Chapter 4

88 36 20
                                    


»»»»

[Jane's POV]

Nauna akong umalis kay erika dahil mer'on pa daw s'yang gagawin. Hindi muna ako umuwi sa bahay. Dumaan muna ako sa national bookstore at may bibilhin akong bagong libro na gagamitin sa history namin. Naglakad na lang ako dahil malapit lang naman ito sa school. Saka na lang ako sasakay kapag pauwi na sa bahay. Kung wala lang sanang gagawin si erika ay aayain ko s'ya. Matagal na rin kasi ng huli kaming lumabas. Kahit paano ay nami-miss ko na din ang bruha na 'yun. Hindi man halata.

Malapit na din kasi ang exam kaya hindi kami masyadong gumagala. Kapag siguro natapos na ang exam aayain ko s'yang manood ng sine. I think, parang nai-imagine ko na ang reaction ni erika.

"Oh my~ ang bait bait talaga ni bestie. I love you the best!"

Napa-ngiti ako saka umiling sa naisip kong 'yun. Hindi ko naman gustong maging cold sa kanya e. Ayoko lang kasi 'yung ginagawa n'yang pagpa-panggap. Matagal ko na s'yang kilala kaya alam ko na nahihirapan s'ya pero hindi n'ya lang pinapakita. Sa bawat pagka-kataon ay ngiti ang laging pinapakita n'ya.

Simula nang umiyak s'ya dahil sa pag-alis ni ren ay hindi ko na ulit s'ya nakitang umiyak. Kahit na may sugat 'yan hindi s'ya umiiyak. Lagi lang s'yang nakangiti. Minsan gusto ko na lang s'yang batukan at sampalin para matauhan. Gusto ko s'yang saktan para ipa-alala na tao lang s'ya. Umiiyak kapag nasasaktan.

Lahat ito ay kasalanan ni ren. Lahat ng sakit na nararamdam noon at hanggang ngayon ni erika. Lahat kasalanan ng walang hiyang ren na'yun! Hindi lang sakit kundi kahihiyan ang binigay n'ya kay erika.

Nagsimulang i-bully ng mga inggeterang babae sa dati naming school si erika ng umalis si ren. Simula ng malaman kasi nilang interesado si ren kay erika ay wala na silang ibang ginawa kundi guluhin ito. Lalo lang itong lumala ng malaman nilang wala na si ren sa school. Awang-awa ako sa kaibigan ko. Wasak na nga ang puso. Pati ang araw n'ya ay sinisira.

Sa tuwing naa-alala ko ang mga panahon na 'yun, hindi ko mapigilang magalit kay ren. Sa ginawa n'yang pang-iiwan kay erika. Napakabait ni erika. Hindi ko malaman kung bakit n'ya nagawang gaguhin ito.

Sigh.

Pumunta agad ako sa hilera ng mga libro pagkapasok ko sa national bookstore. Hinanap ko agad 'yung libro na kailangan namin sa history.

Kring~ Bestie kring~ kring~ Bestie kring~

Napalinga ako sa paligid. Halos lahat ng tao nakatingin sa akin. Pilit na lang ako ngumiti at tumalikod.

Kring~ bestie kri---

Agad kong sinagot 'yung tawag. Isang tao lang ang kilala kong tatawag. Halata naman sa ringtone. At hindi ko alam na pinalitan na namn n'ya ang ringtone ko!!

"Erika chan!" Bungad ko.

"Whoa. Cool ka lang bestie. Hindi kaba natuwa sa bagong ringtone mo? Boses ko talaga 'yan ah! Bwahahahaha!" Umalingaw-ngaw ang tawa n'ya sa tenga ko.

Napahawak na lang ako sa aking sentido. Ano bang gagawin ko sa baliw na'to? Ipalapa ko na lang kaya sa aso. Naglakad ako habang kausap si erika sa cellphone. Pumunta ako sa kabila dahil wala 'yung hinahanap kong libro sa pwesto ko.

"Nasundo mo ba 'yung susunduin mo?" Tanong ko habang tumitingin sa mga libro.

"Oo nemen! S'ya 'yung pusang ligaw na sinasabi ko kanina." Napakunot-noo ako.

"Pusang ligaw?" Takang tanong ko.

"Oo. Yung si kuyang naligaw kanina sa school at tinulungan ko." Narinig ko ang pagbuntong-hininga n'ya sa kabilang linya.

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon