LYKA POV
*Krinngg kringg...*
Napabangon ako sa lakas ng alarm clock ko. Kinuha yung clock para patayin yung alarm.
4:30 am..
Maaga pa pala... Nagstretch ako at dumeretso papuntang banyo. First Day of school na ngayon, at lumipat na ko sa pingaaralan ng mga kapatid ko. Oo, tama kayo nagtransfer ako ng school. Utos ni papa kahapon. Sabi niya pina-enroll na daw ako ni Kuya JC, di man lang umimik si Kuya JC Edi Sana nakapag thank you pa ako sa kanya. Haayyss... Madami na silang nagawang kabutihan sakin. Samantalang ako, puro nalang thank you ang sinsabi. Wait...
Ting...
Bright Idea! Tumakbo ako palabas ng kuwarto ko. Mukhang wala pang nagigising sakanila. Bumaba ako papuntang kusina. Guess what? Ipagluluto ko sila ng Baekhyun--- I mean Bacon pala. Hehe, charot lang yun. Kinikilig kasi ako kay Baekhyun ng EXO eh, hehe. Ipagluluto ko din sila ng hotcakes with chocolate Syrup.
Tinali ko ang buhok ko at binuksan ang ref nila. Kumuha ako ng mga ingredients na gagamitin ko sa pagluluto.»»1hour later««
Tadaa. Handa na ang Bacon and Hotcakes with choco syrup. Sana magustuhan nila tung ginawa ko para sa kanila. Madami akong niluto, syempre kasi madami din kaming kakain no. Speaking of...
"Good morning Little sis.." Si Zander
"Good morning Se-- Zander pala." Muntik ko nang sabihing Sehun haha, magkahawig kasi sila eh. "Uy, ang bango is that..?"
"Oo, Bacon and Hotcakes.." Sabi ko at itinuro yung niluto ko. Lumapit siya at umupo sa dining table. Sinimulan na niyang tinikman yung hotcakes bago yung bacon. Napapatango nalang siya. "Ano, ok ba yung niluto ko? Masarap ba?" Tumango ulit siya at ngumiti. Ngumiti narin ako.
"Masarap." Matipid na sagot niya dahil punong puno ang bunganga niya ng pagkain. "Yo, Little sis. Yo, Zander!" Kagigising ni Kelvin. "Uy, Bacons!" Tumakbo siya at akmang kukuha na ng Bacon pero agad siyang pinigilan ni Zander. "Mug Hugush kumunu"
"ANO?!" Sabay kaming napasigaw ni Kelvin. Anu daw ang sabi? Korean ba yun? Kung Korean yun, ano kayang ibig sabihin nun? Nilunok ni Zander yung kinakain niya at saka nagsalita. "Sabi ko mag hugas ka muna!" Ah, so ganon pala ang ibig sabihin nun. Akala ko Korean word yun.
"Sa susunod nga, lunukin mo muna yang nasa bunganga mo bago ka mag salita. Tch." Sabi ni Kelvin at dumeretso sa lababo para maghugas daw ng kamay. "Ano little sis, first day mo ngayon sa school na pinapasukan namin."
"Oo nga eh, Ah, ano nga palang pangalan ng school niyo?"
"Gakuen Alice.."
Gakuen Alice..
Wow. Pangalan palang mukhang maganda na. As usual private school kami. Hindi na tuloy ako makapaghintay na pumasok at malaman kung anong section ko, sana lang maging kaklase ko si Ivan o kaya si Miko o kaya si Zander, ok din si Prince pero ang cold niya saken, dahil sa nagawa kong hindi pagkinig sa kanya at isa pa yung nagsorry ako sakanya kahit hindi naman pala siya yung nabagsakan ko. Nakakahiya kaya.
"Morning, anong ulam?" Kakarating din ni Ivan. "Morning guys.." Pati din si Miko. Sumunod si Darrel at Kuya JC and the rest.
...2hours later...
Ginamit ko na ang School uniform ng Gakuen Alice Academy na binili ni Miko at Kuya Khennt kahapon. Tumingin ako sa human sized mirror at umikot ng pa-slow motion. Napaisip ako kung anong kulang. Tumakbo ako sa cabinet ko at binuksan yung pinakagilid. Kinuha ko yung ribbon na kulay pink na ka match din ng uniform ko. Pink daw kasi sa babae at blue naman sa lalaki, ang ganda diba? Pagkatapos ko, sinara ko yung pintuan ng kuwarto at bumaba na ng hagdan. Nakita ako nila Miko at Ivan kaya napatayo sila at kinuha yung bag nila sa couch.
BINABASA MO ANG
Brothers Conflict
FanficA story about... 12 brothers who will love the same girl.. by; _CaseyFreyl_