-troy." I uttered his name.

"Please... Just leave."

Akala ko magbabago siya. Akala ko ay makakaunawa siya. But he never once try to understand me. He always want to be the law.

Note: What Team bahay feels like. Huhu ako yun.

HatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon