CHAPTER 17

37 16 6
                                    






"Bestie, okay ka naba talaga?" Kasalukuyan kami ngayong gumagayak para pumasok. Hindi ko padin maalis sa isip ko 'yung nangyari kaninang madaling araw. Gusto ko s'yang tanungin kung may hindi ba s'ya sinasabi sa akin pero alam ko namang hindi n'ya ako sasagutin. Lalo na kung ikababahala ko ito.

"Muka ba'kong hindi okay? Intindihan mo na lang ang sarili mo." Sabi n'ya sabay labas ng kwarto ko.

Ano bang gagawin ko sa'yo? We're so close yet so far. Areng!

Tinapos ko na lang ang pagsusuklay ko bago kinuha ang bag at lumabas.

"Good morning, bhe." Napangiwi ako ng makitang naka-apron lang si kuya at boxer. May dala s'yang plato na may lamang piniritong itlog at hotdog.

"Ano 'to? Inaakit moba si bestie?" Natatawa Kong biro habang pinagmamasdan s'ya.

"H-h-hindi ah! Ganito talaga ako kapag nagluluto. Hindi mo lang napapansin." Depensa naman no kuya.

"Hmm? Sige na nga. Sabi mo e. Kaso hindi mahilig sa porn si bestie e. Better luck next time na lang. Hahaha!" Tinapik ko muna si kuya bago dumiretso sa kainan. Naabutan ko si bestie na kumakain na. Umupo nadin ako para kumain.

'Diba? Prenteng-prente lang si bestie habang kumakain na parang wala lang ang paglalantad ni kuya.

Kuya, if I were you, magtatapat na'ko ng harapan. Hindi mo madadaan si bestie sa pagpaparamdam.

Poor brother.

🌸🌸🌸

Maingay agad ang klase ng dumating kami ni bestie. May lalaki kasing bago ang muka at kasalukuyan nila itong kinakausap. Nang makita namin ito ay agad umasim ang muka ni bestie.

"Ah! Erika! Jane!" Tawag ni Ren ng makita kami.

"Yo." Simple Kong bati.

"Wag mo nga akong tawagin." Masungit na tugon naman no bestie. Ito na naman ang beast mode na bestie.

"Magkakilala na kayo?" Tanong ng isa kong ka-klase.

"Ahm... magka-school mate kami nu'ng elementary." Sagot ko.

"Eh? Akala ba namin e galing kang amerika?"

"Yeah. Pero dito ako talaga nakatira." Saad ni Ren. Friendly n'ya kaagad ha. I guess, wala s'yang gaanong pinagbago.

"Ba't ka naman umalis?" Biglang tanong ni Irene. Kita ko ang pagtigil ni Ren. Tila hindi s'ya komportable sa tinanong nito.

Ako din. I wanted to know why you leaved?

"Ah... eh, kasi.... 'yun, I can't tell you guys." Alangan n'yang sagot na talagang gustong iwasan ang tanong na'yun.

Why? Kasi nandito ako?

"Ah! Sorry, sorry. Private matters pala 'yun. Hehe." Ramdam namin na biglang nag-iba ang atmosphere.

"Alam kona! Sumama ka sa amin mamaya! Mayroon kaming blind date. Tamang-tama dahil may sakit si allen. Ikaw na lang ang pumalit." Pagbabago ni Nilo sa usapan.

Blind date?

"Ah, sorry pero hindi ako pwede sa blind date e."

"Bakit? May girlfriend ka naba?"

Biglang tumingin sa akin si Ren.

"Wala pa pero... may nagmamay-ari na ng puso ko." Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ni bestie ng biglang n'yang kalampagin 'yung lamesa.

"Oh, talaga? Sabihin mo nga, nandito ba sa classroom 'yung taong 'yun?" Nakangisi n'yang tanong kay Ren. Tila naghahamon ito.

"Bestie!" Suway ko sa kanya. Kinantyawan ng iba kong mga classmate si Ren para sabihin kung nandito ba 'yung tinutukoy n'ya.

My heart is beating so fast. It can't calm.

I don't want to hear it.

I don't want to hear it.

I don't want to. . . .

"Nandito. Nandito s'ya... sa classroom."

. . . . Hear it.

I hear my classmates screaming like crazy. Why did it end up like this?

Why did you have to asked that, bestie?

"Then, ituro mo nga 'yung taong 'yun?" Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay bestie. Ganu'n padin ang ekspresyon n'ya. Parang wala lang sa kanya 'yung mga itinatanong n'ya. Parang wala s'yang pakielam sa mga nangyayari.

"Bestie. . . " Hindi ko makapaniwala Kong sambit bago lumabas ng room.

Hindi ko s'ya maintindihan. Bakit kailangan n'ya pa 'yun tanungin? Bakit kailangan n'ya ding sumagot?

At Bakit ba ako nagkakaganito?

Nagpunta ako sa library. Pu-mwesto ako sa lugar na walang tao. Du'n ako umiyak. Umiyak ako ng tahimik hanggang isang tapik ang naramdaman ko.

"Erika?" Mabilis akong nagpahid ng luha at lumingon.

"Ah, Sir. Edward. Goodmorning po." Kumunot 'yung noo n'ya sabay lapit sa muka ko na aking ikinagulat.

"You're crying. Why is that?" Nakatingin s'ya sa mga mata ko.

"Ahaha. H-hindi po. Mayroon kasing--"

"Did something happened?" Makikita sa itsura n'ya na hindi s'ya madadaan sa lame excuses. It's as if he can see through me that something really has happened.

"I... I don't know what to do." Yun na lang ang nasabi ko while holding back my tears. Ayokong umiyak sa harapan ng teacher ko. Sa harapan ng kapatid ng dahilan kung bakit ako umiiyak.

"Then, don't do anything. If you're not sure of what to do, just stay still." Ginulo n'ya 'yung buhok ko.
"Ayokong nalulungkot ang estudyante ko." Ngumiti ako saka tumango.

"Thank you, Sir. Edward."

Bakit nga ba ako nagkakaganito? Ano bang ikinakatakot ko?

Maybe i'm afraid to know the truth?

Because. . . .

I'm afraid to know that I was wrong...

............................................................................................................

➡LoveTechnician,
Gumagamot sa sirang puso, Hindi sa sira ang ulo.
✌✌✌

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon