Chapter 5

35 9 0
                                    

Tahimik ako buong biyahe. I don't know what he's thinking. Hindi ko pa rin nakalimutan ang nangyari kanina sa club. Nag-ayos na ako ng makita ang malaking gate ng village. 

"What are you doing?" nakakunot noong tanong ni theo sa akin. Naglalagay ako ng make up para hindi mahalata ni mommy na uminom ako. She don't want me to drink. 

"Doing some make up. Papagalitan ako ni mommy pag ganito ang ayos ko" sagot ko sa kanya. Tumango lamang siya at itinigil ang sasakyan ng makarating na kami ng bahay.

"Nakarating ka na dito?" tanong ko sa kanya. I didn't tell him kung saan ang bahay namin dito sa village so nagulat ako kung paano niya nalaman.

" We live in the same land " sagot niya. He also live here? bakit hindi ko siya nakikita tuwing nagjojogging ako?

" How come i didn't met you?" tanong ko habang inaalis ang seatbelt.

" Kakarating ko lang galing L.A  for almost 2 months so this is my first time here in the village " sagot niya. Oo nga pala. He just arrived from states. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango bago binuksan ang pinto ng buggati.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita si mommy sa veranda na seryosong nakaingin sa akin at hawak hawak ang personal phone niya. Oh my god ! what did i do this time? Tumingin ako kay theo na ngayon ay nakangiti sa akin. 

"Theo thanks for the ride " wika ko sa kanya at nagpaalam. Hinintay ko muna siya makaalis bago pumasok ng bahay. 

"M--mom " 

"What's this ! Binigyan mo na naman ako ng kahihiyan agatha ! I expect something better of you !" sigaw ni mommy  pag akyat ko sa veranda. She was holding her phone. Napakunot ang noo ko. What is she talking about? Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya and there i saw my video sa bar kanina. What the hell is this?! Who took this video? Pinakita doon ang pagsayaw ko sa dancefoor with the guy.

"Mom this is edited ! that guy forces me to---"

"Stop ! don't lie to me ! Your cousin send me this video. Are you telling me she's lying to me?" sigaw ulit nito. Hindi ko mapigilang umiyak. She believe my cousin but her own daughter she won't. Who send her the video? it was edited ! Inisip ko kung sino ang possible sa mga pinsan ko na magsend ng video kay mom pero hindi ko na muna iyon inisip at tiningnan si mommy.

"Mom it was edited ! I-- i didn't ..." 

"No gadgets , no credit card , . Im so disappointed to you agatha ! I will return your bodyguards tommorow." wika nito at inwan ako sa labas ng bahay na umiiyak. Now im grounded. My mom hates me and my lolo and relatives will to. Humihikbi ako ng pumasok sa aking kwarto. Who send the video? Tiningnan ko ang desk ko at nakita ko na wala na doon ang laptop at iba ko pang gadgets. My mom is serious. I don't care about the gadgets or my credit cards pero ayaw ko ng bodyguard ! Now i have to handle them again ! Natulog ako ng umiiyak. I tried very hard to keep my Mom and Lolo proud but in  just one edited video nasira iyon.

Kinabukasan hindi ko na naabutan si mommy mag-almusal. She probably hates me. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng tinapay. Naabutan ko si manang lupe na nagluluto. 

"Goodmorning manang. Umalis na po si mommy?" tanong ko.

"Opo. Nandito na rin ang mga bodyguards niyo" sagot nito. Tumango ako.  I have no choice. Mabuti na lang at naligo na ako bago ako bumaba dahil malelate na ako. Binilisan ko na lang ang pagkain at pag-ayos ng sarili.

"Manang paki ayos na lang po ng kwarto ko salamat !" sigaw ko dahil nasa kusina pa si manang. Bumaba ako ng bahay at nakita na nakahanda na ang sasakyan sa labas. The guards are there too , napasapo ako ng makitang nadagdagan sila. Now i have 5 bodyguards. Hindi ko sila pinansin at pumasok sa itim na kotse. Ngayon ay magtitiis ako sa nakabuntot na convoy ng mga bodyguards. 

Break the RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon