Chapter 3

102 38 24
                                    


»»»

"Erika, s'an ka galing kanina?" Agad na tanong ni jane pagkalabas ni mam custodio.

"Sa you-know-where." Biro ko saka kindat.

"Saan nga?"

"Sa you-know-where nga. Haha."

"Ay, ganun? Gusto mo ng okrayan? Si----

"Alululu. Oo na! Shut up kana bestie."

"Yuck. Sinong bestie? Wag mo kong matawag-tawag na bestie."

"Okay, bestie."

Umirap na lang s'ya n'ung ulitin ko ang salitang bestie. Ayaw n'ya daw kasi ng ganun. Masyado daw baduy e lumilingon naman. Kunwari pa e. Haha.

"May tinulungan lang akong pusang ligaw."

"Ay ewan. Bahala ka na nga d'yan. Hindi kita pakokopyahin."

"Hala! Wala namang ganyanan bestie."

"Hindi kita kilala. Wag mo kong kakausapin."

"Haha. I love you bestie."

Ang daming gumaya sa akin. Nagsi-I love you din 'yung iba kong classmate kaya lalong nainis si jane. Karamihan pa e lalaki.

-----

Ang bilis talaga ng araw. Wala pang pumapasok sa isip ko uwian na.

Bzzzzt!! Kinapa ko 'yung cellphone ko ng magvibrate ito.

(1 message recieved)

From: kuya enzz

'Sis! My iuutos aq sau.

To: kuya enzz

'Ano un?

From: kuya enzz

'mkk2lg sa bhy ung kaibgn ko. E my pxk pko kw n lng mgxndo. Eto no. 0906xxxxxxx. Tnx!

To: kuya enzz

'Okiee.

Sino kayang kaibigan y'un? Si kuya rich? Kuya jasper? E alam naman nila 'yung bahay namin e.

"Bestie, ayokong sabihin ito pero kailangan. Break muna tayo. Kaya iwanan mo na ako."

"K."

Napa-pout ako. Grabe ang pagiging cold n'ya. Pwede ng tawaging ice queen.

"Sa'n ka naman ba pupunta?" Tanong n'ya.

"May susunduin lang ako. Kaibigan ni kuya enzo."

"Sige. Mauna na'ko." Paalam n'ya.

"Bye!"

Tinxt ko na 'yung kaibigan ni kuya. Sisingilin ko kay kuya y'ung pamasahe. Hindi naman ganu'n kalaki 'yung allowance na binibigay sa'kin. Hindi din naman walking distance ang eskwelahan. Obligado talagang mag-tricycle.

To: friend kuya

' san ka? Kapatid to ni enzo chan. Pinasusundo ka nya sa akin.

Maya-maya naka-recieve ako ng txt galing sa kanya. Sinabi n'ya sa akin kung nasaan s'ya. Pumunta agad ako doon para makauwi na kami. Buti na lang nasa malapit lang s'ya sa school. Pwedeng lakarin.

To: friend kuya

'Dto nk. Xn ka gwi? Nkuniform aq. Nkxndal aq x poste.

Tinignan ko 'yung paligid. Sakto. Ako lang ang estudyante kaya madali n'ya lang ako makikita.

From: friend kuya

' nkta na kta. What a coincidence. We met again.

Napa-kunot ako sa tinxt n'ya. Anong pinagsasa-sabi neto? Maya-maya may kumalabit sa akin.

"Yo." bati nito at naka-ngiti s'ya sa'kin.

Aba! Si kuyang foreigner. Wag mo sabihing naliligaw na naman s'ya?

"Uy. Anong ginagawa mo dito? Buti nahanap mo 'yung exit?" Biro ko.

"Yeah. Thanks to you."

"Ha! Maliit na bagay. "

Luminga-linga ako. Ang tagal naman n'un. Dapat pala tinanong ko 'yung suot n'ya para ako na lang ang lalapit sa kanya.

"Sino hinahanap mo?" Takang tanong ni kuya.

"Yung kaibigan ng kuya ko." Sagot ko naman.

"But I'm already here."

"Yeah you're here----" bigla akong napalingon sa kanya.

"Let's go?" nakangiting aya n'ya.

Napatango na lang ako agad.

So? Yun ang ibig n'yang sabihin sa coincidence na 'yun? Akalain mong may kaibigang kano si kuya!

Nalaman kong edward cullens ang pangalan n'ya at ang asawa n'ya ay si bella. Jowkii! Haha.

Edward johnson ang full name n'ya. And kagagaling n'ya lang sa california. Dito daw s'ya nag-high school pero hindi n'ya classmate si kuya. Ahead s'ya ng isang taon. Kung gan'on graduate na s'ya. 4th year na sila kuya ngayon at sa march ga-graduate na sila ng mga kaibigan n'ya. I wonder kung paano sila naging magkaibigan kung hindi naman pala naging magka-klase?

Dinala ko s'ya sa guest room. Kaya pala todo linis si kuya sa kwarto na'to. Hindi manlang sinasabing may especial guest na darating.

Kami lang ni kuya enzo ang magkasama sa bahay na'to. Dapat kasi lilipat kami ng bahay. E, ayokong iwanan si bestie. Ganun din si kuya. Ayaw n'yang iwan ang mga kaibigan n'ya. Kaya naiwan kami dito. Si ate angel, 'yung panganay namin may pamilya na. Nasa states sila ng asawa at dalawa n'yang anak. Si andy ang sumama kila mama. Ang 12 years old naming bunso na pasaway. Pero kahit pasaway 'yun nami-miss ko na din ang batang 'yon.

"Iwan na kita d'yan. Kung maliligo ka ayun lang 'yung c.r."

"Okay. Thanks, erika." Napahinto ako sa paglalakad.

"Erika?" Tawag ni edward sa'kin ng mapansin ang paghinto ko.

Ngumiti ako sa kanya. Pero sa pagngiti at pagtitig ko ay tila nakita ko ang muka ng taong matagal ko nang inalis sa aking buhay.

"Ah. M-may naalala lang. Sige." Lumabas na'ko at dumiretso sa aking kwarto. Nahiga ako sa kama saka pinatong ang braso sa aking noo.

Sigh. What are you thinking? Inalog-alog ko 'yung ulo ko. Kung ano-ano na-aalala mo, erika. He's not him. He's not him.

Pero bakit ka umiiyak? Hindi ko napansin na bigla na pala akong naiyak. Bwisit na luha. Wala manlang warning. Pero kung tititigan ng mabuti may sila. Hindi naman possibleng magkapatid sila dahil ang alam ko only child lang s'ya.

Knock! Knock!

"Erika? May extrang towel kaba?"

Agad kong pinunasan 'yung pisngi ko at bumangon.

"Meron." Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni kuya para kumuha ng tuwalya. Binigay ko 'yun kay edward.

"Erika, are you okay? Tumamlay ka ata?" Sinabit n'ya sa leeg n'ya y'ung tuwalyang binigay ko.

"Your asking me if i'm okay? Me? The great me?"

"Okay. Okay. Akala ko lang siguro 'yun." Tumalikod na s'ya at pumasok sa c.r.

"Oo. Akala mo lang y'un." Bulong ko.

You're okay erika. You're gonna be okay. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko si jane. I need my bestie. I need one person na makakaintindi sa akin at si jane 'yun.

»»»

Ang init ng panahon. Grabe!

~L.T

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon