Prologue

155 43 28
                                    

Minsan may nagtanong sa akin.

"Where do broken hearts go?" Syempre hindi ko nasagot 'yun. E, hindi pa naman ako nabo-broken heart NOON. OO, NOON.

Pero nu'ng naranasan ko 'yun gusto kong hanapin ang walang habas na nagtanong sa akin nu'n at isampal sa muka n'ya ang sagot.

Iniwan ako ng mahal ko, ano bang dapat kong maramdaman?

Sinaktan ako ng taong hindi ko inakalang sasaktan ako, ano bang dapat kong maramdaman?

Umasa ako dahil sa taong mahal ko at akala ko ay mahal din ako, anong dapat kong maramdaman?

Tell me!

Ang puso ko, nandito pa. Pero ang feelings ko, wala na. Katulad ng taong nang-iwan sa akin, iniwanan na rin ako nito.

******

LoveTechnician

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon