Isang malaking bahay ang pinagdalhan sa kanya. Kulay puti iyon na may magandang landscape sa labas at may swimming pool."Ang ganda ng bahay mo! Bago lang?" usal niya habang sinusuri ang buong first floor.
"Thanks. Mga 6 months palang ito. Halika ihahatid kita sa magiging kwarto mo. Mukang pagod ka na at gusto mo ng magpahinga." anyaya nito na pinaunlakan niya.
Pumanhik sila sa ikalawang palapag.
"Itong unang kwarto ang master's, ito ang kwarto ko. And here, next to my room will be your room." binuksan nito ang pinto ng kwarto.
Namangha siya sa ganda ng itsura sa loob. "Wow... Ang laki! Sure kang ipapagamit mo sakin to?" di makapaniwalang tanong niya. Sobrang linis tignan ng design, puti at pastel green kasi ang mga naglalarong kulay mula sa wallpaper hanggang sa kobre kama.
"Of course. You should have a special treatment in my house dahil tinulungan mo ako. Pano? iwan na muna kita, take a shower and rest. Mamayang dinner pupuntahan kita para sabay tayo sa kumain baba."
"Okay... Thank you dito." Kahit na busog pa naman ako.
Tumingin pa ako sa relo ko at nakitang 7pm na. Halos dalawang oras din pala ang byahe namin.
"No worries."
Tinakbo ko agad ang banyo ng makalabas si Charles. Parang ayoko ng lumabas ng makita ko iyon. Ang laki rin may bathtub pa! Kahit ata dito lang ako patulugin ay makakaya ko.
Mabilis akong naghubad ng gown na di ko alam kung sino ang nag bayad. Malamang ang isa sa mga sira ulo ang gumawa ng paraan. Ang ganda pa naman ng gown, magkano kaya to? Sigurado akong mahal ito dahil nga isang sikat na boutique ang pinagkuhanan nito.
Maingat kong itinabi ang gown. Underwear nalang ang suot ko habang pinag mamasdan ang sarili ko sa salamin. Hindi naman pala ako ganun kapangit, buti nalang talaga at naisipang kong mag make-up ng araw na to at mag ayos ng buhok kundi nakakahiya sa mga taong makakakila sa kanya dahil siguradong maibabalita ang kasal nila kanina. Sa malamang ay maraming tataas ang kilay at lalaitin siya pero kebs ba niya?
BINABASA MO ANG
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)
Genç Kız EdebiyatıPicture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng d...