Hated 18

3.8K 127 47
                                    

"What's your plan now?" habang hawak ko yung baso na may alak ay lumingon ako kay Jiro na biglang nagsalita.

"Huh?" wala sa sarili kong sabi na tila iniisip kong ano nga ba iyong sinabi niya. Kanina pa tinangay ng hangin ang diwa ko at saka lang ito bumalik nung narinig kong may binanggit siya.

"You are still thinking about him, right? So what's your plan now?" pagpaparatang niya pa sa akin. Agad akong umiiling. Bakit ko naman iisipin ang lalaking yun?

"O-of course not! I'm not thinking about Troy! Tsaka anong plano ang pinagsasabi mo?" tugon ko sa kanya pagkatapos ay nilagok ang konting alak na natitira sa aking baso.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko para siyang nanunuya habang tinitingnan ako. "Sinabi ko bang si Troy? Bakit ang defensive mo?" nagsalin naman siya ulit sa aking baso. Anong defendsive dun? Masama bang linawin ko lang? Alam ko naman kasi kung sino ang tinutukoy niya.

I rolled my eyes at him. "Ewan ko sayo! Teka, type mo rin si Troy?" sabi ko naman saka siya pinagmasdan sa bawat na paggalaw niya.

"Oops! You said "rin" so that means type mo siya. Nga pala, may past kayo kaya di kita masisisi. Muntikan na akong mapasubo last week ha." pinaypay niya ang sarili. Kung makaarte naman 'tong isang to ay akala mo kung anong ginawa.

"Halata ka na masyado Jiro ah. Nababakla ka na naman." I just stated what's obvious. Hindi nakaiwas sa aking mga mata ang pagkagat ng labi niya.

"Correction, it is Jira when we are just alone." Yes, matagal rin bago ko nalaman na pusong babae pala siya. Kung di ko siya nahuli noon ay mapagkakamalan talagang gusto niya ako dahil ang galing niyang umakto na parang lalaki talaga.

Iilan lang ang nakakaalam sa sekreto niyang ito. He is afraid to tell his family about his real gender. Ayaw niyang mabahiran ng issue ang pangalan ng pamilya niya.

"So what's your plan nga?" Plan? What is he talking about? Kanina pa kasi siya tanong nang tanong sa aking plano. Ang labo niya.

"So what's your plan now that he's back to have you again? Desidido na si Troy ngayon Che. Alam mo namang di kita masasagip sa kamay ng asawa mo forever." ngumisi pa siya. He drunk another glass of liquor this time while I am massaging my temple.

"Where did the effin place on earth have you know that he is my husband? We don't have any connection for Pete's sake." nakacross arm na saad ko habang pinagtaasan siya ng isa kong kilay.

"Pero may anak na sana kayo ngayon. Yun pa rin yun! Kasal na sana kayo." Parang nazip yung labi ko saglit. Nanatili akong walang kibo dahil sa sinabi niya.

If things didn't happen in a tragic way, masaya ba ako ngayon? Kung iniluwal ko ba yung anak namin, would things get better? Would he change?

"Hey girl! Mahal mo pa ba?" kaya siya nagtatanong dahil hindi niya talaga alam ang buong kwento. Ang akala niya lang ay binigay ko lahat kay Troy dahil mahal namin ang isa't isa tsaka ginulo kami ni Sab. Pagkatapos nun ay nalinlang si Troy at mas pinili yung babaeng yun kesa sa akin. Iyon ang alam ni Jiro or let's just say iyon sa tingin niya ang pinaniniwalaan na nangyari.

"Mahal mo pa ba?" kumunot ang noo ko. Mahal ko pa ba? Pa? The right question to ask is Minahal ko ba siya?

"Hindi ko siya mahal at kahit kailan ay di ko siya mamahalin Jiro." pagbitiw ng mga salita ko.

"I know you are fooling yourself. Pwede ba yun? Mahal mo yun kahit loko siya." biglang nag-vibrate yung phone ko so I took a glance at the screen.

It's from Ate Lucy.

Cherish, can you visit here please? I'll be waiting for you today. Hugs and kisses. :)

"Who is that?" I decided to stand up before looking at him. "Si Ate Lucy, baka kailangan niya ng kasama ngayon. I might be there. Gusto ko ring makita yung baby." tinutok ko pa sa mata niya yung cellphone ko.

HatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon