Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng makita ko naman ang nagmamadaling si Charles na tumatakbo papunta sakin.
"Hi baby good morning!"
Or not.
Sinalubong niya ng yakap at hinalik halikan sa ulo si Andrea na animo'y isang taon silang di nagkita.
"I missed you so much! Pinakain ka ba ni Pablo ng mabuti?"
Natulos ako sa kinakatayuan ko. Hindi dahil sa ginagawa niyang pagkausap sa aso kundi dahil sa ngiti niya na umaabot sa kanyang mata. Hindi tulad ng ngiti niya mula ng makilala ko siya na parang obligado lang.
Ang swerte naman ng asong to! Pwedeng magpalit muna kami ng pwesto? Hehe. Ang cute lang nilang tignan kasi halatang excited din si Andrea na makita ang amo.
Natutuwa narin sana ako dahil sa nasasaksihan ko, kaso lang may demonyong bumulong sakin. "Nakalimutan kong sabihin, regalo ni Emerald si Andrea kay Charles. Kaya ganyan nalang ang reaksyon ng isang yan. Bukod kay Emerald, si Andrea ang pinaka importante sa kanya parang anak na nila ang turing dyan."
Pinaningkitan ko siya ng mata sabay siko sa sikmura niya.
"Ang dami mong sinasabi di naman ako nag tatanong." inis kong ganti sa kanya.
"Masakit yon ha!" daing niya habang himas ang tyan.
"Mira, Pablo, pasok na tayo sa loob I'll prepare our breakfast. Andrea come let's eat!" masiglang anyaya nito samin.
Inunahan ko na sa paglalakad si Pablo. Nakasunod si Andrea kay Charles ng pumasok kami. Umaliwalas din ang bahay dahil sa tawa ni Charles, dinidilaan kasi ng aso ang paa niya. Nilagyan niya muna ng pagkain ang dog bowl nito dahil mukang kanina pa gutom.
"Kayong dalawa upo muna kayo while I cook our food wala pang 10 minutes ito." wika nito habang abala na sa paghihiwa ng sibuyas.
Di ako nakinig, sinundan ko parin siya hanggang kusina.
Lumapit ako kanya."May maitutulong ba ako sayo?"
"Just relax. Ako na ang bahala dito, mag kwentuhan muna kayo ni Pablo."
"Ay, dito nalang ako. Ayoko kausap yang pinsan mo nakaka bad vibes."
"Bakit naman?"
"Di ko lang trip ang face niya, ang sarap kasing ingudngod sa semento masyadong makapal. Pansin ko sa inyong apat na mag pipinsan siya ang pinakamahangin."
Humalakhak ito. "Masasanay ka rin dyan."
"Hindi rin ata. Bakit ang bestfriend ko inis parin sa kanya?"
"Sino ba ang bestfriend mo?"
"Si Jade na kapatid ni Cyrus."
Binitawan niya ang sinasangag at humarap sakin. "Kilala mo pala sila? Such a small world! At tama ka laging galit yung si Jade kay Pablo. How did you and Jade became friends?"
"Same school kami nung college, magkaiba ng course. Nagkabungguan kami tapos pareho naming natapon ang hawak na coffee sa isat-isa. Ewan ko, imbes na mainis natawa nalang kami sa mga itsura namin."
"Nice way for the both of you to meet. Parang sa mga pinoy movies lang pero usually lalake ang kabungguan."
"Korek! Hahaha! Eh ikaw?"
"Ang mga kaibigan ko lahat nasa ibang bansa. Kaya no choice ako kundi pag tyagaan ang mga ungas kong pinsan." ibinalik niya ang atensyon sa niluluto. "Pero alam mo mahirap nga lang ding paniwalaan na magkaibigan kayo. Maarte din kasing manamit at magsalita si Jade and you are so simple."
"Di ko nga din akalaing matatagalan namin ang isa't-isa." natatawa kong pahayag. "Dati dumudugo pa ang ilong ko sa kanya ng tumagal naging immune na ako."
"Buti di ka nahahawa sa kanya?"
"Wala naman kasi sa katauhan ko ang kasosyalan di tulad ni Jade na mula anit hanggang talampakan nagsusumigaw ang karangyaan."
"Well I think I like you that way." kaswal na komento nito na nagpatalon sa puso kong suwail.
No no no heart! Cannot be! Kung may sampung utos si Papa God may pang eleven na. At yun ay, bawal mainlab sa lalaking inlab na sa iba. Dahil kahit nakakainis si Pablo ay tama siya.
Bakit kasi naging crush ko pa si Charles? Oo na, inaamin ko na simula ng mapanood ko siya sa tv ay lagi ko na siyang inaabangan. Secret crush lang, kahit kay Jade ay di ko sinabi. Kaya nga ganito nalang ako maapektohan. Gusto ko ngang dukutin ang puso ko at kutusan tuwing magrereact siya sa mga sinasabi ni Charles na wala namang malisya.
Tumikham ako. "Nga pala pupunta ka ba ng restaurant mo? Diba dun talaga ang trabaho mo tapos every saturday ang cooking show mo?"
"Mukhang nakapag research ka na sakin ha,"
"Eh? Hehehe syempre dapat may alam naman ako sayo kaya chineck ko sa internet kagabi." Kakamot kamot sa ulong palusot ko.
"Naka leave ako, may bagong kasal bang mag tatrabaho kinabukasan?" nakangiti niyang tanong.
"Oo nga no?"
"Honeymoon natin dapat ngayon."
"Ha-ho-neymoon?" nauutal kong wika.
Kinabahan ako ng biglang lumapit siya sakin habang may naglalarong ngisi sa kanyang labi.
"Ah Charles." Umaatras ako habang humahakbang naman siya papunta sakin. Napatigil lang ako ng wala na akong maatrasan at tumama ang likod ko sa kitchen counter.
"Saan mo ba gustong pumunta para sa honeymoon natin?" namumungay ang matang tanong nito sakin.
Domoble pa ang kaba ko ng itukod niya ang kamay niya sa kitchen counter kaya nakakulong tuloy ako.
Hindi ako makahinga ng maayos, dilat na dilat ang mata ko dahil parang sinapian si Charles.
"Charles-"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang siyang tumawa ng pagkalakas lakas.
"Grabe yung itsura mo para kang natatae!"
Naitapat ko ang isang kamay ko sa may dibdib ko at pinakalma ang puso ko. Bumuga din ako ng malalim na hininga. At ng makabawi ay pinagpapalo ko siya ng sandok na malapit sakin.
"Aray! Mira! Nagbibiro lang naman ako. Ouch!"
"Wag mo ng uulitin yon!" itinapat ko sa mukha niya ang sandok.
"Oo na hindi na. But that was funny though." kinurot niya ang pisnge ko.
"Hmp! Mag pinsan nga kayo ni Pablo." I therefore conclude na may sapak din si Charles.
Bitbit namin ng mga niluto niyang tinahak ang dining. Nadaanan namin si Pablo at Andrea na gumugulong gulong sa sahig.
"Doctor ba talaga yang pinsan mo?" nagdududang tanong ko.
Siguro kong ang mga pasyente makikitang ganyan ang doctor na titingin sa kanila malamang magbago ng isip.
"Trust me. He is a Pedia doctor."
"Pedia? Mas bagay siyang maging psychiatrist. Parang tanga e."
"Narinig ko yon!" sigaw ni Pablo na tumayo na rin at pumwesto ng upo.
"Sinadya ko!"
BINABASA MO ANG
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR)
ChickLitPicture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng d...