Chapter 6

70 35 21
                                    


°°°°°

Ang ganda ng panahon. Ang ganda ng araw. At ang ganda-ganda ko! Haha. E kasi naman, tapos na ang exam. Pwede ng magparty-party!!

Saan ko kaya pwedeng ayain si bestie sa weekend? Mag mall kaya kami? Overnight sa kanila? O mag-swimming?!!

Ay! Excited na ako. Basta. Kailangan ngayong weekend ay gagala kami ni bestie! Hindi pwedeng humindi! Exclamation point!

Speaking of my bestie. Nasaan naba 'yun? Ang aga-aga kong pumasok para lang tanungin s'ya ng masinsinan kung saan n'ya gustong pumunta. Noong isang linggo pa 'yun parang wala sa sarili e. Laging tulala. Palinga-linga na parang may hinahanap. Tapos nagtatanong ng tungkol sa love.

O.M.G.

Hindi kaya.... may lover na si bestie?!!! Omegash! Omegash! Oo nga no? That's the sign of being inlove! Hala. Sino kaya 'yun? Kailangan kong malaman kung sino ito. Pero, hindi naman sinasabi sa akin ni bestie. Meaning, ayaw n'ya pang sabihin.

Ano ba'yan! Nahiya pa si bestie. Haha. Sa akin pa?! Kung ayaw n'yang sabihin. Edi, aalamin ko na lang.

"Erika."

"O, bestie? Kanina kapa ba dumating?" Ayan na s'ya.

"Ngayon lang. At badtrip dahil 'yung ngiting aso mo ang una kong nakita. Ano na naman 'yang iniisip mo?" Kunot noo n'yang tanong. Naku. Si bestie. Ang galing maglihim. Ehehe.

"Bestie~ alam ko na. Ahaha." Sinundot-sundot ko 'yung tagiliran n'ya.

"Anong alam mo na?"

"Basta. Alam ko na." Tinaas baba ko 'yung dalawa kong kilay.

"Ay, siraulo 'to. May tililing ka na ba erika?" Iiling-iling na sabi n'ya.

Hindi na'ko sumagot. Nag-hum na lang ako na lalong ikina-inis ni bestie. Kinulit n'ya ko kung ano daw ba 'yung alam ko. Pero syempre, hindi ko sinabi. Hihi.

Jane's POV

Ang weird ngayon ni erika. Pakanta-kanta. Tingin ng tingin sa akin pagkatapos biglang parang kikiligin. Mukang natotomboy na ata si erika.

Calling R....

Napatitig ako sa cellphone ko. Tumatawag na naman s'ya. Hindi ko alam kung paano n'ya nakuha number ko. Tumingin ako kay erika na kumakain. Nandito kami sa canteen ngayon. Lunch break na kasi.

"Erika, wait lang ha. Sasagutin ko lang 'to." Hindi ko na s'ya hinintay sumagot. Tumayo na'ko at lumayo sa pwesto n'ya.

Nang makalayo ako ay agad kong sinagot 'yung tawag.

"Ano na naman ba?" Inis kong saad.

"Jane, please. Hindi ako tumawag para makipagtalo. I just wanted to know kung nasaan si erika."

"Diba sinabi ko na? Wa.la.si.e.ri.ka. Mahirap bang intindihin 'yon?"

"Jane, look. Wala akong pakealam kung wala s'ya dito. Just tell me where she is. Please.. "

Napahinga ako ng malalim. Sa lahat ng makulit s'ya ang pinakamakulit. Grabe. Kung kaharap ko lang s'ya baka nasapak ko na 'yun.

"Ren, kahit kailan hinding-hindi ko sasabihin kung nasaan si erika. Kaya please, tumigil kana. Wala kang mapapala sa akin." Hindi ko na s'ya hinintay makapagsalita at in-end call ko na.

Bumalik na'ko sa pwesto namin ni erika. Nawalan ata ako ng ganang kumain.

"Bestie sino 'yun?" Tanong n'ya.

"Wala lang 'yun." Mabuti na lang at hindi na s'ya nagtanong ulit.

"Tapos kanang kumain?" Tanong ko sa kanya.

Tumango s'ya bilang sagot.

"Tara na."

"Hindi ka na kakain?"

"Hindi na. Nawala 'yung gutom ko." Nauna na'kong tumayo.

Alam kong mali na maglihim ako kay erika. Pero, masisisi n'yo ba ako kung ang gusto ko lang naman e protektahan ang kaibigan ko. Kung kayo nasa katayuan ko siguradong ganito din ang gagawin n'yo. May pagkatanga pa naman 'yang si erika.

"Bestie. Nawi-wiwi ako."

"Ok. Tara sa c.r."

Dumaan muna kami sa c.r. Hindi na ako sumama sa loob dahil madaming tao. Hinintay ko na lang s'ya sa labas. Sumandal muna ako sa may pader sa gilid ng pinto ng c.r.

"Bukas pwede ka nang pumasok, mr. Villoso." Napalingon ako sa nagsalita. Si sir. Cruz 'yun at may kausap na lalaki. Hindi s'ya estudyante dito kasi nakasibilyan e. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla s'yang lumingon sa gawi ko. Kita ko rin ang gulat n'ya.

"Ren/Jane?!" Sabay naming tawag.

Parang huminto sa pagtibok 'yung puso ko. Sh*t! Bakit nandito s'ya?! Ngayon pa na kasama ko si erika!

"Bestie ta----" mabilis kong hinila si erika papasok sa loob ng c.r. Nakita ko ang paghabol ni ren sa akin pero hindi s'ya nakapasok.

"Uh... bestie, nawi-wiwi ka din?"

"Ah, oo! N-nai-ihi ako."

"Sige. Hintayin na lang kita sa labas." Pinigilan ko si erika.

"Wag! Ano, d-dito ka lang. Wag kang lalabas erika." Kumunot 'yung noo n'ya sa sinabi ko.

"Uhm. Owkay. Dito lang ako."

Pumasok na'ko kunwari sa isang cubicle.

"Erika." Tawag ko. Hindi s'ya sumagot. Naku. Baka lumabas 'yun ah. Nag-flash na'ko kunwari at lumabas. Nakita ko si erika na nagsasalamin.

Napahinga ako ng maluwag. Akala ko lumabas na s'ya. Ngayon, pano kami lalabas? E mukang ngahihintay sa labas si ren.

"Bestie polbo?" Alok ni erika. Napatitig ako sa kanya. Bigla ko s'yang niyakap. Muka naman s'yang nagulat.

"Uy bestie. May problema ba?"

"Wala naman. Gusto lang kitang yakapin."

Alam kong na kay erika padin ang desisyon. Pero sa ngayon, ako muna ang gagawa ng desisyon.

°°°°°°

Where Do Broken Hearts Go (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon