Ipinaghila ako ng upuan ni Charles kaya kinilig ako ng slight. Naku naman ang bait na gentleman pa, yung nga lang e iba din ang trip minsan.
"Charles, tuloy ba ang interview niyo?"
Salubong ang kilay na binalingan ko si Pablo na nasa kanan ko.
"Yes, ang sabi ko kasi ay tatapusin ko muna ang interview bago kami umalis para sa honeymoon namin."
Napalunok ako ng banggitin niya ulit ang salitang iyon pero mas naintriga ako sa interview.
"Anong interview?"
Si Pablo ang sumagot dahil masyado siyang adelantado. "Diba nga isa sa usapan na sasamahan mo ang pinsan namin sa interviews niya. Alam mo na, kahit di naman siya artista pero dahil sikat siya at lumalabas sa tv dahil sa paluto luto niya lahat gustong makichismis sa buhay niya."
"Isasama ako?"
"Alangang ako ang isama niya ako ba ang pinakasalan?" sarkastikong usal niya.
Inikutan ko siya ng mata. Bwisit.
"Pano kung may mga di ako masagot Charles?" bothered kong tanong dito.
Ayoko naman siyang mapahiya dahil sakin.
"Just answer honestly and be yourself." nakangiting sagot nito.
Honestly? Eh ito ngang relasyon natin kasinungalingan.
Sumubo nalang ako ng pagkain.
"Ay shemay! Ang sarap naman nito Charles!" I exclaimed.
"Ang oa mo oi! Omelet lang yan." si Pablo uli.
"Bakit ba?! Hinihingi ko ba ang opinyon mo? Sa masarap e!" singhal ko sa kanya.
Ang creamy kasi ng lasa. Dapat siguro magpaturo ako kay Charles, kaya lang wag nalang! Mas okay na yung ipagluluto niya ako. Minsan lang to no! Dapat ng lubos lubusin.
"San kayo pupunta sa honeymoon niyo kuno? Hindi pwedeng di kayo umalis dahil baka magduda si Tita."
"I was thinking Paris."
"Paris?!!" bulalas ko.
Omg!!! Makakapunta ako ng Paris?
"Diba dun talaga kayo dapat pupunta ni Emerald? Itutuloy mo parin kahit di na siya ang kasama mo?"
Napabusangot ako sa hirit na naman ni Pablong epal. Tignan mo panira talaga ng mood e. Ang sarap isampal sa mukha niya ang omelet.
"Lugar lang naman yon besides nakapagpa reserved na ako ng hotel sayang naman."
Palihim kong nginisian at tinaasan ng isang kilay si Pablo na parang sinasabing "Ano ka ngayon!"
"Is that okay with you Mira?"
"Okay? More than okay kaya!" Namimilog ang mata ko sa tuwa. "Sheteeee! Makikita ko ang eiffel tower!" sa sobrang tuwa ko ay hinawakan ko sa isang balikat si Pablo at malakas na inalog alog.
"Ano ba nakakahilo!" reklamo niya.
Dinilaan ko siya tapos ngiting ngiting bumaling kay Charles na natatawa naman.
"Kylan tayo pupunta? Ay dapat dumaan na tayo sa bahay ko. Bukod sa kailangan ko ng mga damit ko may mga bigay din sakin si Jade na mga coat. Akala ko nga nababaliw na si Jade para bigyan ako ng mga yon mukhang magagamit ko naman pala malamig sa Paris ngayon diba?"
"Di ka naman masyadong excited? Gusto mo mauna ka na dun?" si Pablo.
"Gusto mo umalis ka na dito? Tutal tapos ka na kumain." Ungos ko.
BINABASA MO ANG
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)
Chick-LitPicture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng d...
