Chapter 8

69 32 17
                                    

°°°°°

[Erika]

Nakamasid lang si ren sa kumakaing si erika. Nasa 7/11 sila ngayon ni erika. Napagpasyahan kasi ni ren na ilibre na lang si erika ng pagkain para tumigil na ito sa paghampas sa kanya. Pumayag naman si erika. May inimbento kasi s'yang kasabihan na "Ang grasyang nasa harapan, ay dapat ng sunggaban"

"Ang lakas mo pa ding kumain." Natatawang saad ni ren kay erika. Napahinto naman sa pagkagat ng bigbite si erika.


"Hayaan mo kong kumain. Hindi naman ikaw ang tataba." Masungit na sagot nito.

"Okay." Tinitigan na lamang ni ren si erika habang ito'y tuloy parin sa pagkain.

Dalawang taon. Dalawang taon n'ya itong hindi nakita. Ang sabi n'ya sa sarili kapag nagkita sila ulit ay sasabihin n'ya ang dahilan ng kanyang pag-alis. Magpapaliwanag s'ya kung bakit bigla s'yang umalis. Sasabihin n'yang hindi n'ya ito ginusto. Ngunit hindi n'ya magawang makapagsalita. Baka kasi kapag nagsalita s'ya tungkol sa nakaraan ay biglang umalis si erika. Nandito na s'ya sa kanyang harapan. Sa ngayon ay sapat na ang pagtitig. Ayaw n'yang magmadali. Sapat nang alam n'yang nandito s'ya at pwedeng-pwede n'ya itong makita.

Biglang nagring ang cellphone ni erika. Naisip n'ya na baka si jane ito. Pero, wala pang 12:30.

"Oh bestie? Ha? Hala! Nandito kami sa 7/11 e. Sige sige. Pupunta na'ko. Oo na. Oo na."

Biglang tumayo si erika na ikinatayo din ni ren.

"Hatid mo na ako sa school. Andun na daw y'ung teacher namin." Aya ni erika. Bigla namang napa "huh" si ren sa sinabi ni erika.

"Ayaw mo? Edi maiwan ka dyan."

"Ah hindi. Hindi... ha.. hahatid na kita. Ahaha." Inayos na ni erika ang suot na uniform. Dinampot din n'ya ang mga pagkaing inorder n'ya na hindi naman nakain at nilagay sa bag.

"Tara." Naunang lumabas si erika na sinundan ni ren.

-

"Ah, erika." Tawag ni ren ng makababa na sila sa sinakyang tricycle.

"Hmm?"

"Ahm... ano, kita tayo bukas! Oo. Sige." Gusto n'ya sanang sabihin na ihahatid na n'ya ito sa room.

Gusto n'yang sabihin na sobrang na-miss n'ya ito.

"Ah, okay." Tumalikod na si erika at pumasok sa loob ng gate. Pinagmasdan na lang n'ya itong maglakad palayo sa kanya. Gusto n'ya sana itong habulin kaso nawala na ito sa kanyang paningin.

'Dibale, may bukas pa naman at sa isang bukas tapos sa susunod na bukas at sa marami pang bukas na darating. Hindi s'ya magmamadali. Dahan-dahan muna. Kapag handa na ulit si erika saka n'ya gagawin ang dapat ay matagal na n'yang ginawa.


"Pssssst! Psssst!" Napaikot si ren ng may sumutsot. Nakita n'ya 'yung tricycle driver na sinakyan nila ni erika kanina. Kumaway ito sa kanya na parang pinapalapit s'ya. Tumingin s'ya sa paligid dahil baka iba 'yung kinakawayan n'ya. Kaso s'ya lang ang tao at 'yung manong guard na nasa tabi naman ng gate ay may katawagan sa cellphone.

Tumingin ulit s'ya du'n sa tricycle driver at tinuro ang kanyang sarili. Tumango naman 'yung driver bilang sagot. Nagtatakang lumapit si ren. Dapat kanina pa 'to umalis ah. At bakit s'ya nito tinatawag? Kilala n'ya ba ito? O kilala s'ya nito?

Ba't 'di na lang kaya n'ya tanungin 'yung driver?

"Kuya, bakit po?" Tanong n'ya ng makalapit.

"Anong bakit? Ikaw ang bakit." Sagot nito sa kanya na hindi naman n'ya naintindihan.

"Ha? Anong ibig nyong sabihin?" Umiling-iling 'yung driver.

"Ba't hindi mo hinabol si erika?" Nagulat naman si ren.

"Kilala n'yo si erika?"

"Tsk. Hindi mo pa nga sinasagot 'yung tanong ko tapos magtatanong ka? Wag ganun!" Napahawak si ren sa batok.


"Ahm... hindi ko po kayo ma-gets. Sige, una na'ko."

"Sandali ren." Napalingon agad si ren.

"Stalker ka no?" Biglang saad ni ren. Hindi naman ito mukang may edad e. Bata pa nga ito at mukang ka-edaran lang ng step-brother n'ya. Mga nasa 20's palang siguro ito.

"Ang gwapo mo ha! Saka hindi ako bakli! Basta sagutin mo na lang ako. Bakit hindi mo hinabol si erika? Gusto mo s'yang habulin diba? Gusto mo s'yang ihatid sa room nila. Tama?" Napatulala na lang si ren sa mga tinanong ng binatang driver.

"O-oo. E, ano naman sayo? Saka papasok naman na ako bukas. Pwede ko s'yang ihatid kahit kailan ko gusto." Pagta-tanggol n'ya sa sarili. Hindi n'ya malaman kung bakit pa ba s'ya sumagot.

"Yan! Mahilig ka sa bukas na lang! Bakit? Alam mo ba ang mangyayari bukas? Paano kung biglang lumipat sa ibang school si erika? Paano kung may boyfriend na pala si erika at s'ya ang maghahatid sa kanya bukas? Ano nang mangyayari sa lovestory n'yo?" Tumingala ito sa langit."Saan na lang ako e-extra?" Bumaling ang driver sa hindi maipinta ang mukang si ren."Kaya kung ako sa'yo pag may gusto kang gawin, gawin mo na ngayon. Wag bukas o mamaya. Ngayon na! Kasi kung hindi ngayon, kailan? Kailan pa? Kung kailan huli na? Kung kailan naagaw na s'ya ng iba?" Huminto muna sa pagsasalita ang driver at humugot ng malalim na paghinga."Naiintindihan mo? Para lang 'yang linya ni tito boy na "now na!"." Hindi agad nakapagsalita si ren. Nabigla s'ya sa mga pinagsasabi ng manong driver.

Ikaw ba naman ang sermonan ng stranger na driver. Umiling na lang ang driver. Binuhay n'ya ang makina ng tricycle. Tinapik n'ya muna ang balikat ni ren bago ulit nagsalita.

"Pa'no? Hanggang dito na lang ang role ko. Baka matagal mo kong hindi makita."

"S-sandali. Anong.... pangalan mo?"

Ngumiti ang driver.


"Tawagin mo na lang akong si....... Love driver. L.D. for short." Kumindat ito pagkatapos ay pinaandar ang tricycle at umalis.

"Love driver huh? Ang weird pero astig." Nakangiting bulong ni ren sa sarili. Parang natauhan s'ya sa sinabi ng lalaking tinatawag ang sariling si love driver. Hindi man n'ya alam kung paano s'ya nito nakilala pero sige, susundin n'ya ang payo nito. Kung ito naman ang mas makakabuti.

°°°°°

Guys, pasensya na po kung may mga grammatical error o typos. Cellphone lang kasi gamit ko at hindi rin naman ito kagandahan. And nakiki-wifi lang din po ako. Nyahahaha.

Please understand.

- L.T

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon