Pagkatapos kumain ay nag aya si Charles sa rooftop ng bahay niya. May mga kahoy na upuan. Hindi naman kami naupo. Pareho kaming nasa may railings at nakatingin sa kawalan.
"Uhm Charles itong set up natin pano na?" Putol ko sa katahimikan.
Bumuntong hininga muna ito bago ako harapin. "Uulitin ko Mira. I'm really sorry for dragging you in this mess. But for now we have to pretend that we are happily married. Hindi tayo pwedeng agad maghiwalay dahil baka magduda ang mga tao lalo na ang parents ko, I dont wanna upset them. Just a few months or at least until I found Emerald. Aayusin ko rin ito pag natagpuan ko na siya. Ako rin ang bahala sa annulment natin. Wala ka ng ibang dapat isipin."
"Emerald pala ang pangalan niya. Ipapahanap mo parin talaga siya?"
"Yes, even though it hurts I still love her. Gusto kong malaman ang dahilan niya kung bakit di siya sumipot sa kasal namin, kung bakit niya ako iniwan nalang bigla." malungkot nitong saad.
Kita mo na, napakabuti ng taong to. Di manlang magawang magalit. Kahit ngumingiti paminsan minsan si Charles makikita mo parin sa mga mga nito na may pinag dadaanan.
"Sige ayos lang sakin."
"What do you want in return? Sa pagkakaalala ko kasi ay tinanggihan mo ang 10 million na offer sayo. Hindi naman pwedeng wala kang matanggap."
"Yung sumaya ka nalang at masagot ang mga tanong mo sapat ng bayad."
"Ikaw pala itong masyadong mabait. Sige ka maaabuso ka niyan. Ganito nalang, ano ba dapat ang gagawin mo ng umalis ka sa trabaho mo?"
"Plano kong magpagawa ng pastry shop mula sa ipon ko. Maliit na shop lang naman."
"You didn't tell me that you are into pastries? Pagagawan nalang kita ng shop, just accept it as a gift for your kindness."
"Eh kasi..."
"Please?" he reach for my hand and gently squeeze it. "Hindi ako matatahimik kung kahit ito di mo tanggapin."
Natigilan ako dahil sa kuryenteng dumaloy mula sa kamay ko hanggang sa kaibituran ng alak alakan ko.
Hayop! Kinikilig ako!
Ikinurap kurap ko ang mata ko. "Sige sure oo payag na ako."
"Great! Thanks Mira!"
Lalong lumakas ang kuryenteng naramdaman ko ng yakapin niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at sobrang lakas non. Para akong mawawalan ng malay dahil di ako makahinga.
Puso ko kumapit ka di ka pwedeng mahulog. Kapit lang.
"Teka, hindi ko pala natanong sayo kung may boyfriend ka ba?" tanong niya matapos akong yakapin.
Napapaypay ako sa sarili dahil uminit ang mukha ko. Nag bu-blush ata ako buti nalang may kadiliman sa pwesto namin.
Bakit? Liligawan mo ako? Bulong na naman ng madali kong utak.
"Wala akong boyfriend."
"Thank god! Mahirap na kung may boyfriend ka. Kasi kung meron imposibleng mapapayag natin siya. Sino naman ba ang matinong boyfriend na hayaan ka sa ganitong sitwasyon right?"
"Tama ka."
"But why don't you have one? Sa ganda mong yan?"
"Naks! Coming from you ha! Di ko din alam wala namang nanligaw sakin. Baka kasi di ako maganda tulad ng sinasabi mo."
"Seryoso ka? Maganda ka nga. Even my mom said it. Baka hindi ba dumadating ang lalakeng nararapat sayo."
"Ewan. Di na big deal sakin ang walang boyfriend. Sanay na nga akong mag isa diba."
BINABASA MO ANG
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitPicture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng d...
