Chapter 1

151 41 44
                                    

ERIKA

Grade 6 ako n'ung una ko siyang makilala. Matatawag ko siyang first love. Hindi kami magka-klase pero sa tuwing magka-kasalubong ang aming landas ay sabay kaming napapahinto. Magka-katinginan kami pagkatapos ay sabay ding iiwas. Ni minsan ay hindi pa kami nagkausap. Pero ramdam namin na may gusto kaming iparating sa isa't-isa.

Marami ang tumutukso sa amin na kung ano daw ba ang mer'on sa amin. Wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam ang isasagot.

Ano nga bang mer'on sa amin?

Hindi ko maintindihan basta alam ko lang masaya akong nakikita siya. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing ngumi-ngiti s'ya. Siya ang lagi kong naiisip. Kapag may magandang nangyayari sa buhay ko, siya agad ang una kong naiisip. Para ko s'yang naging lucky charm.

Gan'un din kaya siya sa akin? Masaya din ba siya kapag nakikita ako? Napapatibok ko rin ba ng malakas ang puso niya tulad ng ginagawa niya sa puso ko?

Ang dami kong gustong itanong pero wala akong lakas ng loob. Nauunahan ako ng kaba at takot. Baka kasi ang isagot niya ay 'yung kabaligtaran ng gusto kong marinig.

"Ren, gusto kita." Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang mga katagang 'yan. Pero ang hirap. Lalo na at walang kasiguraduhan kung may kapupuntahan ba ang pag-amin ko. Gusto kong umiyak dahil sa nararamdaman ko.

Gusto kita. Gustong gusto kita.

Riiiing! Riiing!

"Erika, bell na ah. Tara na sa canteen." Yaya ni Jane sa akin.

"Mamaya na 'ko. Hindi ko pa tapos isulat 'yung nasa blackboard. Susunod na lang ako." Sagot ko na hindi siya nililingon. Busy kasi ako sa pagsusulat.

"O sige. Ang bagal kasing magsulat eh! Haha." Biro niya bago umalis papuntang canteen.

Nagpatuloy lang naman ako sa aking pagsusulat. Ako na lang ang natitira dito sa room. Lahat sila nagpuntahan na sa canteen. Yu'ng iba umuwi para doon na sa kanila kumain ng tanghalian.

Pero hindi ko pinagsisihan ang pagiging mabagal ko sa pagsusulat noon. Dahil 'yun ang naging paraan para makausap ko ang taong gusto ko.

"Erika," Kahit hindi ako lumingon ay kilala ko na kung kaninong boses 'yun. Hindi man kami nagka-kausap pero kabisado ko ang timbre ng boses n'ya.

Huminto muna ako sa pagsusulat at lumingon sa kanya. Nakangiti s'ya ng maluwag na ikina-kabog ng dibdib ko.

"R-ren..." Mahina Kong sambit. Lumapit s'ya at umupo sa katapat kong upuan.

Ito ang unang beses na magka-kausap kami at malapitan pa.

"Kanina pa 'ko sa labas eh. Mabuti na lang at hindi ka pa tapos magsulat." Tila ba parang kinakabahan s'ya. Napansin ko rin na hindi siya nakasuot ng uniform namin.

Bakit kaya?

"Ah... hehe. Mabagal kasi talaga akong magsulat." Nahihiya kong pag-amin. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya. Baka kasi bigla na lang akong himatayin dahil sa kaba. Nakatingin na lang tuloy ako sa ballpen kong taban.

"Erika." Tawag niya sa pangalan ko.

Ang sarap pakinggan ng boses n'ya. Lalo na sa tuwing tinatawag ang pangalan ko.

"May... gusto akong sabihin sa'yo." Tila hindi siya mapakali sa kibauupuan niya.

Hindi ko alam pero para akong naiiyak. Yu'ng mga tuhod ko ay nangi-nginig. Para akong nawalan ng lakas. Kinagat ko na lang 'yung labi ko para pigilan 'yung iyak.

Baka isipin niya ay wirdo ako dahil bigla-bigla na lang umiiyak.

"Okay lang na hindi ka tumingin sa akin basta makinig ka lang. Okay nga 'yun para hindi mo makita 'yung itsura ko. Yumuko ka lang."

"S-sige. Nakikinig ako."

Narinig ko ang paghinga n'ya ng malalim. "Sa totoo lang hindi ko alam kung saan magsisimula. Siguro nagtataka ka kung ba't bigla na lang akong lumapit sa 'yo. Hindi naman tayo friends, hindi nga tayo close eh. Baka iniisip mo na nagfe-feeling close ako."

Hindi, Ren. Masaya nga ako na lumapit ka. Sobrang saya kong nilapitan at kinakausap mo ang isang tulad ko. Ia-angat ko sana 'yung ulo ko para sumagot pero pinigilan n'ya ko.

"Wag. 'Wag mong i-aangat ang ulo mo. Wag muna ngayon."

Wala akong nagawa kun'di ang sundin siya. Kahit na nanga-ngawit na y'ung leeg ko. Titiisin ko na lang.

"Una kitang napansin n'ung nasa canteen tayo. Kasama ko yung mga ka-klase ko at ikaw naman, yung mga clasmate mo. Ang lakas mong tumawa nu'n. Sa lakas ay halos napatahimik mo ang buong canteen. Saka ko biglang nasabi, "nakakahiya naman 'yung babaeng 'yun." Rinig ko ang bahagya n'yang pagtawa.

Ako naman ay napapikit sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam na y'un ang first impression n'ya sa akin. NAKAKAHIYA. Gusto kong lumubog sa kahihiyan.

"Pero habang tumatagal, 'yung pagtawa mo ng malakas nagiging musika na sa tenga ko. Sa tuwing naririnig ko 'yun napapangiti na rin ako. Hanggang sa hinahanap na kita palagi. Sa pagtitig lang sa iyo okay na 'ko. Minsan tinatanong ko sa sarili ko. Ano bang meron sayo? Bakit kita nagustuhan?" Nag-pause siya ng ilabg sandaki at itinukoy ang sasabihin. "Gusto kita, Erika."

Parang huminto 'yung pag-hinga ko sa huli niyang sinabi. Gusto kong ipaulit 'yung sinabi n'ya. Gusto ko ulit y'un marinig. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Nakarinig ako ng paghikbi. Alam kong hindi sa 'kin ang hikbi na 'yun.

Umiiyak si Ren.

"R-ren? Pwede ko na bang i-angat 'yung ulo ko?"

"No. Not yet. Not now that I'm cry—."

"I don't care kung anong itsura mo ngayon. Kasi... kasi... g-gusto rin kita." Inangat ko na yung ulo ko. Bumungad sa akin ang luhaang muka ni Ren. Hinawakan ko ang magkabila n'yang pisngi.

"Gusto rin kita." Ulit ko. Hinila n'ya ako at saka niyakap ng mahigpit.

"I love you, Erika."

"I love you too, Ren."

Napakasaya ko nu'ng araw na 'yun. Ang lalaking mahal ko ay mahal din pala ako. Gusto kong isipin na dito na magsisimula ang maganda naming relasyon. Ito na ang umpisa ng lovestory namin.

Kaya lang akala ko kapag mahal n'yo ang isa't-isa okay na. Akala ko sapat na na alam n'yong iisa lang ang nararamdaman n'yo. Hindi pala. Mali ako. Maling mali ako.

Kasi kahit nagmamahalan na kayo hindi pa rin maiiwasan ang masaktan. Yun kasi ang naramdaman ko kinabukasan.

*******

LoveTechnician

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon