Part 3

68.7K 1.5K 83
                                        


"Mom, Dad, I would like you to meet my lovely wife Mira." masiglang pagpapakilala ni Charles sakin.

"Hello po Ma'am, Sir." yumuko ako bilang paggalang.

"Ano ka ba iha asawa ka na ng anak namin you should start calling us Mommy Lily and Daddy Bernard. Itong anak ko naman kasi masyado kang tinago ngayon lang tuloy tayo nagkakilala." ani ng ginang sabay galak na niyakap ako. "Welcome to our family."

"Thank you po mommy Lily." Medyo alangan kong sambit.

Niyakap din ako ng ama nito at ngiting ngiti kaming pinagmasdan.

Maganda ang mommy Lily, chinita na may maamong mukha. Wala itong masyadong burloloy sa katawan pwera sa makinang niyang diamond earings at sing sing. Samantalang si Daddy Bernard ay tall, dark and handsome. Kahit na may edad na ay makisig paring tignan. Nakuha ni Charles ang mata at kompleksyon ng ina niya bukod dun ay nakuha na niya sa ama.

"Charles pansin ko lang kanina parang itong si Mira ay gulat na gulat sa kasal niyo. Parang hindi niya alam na ngayon gaganapin ang kasal. She looked so surprised." saad ng ama.

Napalunok ako. Naku, hindi niyo lang po alam pero wala talaga akong alam sa mangyayari kani kanila lang. Ang simpleng pamamasyal ko sa mall ay nauwi sa di inaasahang kasal sa yummy niyong anak.

Kumapit ako sa braso ni Charles para maging sweet kami kahit papano at mag mukha naman kaming close at hindi strangers.

"Hehe. Ito po kasing anak niyo talagang di pinaalam sakin na ngayon na pala ang kasal. Pinag bakasyon po ako at siniguradong wala akong mababalitaan." kinurot ko pa ito sa tagiliran.

"Basta para sayo love gagawin ko ang lahat." nakangiting usal nito.

Napahawak ako sa panty ko dahil baka malaglag sa ganda at nakakasilaw na ngiti nito.

Ako lang ata ang natutuwa at tunay na nakikinabang sa pag panggap na ito. Sino ba naman ang mag aakalang magiging asawa ko ang sikat na Celebrity Chef na ito at machachansingan ng ganito?

"My son really does love surprises." tila kinikilig ang mommy nito. "Nga pala, asan ang parents mo Mira?"

Kimi akong ngumiti. "Ulila na po ako. After college po kasi ay nasama sila sa lumubog na barko." pag amin niya.

Sabi naman kasi nila kanila di niya kailangang magsinungaling dahil wala namang alam ang nga ito.

"Oh my gosh I'm sorry iha."

"Okay lang po matagal na po yon."

"Saan naman kayo nagkakilala nitong anak ko? Magkwento naman kayo samin. Si Charles kasi ayaw manlang kami bigyan ng ditalye." ang ama ulit.

Tumingin ako kay Charles at humingi ng saklolo. "Mom, Dad, siguro sa susunod nalang natin pagkwentuhan yan. Kailangan na naming harapin ang mga bisita."

"Sya nga naman Bernard hayaan na muna natin ang bagong kasal na mag enjoy." segunda ng ina.

"Sige, basta dadalawin namin kayo ni Mira sa bahay niyo pagkatapos ng honeymoon niyo ha." muli siyang niyakap nito. "Napaka ganda mo Mira kaya naman pala patay na patay sayo si Charles bilisan niyo ang pag gawa ng mga apo namin ha." hirit pa nito na ikinatawa naming lahat. Pero yung tawa ko yung parang pang robot.

"Wag kang masyadong exited Ma, baka matagalan pa kami."

"Wag kang babagal bagal Charles, gusto pa naman namin ng maraming apo. Kahit sunod sunorin niyo pa."

Muli akong napalunok. Balak pa ata siyang gawing palahian ng mga ito. Buti sana kung ako talaga dapat ang mapapangasawa ni Charles at tunay kaming nagmamahalan, bakit hindi? Kaso hindi naman ganun ang sitwasyon namin ngayon.

"Yan ang mahirap sa inyo, bat kasi mag isang anak lang ako? Ako tuloy ang inaapura niyo at hinihingan ng maraming apo. Kawawa naman si Mira baka masira ang figure."

"Oo nga po, baka ipag palit pa ako ni Charles." sakay ko naman.

"Pag ginawa ng anak ko sayo ang ganun ako mismo ang puputol dyn. Hindi ko siya pinalaki para lang manloko ng babae." banta ng Ina na ikinatawa ko.

"Ma! Don't give Mira that kind of idea.  Nakakatakot. Hindi ko naman ipagpapalit si Mira, ang tagal ko kaya itong hinintay." malambing nitong saad. Inakbayan pa ako ang mabilis na hinalikan sa sintido.

Nawiwili naman ata ang isang ito sa paghalik. Pero ang traydor kong kalandian ay di naman mapigilang kiniligin. Pakiramdam ko na talaga na para sa akin ang mga salitang binitawan nito. Tsk! Gaga kasi ang babaeng nagpakawala dito, ang sarap pala ng ganito I dont feel violated at all. Hahaha! Hindi ko naman kasi naranasan dahil nga di pa ako nag kaka boyfriend.

Nakahinga siya ng maluwag ng makapunta na sila sa designated table nila.

"You did great. Mukhang di naman sila naghinala. Thank you Mira."

Ang gwapo mo kaya! Pano naman ako mahihirapang magpanggap.

"Pag katapos ng lahat ng ito baka mag audition ako at mag artista nalang." biro ko.

"Pwede kitang tulungan marami akong kakilala."

Napapalo ako sa braso niya. "Ito naman joke lang! Shy type kaya ako."

"Haha. Talaga? Di halata."

"Ay ganun? Parang sinabi mong makapal ang mukha ko."

"Patingin nga." Nanigas ako ng haplusin ng kamay nito ang mukha niya. "Hindi naman...." Sabay pisil sa pisngi. "Ang lambot nga e ang cute."

Inilayo ko ang mukha ko para mabitawan nito.

"Natuwa ka naman masyado sa pag pisil."

"Sorry. Nakakagigil kasi ang cute cute parang sa baby yung ang sarap kagatin."

"Ikaw nga gusto kong tikman e." wala sa sariling wika ko.

"What?" Gulat nitong tanong.

"Ah..gusto kong tikman tong pagkain sa harap natin kanina pa kasi akong gutom." bawi niya at agad na sumubo ng pagkain.

"Iba kasi ang pagkarinig ko."

"Gutom ka narin Charles kain ka na rin."

"Siguro nga."

Madaming bumati sa kanilang bisita. Halos mangawit na siya kakangiti sa mga iyon at sa pakikipag kilala. Mukang wala namang nag suspetsa sa mga kilos nila.

Hindi niya na nakita ang tatlong ungas. Asan na ang sinabi ng mga itong we got your back? Nang iwan naman sa ere ang sarap pag babatuhin ng adobe sa pinagmamayabang nilang kagwapuhan.

*=*=*

NAKASAKAY na sila sa kotse, tahimik lang siya dahil di niya alam ang dapat sabihin. Hindi siya mapakali dahil ang sabi nito ay pupunta na raw SILA sa bahay NILA. NILA, as if na siya talaga ang dapat na babaeng iuuwi nito.

"Charles, pwede mo na siguro akong ihatid sa bahay ko. Tayong dalawa nalang naman ngayon wala ng makakaalam."

Si Charles lang kasi ngayon ang nagmamaneho ng sasakyan.

"But you need to live with me. Hindi natin alam kung kailan dadating ang parents ko. Wag ka mag alala tatlo ang kwarto sa bahay kaya may solo kang kwarto. Hindi natin kailangang magsama sa iisang silid."

Ay ganun? Bakit hindi? Mas okay sana kung magtatabi tayo sa iisang kama. Bulong ng inner kalandiaan niya. Sayang, ayon pa naman sa mga nakita niyang magazine ay may six pack abs ito, hindi ko pala masisilayan.

"Malungkot ka. Gusto mo ba talagang umuwi sa inyo?" tila nag-aalalang tanong nito.

Ay, akala ata nito ang ikinakalungkot ko ay ang di makauwi. Di niya alam na pinagpapantasyahan ko na siya.

Ako malungkot? Siya kaya yung kanina pa malungkot. I'm sure ang suppose to be wife nito ang iniisip niya kanina pa. Can't blame him, sino ba ang matutuwang iwanan?

"Naku hindi! Walang kaso sakin kahit saan tumira kahit nga wag mo na ako ibalik."

Natawa naman ang lalake.

"Palabiro ka pala."

"Hehe pwede mo rin namang seryosohin." banat ko.

Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon