"Hey ! what are we doing here?" pasigaw kong tanong sa kanya. Pano ba naman kasi nasa tapat kami ng Revel sa BGC. It's a high end night club for luxurious and high class servic. And i heard this place is for libirated people !
" Can you please stop shouting !? It's obvious im here to freshen my self up. Kung ayaw mo sumama you can stay here inside" iritado nitong sagot.
"Ba't ba ang init ng ulo mo sa akin? Did i do something wrong? and besides are you seriously leaving me here ? Look im here because your lolo said so and you know already na naka gown ako ! atleast you tell me kung saan mo ako idadala !" pagalit kong sagot. Know im pissed. What a douchebag ! he surpasses all the jerk and asshole in the world ! Nagulat ako ng bigla itong huminahon im expecting him to shout at me again.
"Look miss , im sorry"
"Im Agatha. You don't have to add formality dahil hindi naman bagay sayo" mataray kong sagot. Kung nandito lang si mommy ay kanina pa ako napagalitan. Akala ko ay magagalit sya but he looked amused na para bang ngayon lang may sumagot sa kanya ng pabalang. Ngumisi ito at tinaas ang dalawang kamay sa ere.
"Okay , okay ! im not leaving you here magpapakuha lang ako ng damit so you could change your clothes" hindi na ako nito hinayaan sumagot dahil bigla na nitong kinuha ang cellphone at tumawag. Fine ! i have no choice but to be with him tonight. Ang malas ko naman. Humalukipikip ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.
"Hello Momo "
"Peste ka Theo ! ginalaw mo na naman ang shampoo ko dito noh? bayaran mo yun kundi papatayin talaga kita !" Napakunot ang noo ko dahil sa sumagot. Is that her girlfriend? wala na akong ibang naintindihan dahil puro mura ang ang lumalabas sa bibig ng kausap nya. I didn't know girls can cuss like that. I wonder kung ganyan rin ang mga kaibigan nya.
"Im sorry for that. Nakalunok ng microphone at cussing machine ang tomboy na yun eh" Hindi ko maiwasang mainggit dun sa babae. Looking at theo he really looks fun with her. Wait ! ano ba ang pinagsasabi ko? Mga ilang minuto pa ng dumating na yung damit. The girl looks pretty pero masyado syang magalaw and a little bit boyish.
"Hi Im Momo ! His bestfriend and you are?" nakangiti nitong tanong. I liked her. She looks so friendly. Halatang kabilang sa kilalang pamilya dahil sa tigas ng ingles nito. I think she's more beautiful kung aayusan sya.
"Im agatha. Thanks for the clothes" wika sabay taas ng paper bag. Nagulat ako ng bigla itong tumawa.
"Haha it's not mine. Sa kapatid ko yan. I just stole it from her closet " nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya " but don't worry hindi pa yan gamit and kakarating lang nyan kanina mula sa stylist nya." nakangiti nitong tanong. "Hoy bakulaw ! uwi na ako ! gabing gabi na magpaparty ka na naman !" napatingin ako kay Theo na ngayon ay pinapagalitan ni Momo. She looks like his mom. Sarap iuwi sa bahay.
"Oo na ! just stay your butt off here bawal dito ang bata" sigaw nito dito. Natatawa na lang ako dahil sa kanila.
"Peste ka yung shampoo ko !bayaran mo yun !" pabalik nitong sigaw bago pumasok ng sariling kotse. Natigil ako sa pagtawa ng mapansing nakatingin sa akin si Theo.
"You look better when you smile. Hindi yung pilit" he's face is serious kaya medyo awkward para sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at pinakita ang paper bag.
"Where can i change my clothes?" tanong ko sa kanya. The people are arriving more and more at isa pa hindi naman ako makakapalit ng damit sa kotse nya.
"Pupunta tayo ng penthouse so you can change your clothes there tapos babalik na lang tayo. I already told your mom and she said na okay lang na umuwi ka ng late. You can invite your friends may foam party mamaya" he said coldly. Know he's being his old self again.How great !
Bumalik kami sa kotse nya. Tahimik kaming dalawa sa byahe kaya ng di ko na matiis ang pagiging curious ko ay nagtanong na ako. Atleast im trying to be friendly here.
"You're theodore right? kaano ano mo si tito Theodore? i mean Theodore the CEO of Elizondo Shipment Company?"
"He's my dad" malamig nyang tugon.
"Oh ! your dad is great ! Isa sya sa mga nagbigay ng fund para sa Workshop ng mga ulilang bata. He's a good man" nakangiti kong saad pero nanatiling seryoso ang mukha nito. It feels like na ayaw nyang pag-usapan ang papa nya kaya nanahimik na lang ako.
"We're here " wika nito. Nasa tapat kami ng Kompanya nila. I think the penthouse is here. Ng ma-park na nya ang kanyang sasakyan ay agad na akong bumaba.
"Follow me" tahimik lang ako habang nakasunod sa kanya. Is he always like this?! Sumakay kami sa Elevator hanggang makaabot kami sa pinakatuktok na palapag ng building.
The penthouse is pretty nice. Malinis at malamig. I hope na may ganito rin sa building ng kompanya namin. Nakadungaw ako sa malawak na siyudad ng manila ng marinig ko ang malalim nyang buntong hininga.
"Uhhm nasaan ang CR? May tuwalya ka dito?" tanong ko. Masyado na akong nalalagkitan sa gown ko. I don't care kung nandito sya. I just want to freshen my self up. Bigla syang tumayo.
Kinagat ko ang aking labi.I know masyado ko na siyang naiistorbo. Tiningnan ko ang kanyang likod habang naglalakad palayo. I think he's going to get me a towel. Hindi ko maiwasang mapuna ang bawat detalye ng mukha nya. He has an expressive eyes. Kahit kasungitan lang ang pinakita nya sa akin ngayong gabi. His biceps looked always tensed. Damn ! he is hot !
Bumalik siya na may dala ng tuwalya. Kinuha ko iyon at dali daling pumasok ng banyo. I don't want him to wait. Masyado ko na siyang naabala. Nakakahiya naman.
The Bathroom is clean and very manly. Halatang lalaki ang gumagamit. Hinubad ko na ang suot kong gown at tanging bra at panty lang ang tinira ko. Holy sh*t ! wala pala akong extra ! Think Agatha ! Think ! ayoko naman sabihin kay theo dahil masyadong nakakahiya. Tssk ! wala naman sigurong CCTV dito. I have no choice but to shower naked. Oh great ! di pa naman ako sanay. Binilisan ko na lang ang pagligo dahil hindi ako komportable.
Naabutan ko si Theo na nanonood ng TV. He's just sitting there with his usual serious face. Talaga bang ganyan na ang facial expression niya?
"Im done" I said to interupt him. Mabuti naman at naagaw ko ang atensyon nya na pinagsisisihan ko. It's too akward ! I heard him cussed kaya napakunot ako. What was that for?
"by the way. I used your shampoo baka kasi magtanong ka. Thanks" sabi ko habang nagpapatuyo ng buhok. " You're still studying?" tanong ko.
Hindi siya sumagot. Nagtiim bagang ako. This man is pretty snobbish. Pinanonood ko siyang kunin ang susi ng kotse niya. I think we're leaving. Hindi ko pa naman napapatuyo ang buhok ko.
Lumabas na kami ng building kaya tinakbo ko ang maliit na agwat ni Theo sa akin.
"Ilang taon ka na Theo?" tanong ko ulit. I know masyado na akong makulit but i can't help it ! Nakarating na kami ng kotse nya ng bigla siyang huminto.
"Im Twenty-one now get in " utos nito at binuksan ang pintuan ng front seat. Pinanunod ko siyang umikot at umupo sa katabi kong driver seat. Humugot siya ng hininga bago binuksan engine at pinatakbo ang sasakyan.
