Chapter 15

49 26 17
                                    



Nakatingin silang lahat sa akin lalo na si sir edward. Ako naman ay hindi alam ang sasabihin. Biglaan e. Biglang kinuha ni bestie 'yung pambura na ginagamit ni kuya jasper at binato ito kay ren.

"Bura ko..."(pambura ko) matamlay na hinabol ni kuya jasper ang pambura pero hindi na n'ya ito nahabol dahil tumama na ito kay ren.

"Anong kinu-kwento mo sa kanila?! Naging kayo?! E 'diba nga iniwan mo si---" hindi ko na pinatapos si bestie at agad kong tinakpan ang kanyang tumatalak na bibig.


"Ahaha. Kuya, ano bang sinasabi mo?" Kunwari kong tanong para maiba ang atensyon nila.


"Ang ibig kong sabihin Ex-schoolmate. Ano bang akala n'yo?" Bigla kaming napahinga ng malalim. Para kaming naliwanagan. Agad na binatukan ni bestie si kuya.


"Aayusin mo kasi 'yung sinasabi mo." Sabi n'ya. Agad namang tumango si kuya na parang bata. Nakahawak pa s'ya sa parteng binatukan ni bestie at parang masaya pa s'ya na binatukan s'ya nito.

Umupo naman na ako at bumaling nalang sa pinagaaralan namin. Parang hindi na ako makakapag-concentrate sa lagay na'to. Nasa harapan ko kasi si Ren na parang kanina pa may gustong sabihin. Sana 'wag na lang s'yang magsalita, please. Ramdam kong nagiba din ang mood ni bestie simula ng dumating si ren. Si Bestie kasi 'ying taong hindi basta-basta nakakalinot sa ginawa. Lalo na sa mga mahal n'ya. Masaya ako dahil ang ibig sabihin ay mahalaga ako sa kanya. Pero, nalulungkot din ako dahil hindi na n'ya naaasikaso ang sarili. Hanggang ngayon, wala pa din akong naririnig sa kanya na may nagugustuhan s'ya o nata-type-an. Nababahala ako na baka habang panahon na lang sarado ang puso n'ya sa mga lalaki.




"So, mag-schoolmate kayo? Edi magkakilala na kayong tatlo?" Biglang tanong ni sir edward. Hinihintay kong sumagot si bestie pero gaya ng hinala ko, hindi s'ya sasagot kapag may kinalaman kay Ren.


"Opo, n'ung elementary." Tipid kong sagot.


"Ano ba. Cut the opo. Nagiging matanda naman ako e."


"Opo-- I mean, okay!" Hindi ako tumitingin kay Ren sa tuwing kakausapin ko si Sir. Kahit na magkatabi sila at kaharap ko s'ya. Pinipilit ko talagang wag s'yang tignan dahil baka mawala ako sa sarili.


C'mon erika! Akala koba nakamove-on kana? Diba sabi mo past is past?

Bigla ko na lang naalog 'yung ulo ko, bigla tuloy silang napatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at sa tingin ko ay ngiwi ang kinalabasan.


"Baliw kana?" Bulong ni bestie.


"Medyo?" Natatawa kong sagot.

*~*~*~*
[Ren's POV]

N'ung inaya ako ni kuya na sumama sa kanya ay hindi ko alam na kila Erika pala kami pupunta. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko ng nasa tapat na kami ng bahay nila. Hindi ko alam kung nandito pa sila, sabi kasi ni Jane ay lumipat na sila Erika. But, knowing Jane, sigurado akong hindi s'ya magsasabi ng totoo kapag kausap ako. She's against me. I can't blame her for that. Bestfriend s'ya ni Erika at kung ako man ang nasa posisyon n'ya ay malamang nagalit din ako sa lalaki na nangiwan. Kaya, gusto kong bumawi sa kanya at lalo na kay Erika. Ang mga pagkukulang ko noon ay pupunuan ko ngayon.


Ine-expect ko na ang mga gulat na reaksyon ni erika at galit naman kay jane. Gusto kong ngitian si erika pero hindi ko alam kung paano.

Ngiti lang naduduwag ka?

Bakit ba pagdating kay erika naduduwag ako? Pagdating sa kanya umuurong ang dila ko. Dalawang taon ko s'yang hindi nakita pero gan'un padin ang epekto n'ya sa akin. Ang kanyang mga malamlam na mata. Mapupulang labi. Paano ko naiwan ang babaeng nasa harapan ko ngayon? Paano ko s'ya nagawang pakawalan noon?

Masayang ka-kwentuhan si kuya enzo. Yung kuya ni erika. Ngayon ko lang s'ya nakausap pero napakabait n'ya sa akin. Hindi s'ya mahirap pakisamahan. Kung nalaman n'ya kaya ang ginawa ko kay erika magagalit s'ya?

Stupid! Syempre magagalit s'ya! Kuya 'yan ng taong iniwan mo!

Lahat kami nagulat ng sabihin nitong ex ko si erika. Wala akong ideya sa sinadabi n'ya. May nasabi ba'ko na tungkol sa'min ni erika? Wala naman ah?

Naliwanagan kami ng sabihinnitong ex-achoolmate lang pala. Sobrang sama ng tingin sa akin ni jane noon at kulang nalang ay manlisik ang mga ito. Pero siguro, dahil teacher n'ya si kuya ay hindi na lang s'ya masyadong nagsalita. Warfreak pa naman 'tong si jane.

Mabuti na lang at nand'yan si jane. Kahit papaano ay nabawasan ang mga alalahanin ko na baka magisa si erika sa panahon na kailangan n'ya ng kasama. N'ung panahon na umalis ako ng walang paalam.

Ang sarap balikan nang mga panahon na sariwa pa ang nararamdaman namin.

Pero, those are in the past now. Hindi na mababalikan. It's up to me kung paano ko babaguhin ang mga araw na dadaan.

Peeo bakit parang ang layo ni erika? Nasa harapan ko s'ya at abot kamay pero bakit parang hindi ko s'ya maabot?


Erika, saan kanaba nakarating?

Ikaw pa ba si erika?




********

Vote/comment po :)


L.T

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon