It was just an ordinary day for Mira nasa mall siya para mag liwaliw at marelax. She felt free, dahil sa wakas ay iniwan na niya ang kompanyang pinag trabahuan niya for 4 years na matindi pa sa pang-aalipin ang ginawa sa kanya ng baklita niyang boss na insecure sa ganda niya. Nagtiis lang siya sa impyernong iyon para sa pangarap niyang maliit na pastry shop. Balak niyang magtayo non dahil patok sa kaibigan niyang si Jade, pati ng mga kamag anak nito ang mga gawa niya and of course she enjoys baking.
She is 26 years old. Ulila na siya. Kaka graduate niya lang sa kursong HRM ng parehong namatay ang mga magulang sa lumubog na barkong sinasakyan ng mga ito. Ilang taon na rin ang lumipas at naka survive naman siya sa tulong na rin ng kaibigan niyang si Jade. Ito lang kasi ang karamay niya sa lahat ng bagay. Kahit na mahirap siya at mayaman ito ay di naman ito nag hesitate na kaibiganin siya. Pareho lang sila ng school pero magkaiba ang kurso nila. Nagkabunguan kasi sila noon at parehong natapon ang dala dala nilang kape sa damit ng bawat isa. Imbes na magalit ay natawa pa ito sa nangyari sa kanila. Simula ng araw na iyon ay di na sila mapaghiwalay.
PAUWI na sana siya dahil napagod na siya sa pag-iikot sa mall ng madaanan niya ang isang kilalang boutique na pagawaan ng magagandang wedding dress. Napangiti siya. Wala namang mawawala kung magsusukat sukat ako diba? Wala namang naka lagay na sign na bawal mag sukat ang single at hindi pa ikakasal.
Tuwang tuwa siya dahil magaganda at bagay sa kanya ang mga sinukat niyang gown na animo'y ginawa iyon para sa kanya. Nasa ipangatlong gown na siya, sinusuri ang sarili sa malaking salamin sa harap niya ng may tatlong lalakeng naka black suit na bigla nalang pumasok sa store at parang may hinahanap. Natulala siya dahil ang ga-gwapo ng mga ito, mukhang mabango at mayayaman. Nagtagpo ang mata nila ng isa sa lalake at itinuro siya nito sa dalawa pang kasama. Nagulat siya ng pagitnaan siya ng dalawa at walang habas na hinawakan siya sa magkabilang braso at binuhat na parang ang gaan-gaan niya lang.
Nasa labas na sila ng store, gusto siyang ipasok ng mga ito sa isang magarang sasakyan kaya dun na siya natauhan. Nag pupumiglas at sumisigaw siya.
"Tulong! Kidnap! Ahhhhh! Tulungan niyo ako! Bitawan niyo nga ako!"
Parang wala namang naniwala sa mga nakakita sa kanila. Yung iba ay natatawa pa. Sino nga ba naman ang mag-aakalang ang mga lalakeng di niya kilala ay kidnapper? Hayop, kahit siya iisiping nasisiraan na siya ng ulo.
"San niyo ba ako dadalhin?! Anong kailangan niyo sakin?! Wala akong pera mahirap lang ako! Wala rin akong pamilya na tutubos sakin!" sigaw niya sa mga ito.
Tulad kanina ay napapagitnaan parin siya ng dalawa sa back seat habang ang isa ay nagmamaneho.
"Tumahimik ka nalang at sumunod sa sasabihin namin kung ayaw mong barilin kita sa ulo." sabi ng lalake sa kanan niya. Nakangiti pa ito pero nagbabanta naman ang boses na nagpatayo sa balahibo niya.
Mamatay agad? Virgin pa nga siya at lalong di pa niya nararanasan ang mag ka boyfriend kaya hindi pa siya pwedeng mamatay!
Dinala siya ng mga ito sa isang simbahan. Binuhat ulit siya ng dalawa at pinasok sa simbahan.
"Smile." bulong ng sa kaliwa niya ng bumukas ang pinto ng simbahan.
Naguguluhan siya pero pilit paring ngumiti. Maraming camera, maraming tao ang nakatingin sa kanila at mukhang nasasabik. Wala siyang magawa, tinakot siya ng mga ito na babarilin siya kung pumalag pa siya. Natotorete ang utak niya. Gusto niyang mag panggap na nahimatay pero natakot siyang baka tuluyan siya ng mga ito.
Hindi siya binitawan ng dalawa at talagang nakabantay sa bawat galaw niya. Ito pa ang nag hatid sa kanya sa altar. Tuluyan na siyang walang nagawa ng makarating sila sa dulo ng altar.
For the second time ay natulala siya at napanganga ng makilala ang groom. It was no other than Charles Natividad, the oh so hot bachelor slash Celebrity Chef. Nag mamay ari rin ito ng ilang 5 star hotels and restaurants hindi lang sa pilipinas kundi sa buong asya. Ang alam niya nga ay ngayon ang kasal nito sa babaeng di naman nito pinapakilala sa madla. Malalaman lang daw ng mga tao kung sino yon sa araw mismo ng kasal.
Pero tangina! Ano to? Bakit siya ang nandito? Magkakilala ba sila? Nagka amnesia ba siya kaya di niya to maalala? Or ito ba ang revenge chuchu na tulad ng mga nababasa niya? Bakit silang dalawa ang ikakasal? Hindi siya handa! Hindi manlang siya pinag ayos ng mga ito baka mukha siyang bilasang isda.
"What's your name?" bulong ni Charles sa kanya ng pareho silang makaupo at nagsimulang magsalita ang pari sa harap nila.
"Mirasol Lualhati." nanghihina niyang sagot.
Kung kanina ay gusto niya lang himatayin ngayon ay parang malapit na yong mangyari.
"Miss Mirasol Lualhati, I will explain everything later. But know that I really need your help." malumanay nitong saad at hinawakan pa nang kamay niya at pinisil iyon.
Napatango siya.
Somehow it made her calm. Malambot ang kamay nito at mainit. Hindi tulad ng kamay niyang nanginginig at malamig. Mukha rin itong mabait. Hindi tulad ng tatlong lalake kanina na kahit mga gwapo ay nakakatakot ang aura.
Sa lalim ng iniisip niya ay di niya napansing nagtatanong na pala sa kanya ang pari. Napatingin siya sa mga mata ni Charles, kulay blue iyon at nangungusap.
"I do." sagot niya sa pari.
Okay pa sana ang lahat. Kaso nakalimutang niyang sa kasal ay merong "You may now kiss the bride." Lumakas ang kabog ng dibdib niya. At paniguradong namumutla siya. Nagwawala ang inner self niya, nagpapanic.
Hahalikan ba siya nito? Saan? Napapikit nalang siya sa kaba. Naramdaman niyang humawi sa ilang buhok niya na napunta sa may mukha niya at dun siya napadilat.
"You're beautiful." nakangiting sabi nito sa kanya.
Aba! Nagawa pa siyang bolahin!
Kahit di ganun ang pakiramdam niya ay naniwala siya dito. There was something in Charles eyes that will make you believe in everything he says. Ngunit hindi naman nakaligtas sa kanya ang nakitang kalungkutan sa mga mata nito.
Unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya kaya napapikit uli siya. Banayad na dumampi ang labi nito sa pisngi niya yung medyo malapit sa labi. Nang natapos iyon ay agad na nag palakpakan ang ang tao. May mga sumigaw pang isa pa daw. Ito ang mga walang hiyang dumukot sa kanya. Nagtatawanan ang dalawa sa mga ito at mukhang proud sa mga ginawa nila. Gusto niyang bangasan ang mga pagmumukha nito.
BINABASA MO ANG
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitPicture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng d...