Nakabalik na si Jade galing sa New york, kaya inaya ko siyang samahan akong magbayad ng bills. Pumayag naman siya dahil hindi siya busy ngayong araw. Bitbit pa nga niya ang ilang paper bags at plastic bag na pasalubong niya raw sakin.
"Wow, it's like you are a real wife na talaga. You clean the house, you cook him breakfast, you wait for him to come home, and now you pay the bills. Kulang nalang mag sex kayo at bumuo na ng pamilya." hindi ko alam kung magbibiro ba siya or sarcastic.
"Bunganga mo nga Jade! Mamaya ay makarinig sayo!" singhal ko sa kanya.
Nakwento ko kasi sa kanya ang mga ginagawa ko ng nakaraang araw.
Nandito kami sa favorite coffee shop niya. Iniinom ang favorite coffee niya at kinakain ang favorite cake niya.
"Why? It's true naman. Don't act like you are not enjoying this role playing nga. If I know tuwang tuwa you." maarteng wika nito na may kasama pang pag-ikot ng mata.
Kulutin ko ang unat na unat nitong buhok e!
"Medyo lang." pag-amin ko.
"See? And I know that you like him na. Duh, you have a crush on him kaya for a long time na! Don't even deny it! I saw all of your magazines kaya under your bed na puro si Charles ang cover."
Di ko napigilan ang pamulahan ng pisngi. Matagal na palang alam ng bruhang ito!
"Bat di mo sinabi saking nakita mo?"
"Do I have to? Ikaw nga di mo sinabi saking may crush ka sa kanya. Tsaka I know that you are shy when it comes to boys kaya I never banggit nalang."
"Nakakahiya."
"Why? It's normal to have crushes. So what's your plan? I can feel that you really like him na. What will you do if it turns into love? Charles is a really nice and caring person pa naman."
Napabuntong hininga ako. "Sa totoo lang hindi ko alam Jade. Pakiramdam ko nga rin malapit na ako dun. Siya naman kasi." napakamot ako sa pisngi ko.
"Hindi nga malabo. The way you talk about him mahahalatang my something. Why don't you make him agaw nalang dun sa girl. Ayoko rin naman sa girl na iyon."
"Nakilala mo siya?"
"Ahuh... Common friends. And all I can say is that girl is a selfish bitch. I can't even accept until now why Charles fell for her. I'll be really happy kung maging true ang pagpapanggap niyo."
"Ang labo. Mahal na mahal niya kaya yon."
***********
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES
BINABASA MO ANG
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitPicture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng d...
