Bago sila tumungo sa reception ay inaya siya na pumasok ni Charles sa isang silid para daw pag-usapan ang nangyari.
Pag bukas ng pinto ay nadatnan niya ang tatlong kidnapers niya na prenteng nakaupo sa isang round table at nag kwe-kwentuhan. Walang sabi sabing sinugod niya ang mga ito. Ang una ay malakas niyang sinamapal tapos ang dalawa ay pinagsasabunutan niya.
"Mga walang hiya kayo! Mga hayop! Anong karapatan niyong gawin sakin to! Nananahimik ang buhay ko tapos bigla bigla niyo nalang akong tinangay mga leche kakalbuhin ko kayo!" nanggagalaiti sa galit niyang sigaw.
Sunod sunod na pag daing ang narinig niya mula sa mga ito. Binuhos niya talaga ang natitirang lakas niya at galit na kanina niya pa nararamdaman sa mga ito.
"Mirasol, please calm down."
Isang yakap ang natanggap niya mula sa lalakeng nasa likod niya. Kahit kanina niya lang ito nakilala ay kilalang kilala na niya agad ang boses at amoy nito na nagpakalma sa kanya kaya napabitaw narin siya sa buhok ng dalawa.
"Fuck! Pablo, tignan mo nga ang anit ko marami atang natanggal na buhok ang lakas manabunot ng babaeng yan!"
"Yung akin ang i-check mo Uno, bumaon ata ang kuko niya sa anit ko! shit! Ang hapdi! What the-dugo!"
"Teo! Nakakatakot pala yang babaeng napili mo! Maamo ang mukha pero kabaliktaran ang ugali! Tignan mo nananakit samantalang di naman natin siya inano! Ikaw ang may kasalanan nito dahil ikaw ang pumili sa kanya." turo nung Uno sa lalaking sinampal ko na walang reaksyon ang mukha.
"Manahimik kayong dalawa kung hindi pag-uumpugin ko kayo." banta naman nung Teo sa dalawa na nagpatahimik sa mga ito.
Kung di lang siguro siya galit ay natawa na siya sa itsura ng dalawa. Para kasing hihimatayin na ang isa ng makitang may dugo nga ang kamay nito. Yan ang dapat sa kanila mga balasubas.
"Guys, settle down."
Iminwestra siya ni Charles sa isang bakanteng upuan sa round table at tahimik na naupo.
"Mirasol, first I would like to introduce myself. I'm Charles Natividad. And these are my cousins. Si Teo, ang sinampal mo. Si Pablo, yung oa at si Uno. I would also like to apologize for dragging you into this mess, pati narin sa nagawa sayo ng mga pinsan ko. And guys she is Mirasol Lualhati." kalmadong saad nito.
Inirapan ko ang tatlo. "Bakit ba kasi ako nandito? May kasalanan ba ako sa inyo?" tanong ko kay Charles.
"Wala kang kasalanan. It's just that ikaw lang ang malas na nakita ng mga ito." bumuntong hininga ito bago muling magsalita. "Ngayon sana ang kasal ko pero bigla nalang di dumating ang bride ko. Wala ding nakakaalam kung saan siya pumunta." paliwanag niya.
"Iniwan ka ng bride mo? Bakit?" nagtatakang tanong ko at nakaramdam ng awa.
Kaya naman pala ang lungkot ng mata niya kanina kahit na ngumingiti siya.
"I don't know. She's just gone and left me an I'm sorry text. Di na rin siya ma contact." may kalungkutang wika nito na napapasuklay pa sa buhok niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Ang tanga naman ng babaeng yon! Bat ka naman niya iiwan! Ang gwapo mo kaya! Ang dami daming may gusto sayo at nag aabang sa shows mo. Tapos mukhang mabait ka pa." natigilan siya sandali at tinapunan ng masamang tingin ang tatlong lalake. "Hindi tulad ng mga impakto mong pinsan ang papanget ng ugali kasing panget ng mukha nila!"
"Aba sobra ka na! Tatanggapin ko pa na panget ang ugali ko pero hindi na panget ang mukha ko!" sigaw ni Pablo.
"Totoo naman e!"
BINABASA MO ANG
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitPicture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng d...
