Hated 8

3.5K 141 19
                                    

Papalabas na yung sasakyan niya mula sa parking lot ng school namin nung naaaninaw ko na yung maraming estudyante sa labas na kumakain ng street foods. Hindi naman kasi lahat sosyal ang estudyante dito kung kaya ay di na ako magtataka pa kung bakit mahilig yung karamihan sa street foods. Panay ang tingin ko sa labas at sa mga estudyanteng nakikita kong kumakain.

Nakikita ko pa lang yung bawat pagsubo nila ay para yatang tumutulo yung laway ko sa takam. Napalunok ako ng laway habang tinitingnan sila sa di kalayuan. Grabe yung nararamdaman kong gutom kaya di na ako nakapagpigil pa at nilingon ko na si Troy.

"Saglit lang, bababa na muna ako. Bibili lang ako." awat ko pa sa pagdadrive niya. Tiningnan niya ako saka siya huminto sa gilid kung saan ay may space pa. "Come again?" tanong niya. Magkasalubong na naman yung kilay niya. Halatang mainipin talaga itong lalaking 'to.

"I said, stop this car. Bababa lang ako saglit dahil may bibilhin lang ako." ulit ko naman sa sinabi kl kanina lang. "Anong bibilhin mo?" napaismid ako dahil nagtanong na naman siya. Kanina pa kasi ako natatakam. "Fish balls" maikling sagot ko. "Sige na Troy. Kanina pa ako nagugutom." akmang bubuksan ko na sana yung pintuan ng sasakyan nung pinigilan niya ako.

"Wait, sa restaurant na lang tayo kakain." for the first time ay nag-offer siya na siyang ikinagulat ko naman. Subalit kahit anong offer niya ay hindi pa rin ako magpapatinag na bumili at kumain ng fish balls.

"No need. Gusto ko ng fish balls lang. Basta bibili ako." hindi ko na siya hinintay pang sumagot at daliang nagtungo sa isang vendor para bumili ng tatlumpong Fishballs. Bumalik rin ako agad nung nakabili na ako dahil baka mainip na naman ang asungot na yun. Alam ko namang napakamoody niya.

Nung nasa loob na ako ng sasakyan niya ay sinimulan ko ng kumain. Naramdaman ko naman ang pagpukol niya sa akin mga tingin na parang nagtataka o di naman kaya ay di makapaniwala sa nakikita niya.

"Kaya mo yang ubusin lahat?" turo pa niya sa bitbit ko. Tumango-tango naman ako habang nasa pagkain pa rin yung atensyon ko. "You sure?" paninigurado niya pa na tila siya pa yung problemado kung mauubos ko nga ba talaga to.

Nagsimula na siyang magdrive habang ako naman ay busy pa rin sa kinakain ko. He glance at me every now and then. Tahimik lang yung biyahe namin at malapit ko na ring maubos yung kinakain ko.

"It seems that you really are hungry. You are craving for more." craving... napatigil ako mula sa pagkain dahil sa isa sa mga katagang binitawan niya. How crazy I am para makalimutan ko ang bagay na iyon. Ngayon ko lang narealize kung bakit labis na lang yung pagkatakam ko sa fishballs. Dati rati naman ay kumakain ako pero di ganito karami.

"Naglilihi na yata ako Troy." biglang sambit ko na lang. Hinaplos ko pa yung tiyan ko. I am two months pregnant already pero at least hindi pa gaanong lumalaki yung tiyan ko.

Akala ko ay magkukuwanri siyang walang narinig o di kaya ay wala siyang sasabihin kung kaya't itinuon ko na lamang yung atensyon ko sa daan na kasalukuyan naming tinatahak.

"How's our baby?" tanong niya na parang may pakialam siya sa bata pero nanatiling nakatuon yung mata niya sa daan. "Do you feel some cramps or something that hurts?" dagdag niya nung hindi ako nakasagot sa tanong niya. Tumingin siya sa akin saglit hanggang sa dumapo yung mata niya sa bandang tiyan ko pero agad niya ring ibinalik yung mata niya sa kalsada.

"I'm okay. Don't worry wala naman akong gagawin para sa ikapapahamak ng baby ko. He or she will always be a blessing." sa ngayon ay yun na lang yung iniisip ko. Hindi kailan man kasalanan ng buhay na unti-inting nabubuo sa loob ng tiyan ko ang dumating sa akin. Kaya nararapat lamang na tanggapin ko yun bilang biyaya kahit walang kasiguraduhan kung ano ang gagawin ko sa kanya paglaki niya o di kaya ay maaring ibigay man lang sa batang nasa sinapupunan ko. Sana nga ay kaya kong maging ama at ina sa kanya pag naluwal ko na siya.

Inaamin kong namumuhi pa rin ako kay Troy sa kada makikita ko siya. May konting galit pa rin ako pero kasalanan ko na rin siguro dahil naging mahina ako at nagpaubaya na lang sa kanya.

All I should worry right now is the best for my baby. "Ours. It is my flesh too. It will be our baby and not just yours." halos di ako makapaniwala sa narinig ko pero di ibigsabihin nun ay magpapauto na ako sa mga pinagsasabi niya. He will always that evil na kaya niyang paikutin lahat.

"It is my baby the moment you neglect him. Hindi mo nga siya kayang tanggapin nung nalaman nung may nabuo pala tayo tapos ngayon sasabihin mong atin ang baby?" sumbat ko naman. Naalala ko na naman kung paano niya sinabi sa akin na kailangan kong ipaabort yung bata.

"Can you just please shut up?!" sigaw niya pa. Hininto niya pa sa tabi yung kotse saka hinampas yung manibela ng may malakas na pwersa. Hindi na ako nagulat pa dahil palaging mainitin yung ulo niya. Mas mabibigla pa ako kung babait siya.

"Pwede ba Troy. Huwag mo nga akong sigawan. Hindi kita kailan. Hindi ka kakailanganin ng magiging anak ko. Baka nakakalimutan mong hindi ko ginustong mangbunga lahat ng mga kalokohan mo. Hindi sapat ang kilalanin mo siya para makalimutan kong di ko ginusto na mabuntis sayo."

Napahilot naman siya sa sentido niya. "Stop that fucking drama of yours. Whether you like it or not, I'll father my child. Kaya kong ibigay ang pangalan at apilyedo ko alang-alang sa magiging anak natin. I don't want to heard your buts. No buts." may pagkairita ngunit malumanay yung boses niya. Napasandal na lang ako sa likurang bahagi ko.

"You don't need to father the baby kung napipilitan ka lang Troy. At isa pa, hindi niya kailangan ng isang amang katulad mo."

My baby doesn't need a heartless father. It may sound selfish pero mas nanaisin ko na lang na walang kikilalaning ama yung anak ko kaysa namang masisilayan niya ang isang lalaking kahit kailan ay walang alam sa salitang responsibilidad at pagmamahal.

Author's note: Hello. Libre pong magcomment. Team Troy pa rin ba kayo o maghahanap na tayo ng iba para kay Cherish? Lol. Comment down please :)

HatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon