Conflict 4 ... First Kiss

41 1 0
                                    

LYKA POV



Ouch, ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Pinilit kong bumangon kahit na medyo nahihilo pa ako sa bigat ng ulo ko ngayon. Agad akong dumeretso sa banyo para maghilamos.



Binuksan ko yung faucet at naghilamos gamit ang palad ko. Napansin ko na biglang sumakit yung gilid ng labi ng mahawakan ko iyon. "Ouch." Agad akong dumeretso sa salamin para makita ko kung bakit masakit yung labi ko. What the...



Bakit ako nagkaroon ng sugat sa labi? Hala, Hala, hindi kaya....



~Kiss~



Waaaahhh.... Mali, Mali, Mali. Hindi ako nakahalik. HINDEEEE!!!! Hindi maaari! Hindi nakuha ang first ko! Waaaah. Pero kung sino man yun? Teka? Kagabi... Nag-inuman kami nila... Kuya JC tapos lahat kami nagka hangover tapos nainitan ako tapos umakyat ako ng rooftop tapos nakita ko si Kix tapos natumba ako tapos..... Teka, Si KIX? Waaaahhh, naku po Sana hindi siya yung nahalikan ko kundi Patay ako sa lalaking yun! Normal lang ba? Magiging kapatid ko naman sila diba? Pero, hindi eeeehh, First kiss ko kapatid ko? Ang labo!



Tumakbo ako at umumob sa unan ko. "Panaginip lang ito Lyka, panaginip lang!" Sabi ko sa sarili ko. "Wala ka pang first kiss." Sabi ko ulit.

"Talaga?"

"Oo, kaya kumalma ka lang."

"Paano ka kakalma?"

"Kasi si Kix lang yun, si Kix lang yun!"

"Eh, siraulo ka pala eh!"

Natauhan ako sa sumigaw, may kasama ba ako? Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko.....

O.O

Si Mr. Bubblegum? Anong kailangan niya saken? At---narinig ba niya yung.... *gulp*



"Ano pang tinutungatunganga mo jan? Hindi ka ba mag-sosorry sa ginawa mo?"

For the second time napalunok ako at napatingin sa labi niya. Bigla kong naalala yung kagabi at yung sa sinabi niya. Ibig sabihin.....

"Waaahhh sorry sorry. Sorry kung ikaw man yung nadaganan ko o nahali---kan ko. Basta sorry sorry. Kasi hindi ko alam ang gagawin ko eh.. Nalasing kasi ako... Sorry talaga sorry sorry so--"



Isinubo niya sakin ang isang buong apple. Resulta? Kagat kagat ko ang apple na parang telson baboy na may apple sa bunganga.

"Ang dami mong satsat. TUMAYO KA NA AT MAG SORRY!" Malakas na sigaw niya Kaya agad akong tumakbo palabas ng kuwarto ko. Ibig sabihin hindi siya yung nahalikan ko? Waaahhh.



--

Dumeretso ako sa kusina at saktong nakita ko si Prince. "Gising ka na pala." Sabi niya.

"Halika maupo ka. Pinagtimpla kita ng cappuccino." Sabi niya at inilahad ang upuan sa tabi niya.

"S-salamat." Nauutal na sabi ko at umupo sa tabi niya. Naman nakakahiya. Ilang Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pero siya din ang bumasag sa katahimikan at nagulat ako sa sinabi niya. "Tungkol kagabi....." Bigla kong ibinuga ang iniinom kong cappuccino at humarap sa kanya.




"WAAAHHH SOORRRYYY PRINCE! ANG DAMI KO NANG NAGING ATRASO SAYO! SANA MAPATAWAD MO AKO KAHIT PAPAANO. SOORRYY KUNG NADAGANAN KITA, SORRY KUNG NABIGATAN KA. PLS. ISIPIN MO NALANG NA NABAGSAKAN KA NG MALAKING BATO. IM SORRY TALAGA, IM SO SORRY!" Nakayukong isinigaw ko. Waahhh pagkatapos niya akong ipagtimpla ng cappuccino... Waaahh hindi ko na kaya to. Madami na akong nagawang Mali kay Prince.

Brothers ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon