Chapter 11

51 29 15
                                    





"Hoy, ba't mo'ko sinusundan?" Saad ni jane sa tonong naiinis.

Hindi naman agad nakasagot si erika. Bukod kasi sa hindi n'ya alam kung bakit nga ba n'ya ito sinundan ay natatakot s'ya na baka galit ito sa kanya. Hindi na s'ya nakasagot. Sinundan lang n'ya si jane hanggang sa makarating sila sa rooftop.


Napatingin s'ya sa paligid. Hindi n'ya namalayan na nasa rooftop na pala sila. Bakit kaya oumunta dito si jane?


"Hindi mo pa'ko sinasagot. Bakit mo'ko sinusundan?" Tanong ni jane ngunit hindi padin humaharap kay erika.


Biglang kinabahan si erika. Nasa rooftop sila ngayon at walang ibang kasama. Baka isang maling sagot n'ya lang ay bigla s'yang itulak ni jane.




"Uhm.... k-kasi.... a-ano...." nagulat si erika ng biglang humarapxsa kanya si jane na may iritang muka.



"Ano?! Ayusin mo nga 'yang pagsasalita mo. Bulol kaba? K-kasi.... a-ano.... ganyan kaba magsalita dati?" Sigaw nito sa kaharap.


"Hay... bahala ka na nga." Naglakad si jane papunta sa railings ng rooftop at tumuntong dito.

Nanlaki naman ang mga mata ni erika sa,ginawa nito. Akala n'ya ay tatalon ito.



"J-jane! Bumaba ka d'yan! Baka malaglag ka!" Nagaalalang sigaw ni erika.



"Ha? E kaya nga ako umakyat dito para magpalaglag e."


Tuliro nama ang isip ni erika. Hindi n'ya alam kung pa'no papababain si jane. Ayaw n'yang maging saksi sa isang suicide.



"Jane please.... wag kang magpapakamatay." Umiiyak na sabi ni erika. Napakunot noo naman si jane sa sinasabi nito. Nagtataka s'ya kung bakit umiiyak si erika.



"Hoy! Tanga kaba? Bakit ka umiiyak? Sinabi ko bang magpapakamatay ako?" Agad namang iniangat ni erika ang ulo sa narinig.



"Hindi ka magpapakamatay?" Paninigurado ni erika.


"Hindi. Tatalon lang ako." Walang sabi-sabing tumalon si jane sa railings. Parang huminto naman ng ilang segundo ang tibok ng puso ni erika. Napanga-nga s'ya sa nakita.


Mabilis s'yang tumakbo para sana sagipin si jane pero huli na. Nahuli na s'ya dahil.......


"Hoy! Halika dito! Tumalon ka din! Ang sarap sa pakiramdam." Nakangiti sa kanya si jane habang kumakaway sa ibaba. Pinapapunta s'ya sa tabi n'ya.



Napahinga naman ng malalim si erika. Oo nga pala. Nakalimutan n'yang may terrace sa conferrence room. Hindi malayo ang pagitan nito sa rooftop kaya kayang-kaya lang na talunin kung sino man ang nasa tooftop. Pwede din itong shortcut kaso makikita ka ng mga nasa loob. Du'n tumalon si jane.


Um-echo na naman sa kanyang tenga ang tanong ni jane.


"Tanga kaba?"


Oo. Tanga nga s'ya.


Napangiti s'ya dahil dito. Huminga muna s'ya ng malalim pagkatapos ay tumuntong sa railings. Pumikit s'ya saka taimtim na sinamyo ang sariwang hangin.

Finally, she spread her wings and learned how to fly.


The erika that everybody knows is now gone. She's not the same erika that who know nothing but smile.



"Ako si erika chan. Hindi ako si erika na kailangan ng iba kapag may kailangan, hindi ako si erika na pwedeng lapitan ng kahit na sino. Ako si erika chan. Si erika na may damdamin at nasasaktan, si erika na nagmamahal at gusto ding mahalin, si erika na mabait sa mga taong mabait sa kanya. Ako.. . . Si erika chan." Pagkasabi nito ay bumwelo s'ya saka tumalon papunta sa kinalalagyan ni jane.



Ang taong nagpa-realized sa kanya na isa s'yang tanga.



"Salamat." Saad ni erika ng makalapit kay jane.



"Tanga kaba? Wala naman akong ginawa." Tumalikod si jane kay erika ngunit hindi naman nakaligtas sa mga paningin nito ang bahagya nitong pagngiti.



Oo. Tanga nga s'ya.





******


Maikli lang hehe. Vote/comment po :) thank you! :)

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon