Chapter 12

54 28 16
                                    


"Erika, anong pinag-usapan n'yo ni ren?" Tanong ni jane sa kaibigan. Hindi pa muna sila umuwi. Nagpunta muna sila sa malapit na cakeshop para magpalamig.

"Wala naman. Hindi kami masyadong nakapag-usap kasi tumawag ka." Sagot nito habang sumandok ng bakedmac at saka sinubo.

"Kasalanan ko pa gan'un?" Sarkastikong sabi ni jane.

"Haha. Oo bestie e. Gan'un nga." Asar naman ni erika.

Tumahimik muna sila sabay kanya-kanyang subo sa pagkain na in-order.

"Si sir edward, kilala mo?" Biglang tanong ni jane. Agad namang binababa ni erika ang baso na parang may naalala.

"S'ya 'yung bestfriend ni kuya na pinasundo sa akin! Dun s'ya nakitulog sa amin n'ung araw na'yun."

Tumango-tango lang naman si jane.

"Ano nang gagawin mo kay ren?" Pagiiba ni jane.

Napansin naman ni erika na parang paiba-iba ang tanong ng kanyang bestie. Parang hindi nito alam kung ano ang itatanong.

"Wala. Ano namang gagawin ko kung nandito na s'ya? Past is past bestie, hindi na kami katulad ng dati. Kung ano man 'yung nangyari noon, wala na 'yun sa'kin."


"E pa'no kapag sinabi n'yang... let's begin again. Alam mo na, 'yung mga linya sa drama. Anong isasagot mo? Yung mga katulad ng"there's nothing to begin with".

Napa-pout na lang si erika sa sinabi ni jane.


"Edi sasabihin ko 'yung totoo."


"Totoong ano?"

"Na nakamove-on na'ko. Wala na s'yang babalikan kasi hindi ko na s'ya mahal." Diretsong sabi ni erika. Ni hindi manlang s'ya nabulol. Matalim naman ang titig ni jane kay erika. Sinusuri kung totoo nga ba ang sinasabi ng kaibigan.

"Totoo 'yan? No lies?" Nakataas ang isang kilay ni jane habang sinasabi iyon.


"No lies, bestie." Nakangiting saad ni erika. Gagayahin n'ya sana si jane kaso hindi n'ya maitaas ang isang kilay dahil hindi naman n'ya ito kaya.

Nagkibit-balikat na lang si jane bago humigop sa iced tea. Well, kung totoo ngang hindi na n'ya mahal si ren okay na'yun. Kaso ang hindi okay para kay jane ay baka kaya bumalik si ren ay para paikutin muli ang mundo nito. Baka paibigin ulit ni ren ang kaibigan n'ya at pagkatapos ay iiwan ulit.

Sana ay wag na silang guluhin ni ren. Sana ay hayaan na n'ya si erika na kalimutan s'ya. At sana, magmove-on narin s'ya kagaya ng pagmove-on ni erika. Kung nakamove-on na nga talaga ito.


"Bestie, birthday na ni kuya sa linggo. Wag kang mawawala. Malulungkot si kuya, sige ka." Tila umasim naman ang muka ni jane.


"Sabihin mo sa kuya mo magmove-on narin. Wala kamo s'yang pag-asa." Natawa ng bahagya si erika.


"Ang harsh mo bestie kay kuya! Haha."

***

[Ren's PoV]

"Ren, nahanap mo naba si first love?" Tila pangaasar ni kuya ed sa akin ng nakita ako. Si kuya ed ay kaptid ko sa ama. Anak s'ya ni dady sa bago n'yang asawa.

Nginisihan ko lang s'ya.

"Yeah, nagkita na kami kanina." Proud kong sabi.

"I thought, hindi mo na s'ya makikita."

"Well, sorry na lang sa'yo. By the way, kamusta ang first day, sir edward? Hahaha." Ako naman ang nangasar ngayon. Nahihiya kasi si kuya kapag tinatawag ko s'yang sir. Kapag pa naman nahihiya s'ya e, nagiging masungit s'ya.



"None of your business." Sabi n'ya sabay punta sa kwarto.

Nailing na lang ako.

Sigh.

Bukas, official student na ako. Makikita ko na ulit si erika. Kapag maayos na kami, saka ko na lang sasabihin ang dahilan ng pag-alis ko. Sana maintindihan n'ya. Sana wala pa s'yang boyfriend.

Pinagsisihan ko lahat ng naging desisyon ko noon. Bawat araw ata umiiyak ako. I plead and cry infront of my dad para lang ibalik ako dito sa pinas. Pero hindi n'ya ako pinayagan.Magsasayang lang daw ako ng pera.


Kaya galit ako sa kanya kasi, sinira n'ya kung ano man ang mero'n kami noon ni erika. Dahil sa kanya naging miserable ang buhay ko sa states kasama ang bago n'yang pamilya. Hindi naman ako galit dahil sa nagkapamilya s'ya ulit. Galit ako kasi dinamay n'ya ako. Masaya naman kami ni mama na wala s'ya pero pinilit n'ya kong sumama sa kanya. May sakit si mama noon at kapag daw sumama ako ay ipagagamot n'ya ito. Wala akong nagawa ku'ndi ang tumango at pumayag.

Si mama ang unang asawa ni dad pero, naghiwalay sila dahil sa financial problem. Hindi na nakayanan ni dady ang hirap at bumalik s'ya sa mga magulang n'ya at iniwan kami. Doon palang nagalit na ako sa kanya. Paano n'yang nagawa na iwan ang mag-ina n'ya sa gitna ng gutom? Sa gitna ng hirap?

Wala s'yang kwentang ama.

Nabalitaan na lang namin na nag-asawa na s'ya ulit at matagal na palang may ibang anak, 'yun nga si kuya ed. Dahil d'un nanghina si mama hanggang sa nagkasakit s'ya. Masyado n'yang dinamdam ang nangyari sa pamilya namin. Ilang taon ang nakalipas ng pumunta sa amin si dady at inalok ako na sumama sa kanya kapalit ang pagpapagamot kay mama.

Yun ang araw na kinamuhian ko s'ya at hiniling na sana ay hindi na lang s'ya ang naging tatay ko. Na sana, hindi na lang sila nagkakilala ni mama. Na sana, namatay na lang s'ya.

Gusto kong itama 'yung mga pagkakamali ko noon, ngayon. Sisiguraduhin kong hindi ko na ulit iiwan si erika at hindi ko s'ya paiiyakin.

Lahat ng mga hindi ko nagawa noon, lahat ng pagsisisi ko, lahat ng mali kong nagawa, sisiguraduhin ko na magiging tama na ngayon.


Sana lang ay matanggap pa ako ni erika.

******

Vote/comment po :)


-L.T

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon