Mabuti na lang wala pa si Ms. Reyes ng dumating ako. Agad akong umupo sa tabi kay trixie sakto naman ng pagdating ng Professor namin.
" Where have you been?" bulong ni Trixie sa akin. Sila Kourtney na nasa likod namin ay nakatingin din sa akin at naghihintay ng sagot. Tumingin muna ako kay Ms. Reyes bago bumaling sa kanila.
"Sa bahay " sagot ko sa mahinang boses.
" Sama ka mamaya sa Greenleaf? " tanong ni kourtney. Friday ngayon kaya magbabar silang tatlo. Every friday gawi na namin na magbar or kaya ay magshopping it's one of our stress releaver. Not that i drink sadyang sumasama lang ako sa kanila. Just watching them dance in the dancefloor. Umiling ako sa kanila.
" May lakad kami ni The------" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Ms. Reyes sa tabi ko.
" Can you please tell us what you're whispering about , Miss Salazar ? that's more interesting than what i am discussing in class at this moment " nakita kong nakataas ang kilay ni Ms. Reyes habang nakahalukipkip ito. She's known as Big Fat Hitler the girl version dahil sa pagiging terror niya at pagiging mataray. She prefer to call her Miss than a professor.
Crap !
" Um..." think agatha ! think !
" What !? "
"We were... we were talking about ..about how beautiful you are and how great you are as a professor, Right Trixie ? " bumaling ako kay trixie at pinandilatan siya ng mata,. Tumawa siya ng mahina at tumango kay Ms. Reyes. Muli akong tumingin kay Ms. Reyes at nakitang nakangiti na ito.
Thank god !
" Well thank you. You can sit " wika nito sa akin at bumaling sa mga kaklase ko at kinumpas ang dalawang kamay. " Okay class open your books on page 115 blah blah blah "
Mabilis na natapos ang klase namin kay Miss. Reyes. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag para magtype ng message kay Theo.
Ako:
Tapos na kami.. Where are you?
" May lakad ka? saan ? " tanong ni Kylie. Kanina pa nila ako kinukulit na sumama pero dahil ayaw ko ulit matawag ni Ms. Reyes ay hindi ko sya nasagot kanina.
" Uhm Theo invited me ----- "
" Told yah ! " singit ni trixie at tumawa. Umiling na lang ako at dinungaw ang text message ni Theo sa akin.
Theo:
Im at the north gate. Do you want me to come there? :D
Mabilis akong nagreply at agad na inayos ang gamit.
Ako:
No need. Papunta na din naman ako. :)
Pagkatapos kong masend ay nag-ayos na ako ng sarili at sinabit ang shoulder bag sa balikat ko.
" Girls alis na ako. Promise I will join you next time. My treat " wika ko sa kanila at nagmamadaling lumabas ng classroom. Pagdating ko sa North gate ay nakita ko si Theo na nakasandal sa kotse niya habang nakapamulsa. May mga kausap siyang lalaki kaya bumagal ang paglakad ko.
" Basta bukas ang practice. Mag attend ka na raw sabi ni Coach. You're the Team captain so you should " sabi ng lalaki na may Gomez sa likod ng Jersey at umalis na. He's one of our varsity player ? and a team captain? How come i didn't know? Oh well im not interested in basketball though.
"Hi ! " wika ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at kinuha ang bag ko para ilagay sa sasakyan niya. I didn't think that simple gestures can make me smile like this. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Umikot siya para makapasok na din sa sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/59205376-288-k349764.jpg)