Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Conflict ...9 Girls Generation

21 1 0
                                        

Lyka POV

"Huh? Waahh, hindi kita iiwan Lyka. Pa'no kun mahuli ka niya? Lola mo ba talaga yan?"

Pigil ni Miko sa desisyon ko at tumatalin talon pa habnag nakapout. Talaga 'to. Isip bata.

"Oo, ano kaba Lola ko yan. Harsh nga lang. Sige na umakyat na kayo sa taas at tawagin niyo narin sila Kix, Darrel lahat na. Magtago kayo sa kuwarto ko ngayon na. Go, go, go."

Tinanguan nalang nila ako at dahan dahang umaykat sa taas para tawagin ang mga iba at makapagtago sa Lola kong Medyo may sira na ang ulo.

Huminga ako ng malalim at sinimulan nang maglakad papuntang salas.

"Lola."

Tawag ko na agad namang napalingon sa direksyon ko. Nakita kong nanlaki ang Mata ni Khennt sa itinawag ko pero sumenyas nalang ako na umakyat siya sa taas pero hindi niya nagetss.

"Apo! Naku, apo kong pinaglihi sa Nuggets! Halika nga dito!"

Kahit na magkalapit kami ni Lola ang lakas lakas parin ng bunganga. Aish. Pasalamat talaga siya dahil Lola ko siya kung hindi baka nilagyan ko na siya ng plaster sa bibig.

Niyakap ako ni Lola at ganon din ako nakita ko si Khennt na nakatingin sa Labas, napatingin ako, si Tristan na nago-otcho otcho lang naman.

"Apo ok ka lang?! May masakit ba?! Kumusta ka na?! Sino 'to?! Asawa mo 'to?! Sino yun?! Labidabs mo?! Kaninong bahay 'to?! May anak na ba kayo?! POTAENA KANG BATA KA! HINDI BA SINABI KO SAYONG HUWAG KANG MAGAASAWA NG MAAGA!?!"

Bestes, nagtanong marami tapos magmumura? Enebe nemen eng lele ke.

"Easy Lola,"

"ANONG EASY?! BAKIT?! AKO BA SI COCO MARTIN?! BAGAY KO BANG MAGCOMERCIAL NG 5555 CARNENORTE?!"

Napaface palm ako sa sinabi ni Lola, walang preno talaga ang pananalita niya. "Lola, naman. Unang Una hindi ko po siya asawa.." Tinuro ko si Khennt. "Pangalawa bahay 'to ng mga magiging kapatid ko kaya--"

"Did you say kapatid?! ILAN KAYO? APAT?! LIMA?! ASAAN ANG MGA BABAE KONG APO?! MAGSILABAS KAYO HOY!!!"

Mga babaeng apo? Lima? Bwahehe 12 kami at higit sa lahat puro lalaki po kami--este sila lang.  Paano ko ba sasabihin kay Lola na puro lalaki sila?

"Uh, Lola m-may sasabihin ako.. K-kasi.."

"Ano yun apo?!"

Yung totoo Lola, nagagalit ka ba o ano? Mukha naman siyang di galit pero pasigaw kung nagsasalita. "K-kasi Lola,"

Nanlaki ang Mata niya at itinapat ang kamay niya sa mukha ko. Anyare? "Don't tell me they are all boys?! hindi, NO, NO, NO,NO WAYY!!! HINAYAAN KA NG PAPA MONG TUMIRA SA PURO LALAKI NA BAHAY?! HA?!" Iniling iling ko ang ulo ko habang paatras ng paatras si Lola naman tinuturo ako habang humahakbang papalapit. Waahh, nakakatakot si Lola.

Pa'no to? Baka hindi pumayag si Lola, na ikasal si papa kay mommy shell. At kapag nangyari yun..

"Lola! Hindi, enebe! MAY BABAE PO! BABAE PO KAMI! HINDI AKO BAKLA! KLA-KLA-KLA-KLA-KLA, HINDI AKO SHOKLA! KLA-KLA-KLA-KLA-KLA--"

Napatigil ako sa pagkanta ng makita ko sa taas sila Miko na buhat si Kix habang tinatakpan ni Zander yung bunganga niya. Titingin na Sana si Lola sa lulikuran niya kaso agad ko siyang pinigilan.

"Ah, Lola!"

"Makasigaw ka naman apo!"

"May kwan po.." Nilingon ko ulit sila, nakaalis na sila at siguro pumasok na yung mga yun sa kwarto ko. Lord, Sana naman po kahit ngayon lang itikom ni Kix ang bibig niya. Plesss lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Brothers ConflictMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon