Conflict 1... Meet your Brothers

90 3 0
                                    

LYKA POV

Ito na ang araw na pinakahihintay ko sa lahat! Magkakaroon na ako ng kapatid!

Dali dali akong bumaba sa kuwarto ko dala ang maleta kong kulay rosas. Hindi na talaga ako makapag-hintay na makilala ang mga magiging kapatid ko!

Hi, I'm Lyka Sandoval 18 years old. Ang only child ng Sandoval Family! Well, hindi na kami perfect family kasi wala na ang mama ko nasa heaven na siya Simula pa nung 10 years old ako. Pero ok na... Kasi mag kakaroon nanaman ako ng bagong Mama. At ngayon ay titira ako sa bahay nila, matagal ko ng pinapangarap na mag karoon ako ulit ng pamilya. At ang pinaka Hindi ko inexpect ay after 8 years magakakaroon na ako ng Mga Kapatid!

Lumaki kasi akong mag-isa. Walang kalaro, walang kadamay at Makausap, tanging yung mga stuff toys at barbie dolls ko lang ang kinakausap ko noon. Hindi ako lumalabas ng bahay o nakikipag laro kanikanino. Actually, lumaki pa akong malayo sa papa ko. Masiadong lulong kasi yun sa trabaho! But I can get What I want... Pero para sakin hindi parin yun sapat. Bakit? Kasi hindi ko siya nakakasama, ka kakaming dalawa na nga ang iniwan ni mama ni hindi ko pa siya makasama! Pero sa ngayon, waaaahhh I LOVE YOU PAPA kasi binigyan mo na ako ng mama with kapatids pa!

"Ms. Sandoval pinapatawag po kayo ng papa niyo sa office niya."

"Sige po, salamat!" Masiglang sagot ko kay Butler at iniwan ang mga gamit ko sa salas.

Ano bang pakiramdam ng may kapatid? Magulo ba sila? Masungit? Masusubuan ko pa kaya sila? Haha, masiado na akong hyper ah!

"Good morning po, Papa at.."

Napatigil ako nang nakita ko ang aking... OMG magiging mmmoommy???! Ang ganda niya at wow! Ang sobrang kinis at puti ng balat niya? Nag sisilka kaya siya? O baka naman nag lalux? Wow! Hindi nila siguro kami pagkakamalhan na hindi tunay na mag-ina..

"Hello, iha. Ako si Shelley ang magiging---" hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya na napaka-higpit.

"Haha, pasensya na Shelley hindi na siguro napigilan ng anak kong si Lyka na matuwa sa nakita niya na ang kanyang bagong magiging Ina" sabi ni papa, kumalas ako sa pagkayakap ko kay Future Mom at tinignan siya sa Mata na nakangiti.

"Masaya po ako na makilala ko kayo. Ano po ang gusto niyong itawag ko sa inyo?" Nakangiting sabi ko kay mom at nginitian niya rin ako at...teka? Nagtanong pa ako eh mom na nga ang tawag ko sa kanya? Ay potek! Naman Oo.

"You can call me Mom, Mama, o ano?"


"Sige po mom." Idiniin ko ang salitang mom sa harap niya.


"Ok, iha mamaya sa bahay ka muna ng mga kapatid mo titira ihahahtid ka nalang namin ng mommy Shelley mo sa bahay nila. Pasensya na Lyka dahil may appointments pa kasi kaming tatapusin ng mommy Shelley mo sa Hong Kong at mag isa mo lang sa mansion kaya nagdecide kami na dun ka muna titira sa bahay ng mga kapatid mo, para na din masanay kayo at maging komportable sa isa't isa. Mga 7 buwan kami sa Hong kong ng mommy mo at pagkatapos ng appointments namin aasikasuhin na namin ang kasal."


Tumango ako kay papa na may kasamang ngiti." Ok lang po yun, papa alam ko naman po, ang totoo po niyan kasi kanina pa po ako nakaimpake ng gamit ko haha. Naeexcite po kasi ako na makilala ang mga kapatid ko!" Tumawa sila papa sa sinabi ko.



"Hahaha, ganun ba? Then let's go excited ka na pala eh." Sabi ni papa tsaka niya marahang pinat ang ulo ko.



Sumakay na kami ng kotse. Yehey! Pupunta na kami sa mansion ng mga kapatid ko hindi talaga ako makapaniwala.



Brothers ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon