Tatlo pang interviews ang dinaluhan namin ni Charles. Pare pareho lang din ang sinasagot namin. Ang hirap pala ng ganito nakakapagod din, di ko pala keri ang maging artista. Pinangarap ko pa naman iyon dati haha!Nasa sasakyan na kami patungo sa bahay ko para kumuha ng mga damit.
"Charles, bat di mo sinabing nakita mo na ako dati?"
"To surprise you."
"Na surprise talaga ako! Sinong pinsan mo ang pinuntahan mo don?"
"Do you know who's the CEO in that company?"
"Nakalimutan ko na e."
"Si Teo, siya ang CEO at basta mo nalang kinalimutan yon? Pano kung makasalubong mo siya di mo manlang babatiin?"
"Eh! Sa busy ng alipin life ko sa sarili kong boss sa palagay mo may chance pang magkasalubong kami."
"Tayo nga nagkasalubong."
"Baka meant to be tayo."
Nagakat ko ang labi ko sa pagkadulas."Meant to be?"
"Meant to be friends. Si Teo naman kasi hindi mukhang friendly." agad kong bawi.
"True. Teo is not a friendly type."
"Ang parents mo pala kailan pupunta?"
"Mamayang dinner dadalawin nila tayo."
"Sana napanood nila ang interviews natin kanina para di na nila tayo tanungin ulit."
"Palagay ko si mommy napanood niya, wala kasing pinapalampas yon. I guess ang mas uusisain nila ay ang honeymoon at future."
"Gano pala tayo katagal sa Paris?"
"One week lang, di ako pwedeng matagal na mawala dahil sa mga commitments ko. Is that okay with you?"
"Ha? Naku! Kahit nga isang araw lang okay na ako basta makarating lang ng Paris at makita ko ang Eiffel tower."
"You will have the best view of the Eiffel tower in our hotel room."
"Talaga?! Iiiihhhhhh! Ay sandali isang room lang tayo?"
"Yes."
"Eh yung kama?"
"Isa lang din."
"Bakit?"
"Bakit hindi?"
"Anong bakit hindi? Oi! Di kaya tayo totoong mag asawa! Masyado ka dyn!"
"Hahaha Im just teasing you. Magkahiwalay tayo ng kwarto."
"Maganda na yung sigurado."
"Pero kung gusto mo akong samahan sa kwarto ko pwedeng pwede."
Sinuntok ko siya sa braso. "Ayan ka na naman! Naku talaga." baka patulan na kita makita mo ang wild side ko haha.
Mabilis lang kami sa bahay ko dahil tumawag ang parents ni Charles at sinabing mapapaaga ang dating nila. Kaya tuloy di ako magkanda ugaga sa pag-iimpake ng mga damit ko. Dalawang luggage din ang napuno ko. Tinulungan ako ni Charles na ipasok ang mga iyon sa compartment ng kotse niya.
Eksatong 5pm ng marating namin ang bahay niya. Nagkukumahog kaming inilabas ang maleta ko at dinala sa kwarto niya at inayos don. Mahirap na kasi baka sumilip ang mama niya at makitang wala sa kwarto ni Charles ang gamit ko. Tinulungan ko rin siyang magluto. Well more on maghiwa dahil di ko naman alam ang mga niluluto niyang putahe.
7:30 ng dumating ang parents niya. Nakaayos na ang hapag kainan at nakaligo pa kami kahit papano.
Maluwag ang pagkakangiti ng parents ni Charles ng salubungin namin sila sa pinto. Niyakap nila si Charles at ganun din ang ginawa nila sakin. I can feel a bit of happiness with how they treat me. Syempre dapat wag ko masyadong ienjoy dahil baka makalimutan kong di naman ako ang totoong asawa dapat ng anak nila. Di ko lang mapigilang mamiss ang sarili kong magulang dahil sa kanila.
"How are the newly weds?" tanong ng nanay nito pero sakin ang tingin.
Kahit na mabubuti sakin ang magulang niya ay naiilang at kinakabahan parin ako ng konti sa presensya nila.
Malamang! Nagsisinungaling ka ba naman!
"Masaya po ti-Mom. Ikaw ba naman asawa mo ang isa sa pinakamagaling na Chef." magiliw kong sagot.
"Itong misis ko kung makapuri naman sakin wagas."
Nasa bewang ko ang kamay ni Charles.
"Ikaw naman masyadong pa-humble!"
"Nakakatuwa kayong dalawang panoorin. Ganyan na ganyan din kami ng daddy niyo ng kabataan pa namin."
"Mukha parin naman po kayong bata." wika ko.
"Oo nga Ma, tama si Mira para kayong di tumatanda."
"Kayo talaga, binola niyo pa kami. Sha nga pala Mira, pwede ba kitang makausap sa garden?"
"Sige po."
"Baka takutin mo yan Ma ha! Kakakasal palang namin wag mong i-pressure."
*=*=*
"Napanood ko ang mga interview niyo kanina. I'm really glad to see my son happy and it's all because of you. Bilang ina ay iyon lang naman ang gusto naming makita sa anak namin."
Bigla kong alala si Nanay dahil sa sinabi niya at mukhang napansin niya iyon.
Ngumiti siya na tila nauunawaan ako. "I know your mother is happy too."
Hindi rin, baka nga po kung kaya lang ako non bungangaan sa pinasok ko ginawa na niya at may bonus pang batok.
"Sa palagay ko nga rin po." nangingiti ring sagot ko.
Sandali niya akong pinakatitigan. Sa bawat segundong lumilipas ay para niyang binabasa ang buong pagkatao ko. Natakot ako sa pwede niyang matuklasan kaya pinalig ko sa ibang direksyon ang ulo ko.
"You really do love my son."
Muntik na akong matawa sa sinabi niya.
Tita, crush ko lang po kaya ang anak niyo! Kung maka love naman po kayo nakakaloka level up na parang gumamit ng cheat.
"You don't have to be shy about it iha. Nung napanood ko kayo sa interview kitang kita sa mata mo kung gano mo siya kamahal, your eyes were twinkling. Kahit na halatang kinakabahan ka nakaya mo dahil nasa tabi mo si Charles at hawak niya ang kamay mo. Tama ba ko?"
Tumambol ng malakas ang dibdib ko. Ganun ba ako kahalata? Shit! Ganun din ba ang tingin ni Charles? Hindi! Hindi pwede. Kung sakali man ay sasabihin kong pang best actress lang talaga ang acting ko.
"Tamang tama po kayo. Kay Charles talaga ako humugot ng lakas ng loob."
"And?"
"Mahal na mahal ko po ang anak niyo." akala ko mahirap sabihin ang salitang iyon pero parang natural lang sa dila ko na bangitin iyon.
"My son loves you as much." Inabot niya ang kamay ko. "Bata pa kayo, marami pa kayong pagdadaanan. Wag niyong susukuan ang isa't isa pag may dumating na problema. Don't let each other go." kung di naman po ba ako bibitawan ng anak niyo why not poknat.
"Opo Ma."
"Sana ay alagaan mo ang anak ko at wag mo siyang sasaktan."
Gusto ko sanang sabihin na dapat sa anak niya sinasabi ang ganyang bagay dahil ako ang mas may chance na maiwang luhaan dito.
"Maaasahan niyo po."
"And Mira."
"Po?"
"I am also your mother now. If you need me you could visit me anytime."
BINABASA MO ANG
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitPicture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng d...