LYKA POV
"Teka, teka. May klase pa tayo at hindi tayo basta basta nalang mag-absent."
Sumigaw na sabi ni Miko habang hinihila ko siya. "Sinong may sabing aabsent ka?" Sabi ko at tumigil sa paghila sa kanya
"Eh, ikaw."
"Hindi ka mag-aabsent. Pupunta tayo sa classroom.."
"Woo, buti naman akala ko--"
"Para iuwi si Kix."
"Ano?!"
Tigil ulit ako sa paghila at tumingin sa kanya. "Hindi mo ba ako narinig? Iuuwi ko si Kix, pahiram muna ng kotse mo dahil ako ang magdra-drive."
"Pambihira, may Kotse naman si Kix eh bakit yung akin pa? Baka masira mo, Branded pa naman yun." Nakapout na sabi ni Miko. Loko talaga 'to. "Pahiram muna. Promise iingatan ko."
Sabi ko at itinaas ang palad ko para maukhang nagpro-promise ako. "Sige na nga.." Naka pout paring sabi niya at ibinigay ang Susi. "Yeey thanks Miko." Sabi ko at niyakap siya. "Basta ingatan mo ah?"
"Oo promise."
Nginitian niya ako at tumuloy na sa classroom. Pagpasok ko, pabagsak kong itinukod ang kamay ko sa lamesa ni Kix. In-up and down look ako ni Kix at tinignan ako ng parang Anong problema mo? Look.
Ginawa kong nakakatakot ang mukha ko para matakot siya. "U-u-wi na ta-yo nga-yon din!"
Dahan dahang sabi ko at hinila ang kuwelyo niya. "Aray, Nasasakal ako. Ano ba?!"
"Uuwi na tayo ngayon din."
"Bakit?! Ano bang balak mong gawin?"
"Hahana--"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang pumasok si Blossom sa room. Paktay pa'no na yan? Napatingin ako kay Kix na nakataas ang kilay at sa buong classroom..
"Anong balak niya?"
"Ambisyosa, feeling close.."
"Hinila ba naman si Kix."
"Upakan kaya natin?"
"Grabe lang, wala naman siyang karapatan para umuwi silang dalawa."
"Oo nga."
Napalunok ako sa mga narinig ko. Oo, nga naman. Dapat kasi mamaya nalang. Psh. Napahiya tuloy ako. "Ah," Napahawak ako sa Mata ko ng biglang may pumasok. Aray ang sakit, letseng dumi ka, mabulok ka Sana sa Mata ko.
"Oo na, Alam kong gusto mo akong masolo.. Babe."
O__O?
(~~")
Be.. Be... Be..Babe???
"Tara, umuwi na tayo Babe. Para Solong solo mo na ako."
Inakbayan ako ni Kix habang nakangisi siya at nagwink. Ano 'to? Tinignan ko siya ng ano bang pinagsasasabi mo look. Habang gulat na gulat parin ako sa mga sinabi niya.
"Huh? Akala ko ba walang Girlfriend si Kix?"
BINABASA MO ANG
Brothers Conflict
FanficA story about... 12 brothers who will love the same girl.. by; _CaseyFreyl_