Dumating kami ng Revel na marami ng sasakyan ang nakaparada. Halos nag-uunahan sa pagpwesto ng sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas at nagmamasid ng biglang magsalita si Theo.
"Is it okay kung maglalakad tayo ? there's no space in the parking lot" tanong nito. Tumango na lang ako sa kanya. Nag park kami medyo malayo sa revel. Tahimik kaming naglalakad papuntang revel kaya nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Look, im sorry if im being rude. Im still studying" sagot nito sa tanong ko na isang oras na ang nakalipas. I rolled my eyes.
"Oh well" mataray kong wika. Napatingin ako ng marinig ko siyang humalakhak.This is the first time na makita siyang tumawa. Akala ko hindi siya marunong. Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hinila papunta sa revel
"Come on ! this will be fun !" sabi nito at hinatak ako sa kumpol ng mga tao sa tapat ng club. Dinig na dinig na ang sound system kahit nasa labas pa lang ng revel. Napansin kong sikat si Theo dito lalo na sa mga babae. All the girls are looking at him and glaring at me? Napatining ako sa kamay naming magkahawak kayo agad kong kinalas iyon.
"Is there something wrong?" kunot noo nitong tanong. Umiling ako. Now im not comfortable with my clothes anymore. Masyado na akong nakakaagaw ng atensiyon. All of the guys are staring at my legs !
"Dude ! mind if you introduce us sa kasama mo." biro ng isang matangkad na lalaki.
"Yeah pare ! ngayon ko lang yan nakita ah? sino siya?" tanong ulit ng isa pang lalaki. Napansin siguro ni theo na hindi na ako komportable kaya hinawakan niya ang kamay ko.
"She's mine dude and you know i don't share" malamig na wika nito sa mga lalaking nasa harapan namin.
"Woah ! Chill dude ! Chill ! " wika nito. Maraming mga babae ang nakataas ng kilay sa akin. Tss this girls are cheap.
"Theo can we get in now? ayoko dito sa labas" i demand. Hindi ako komportable sa mga biro ng kaibigan niya. And besides gusto ko ng makita sila Shamara. Itexted them to come here kaya alam kong naghihintay na iyon.
"Sure" wika nito at nagpaalam na sa mga kausap niya. Bawat nadadaanan naming mga babae o kaya naman mga tao ay napapatingin. May mga tumataas ng kilay , may walang pake alam. Palakas ng palakas ang tunog ng musika habang palapit kami ng palapit sa party. The party is on its peak. Nagkakagulo na ang mga tao sa tugtog ng DJ sa taas.
"Theo ! it's good to see you here ! I miss you " hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko sa babaeng lumapit kay theo. Hindi lang basta lumapit kundi humalik pa ! what the f*ck !? Gross ! Binitawan ko ang kamay kong nakahawak sa kamay ni theo kaya napatingin siya sa akin. Ng makabawi sa halik ng babaeng kausap niya ay napatingin siya sa akin. Nakita ko rin ang pagtaas ng kilay ng babae sa akin kaya mas uminit ang dugo ko.
"By the way rebecca this is ---" hindi ko na pinatapos si theo sa sasabihin niya dahil ako na mismo ang nagpakilala sa sarili ko.
"Im Agatha Salazar. He's girlfriend and you are?" mataray kong tanong. I don't care kung anong sasabihin ni theo but this girl is getting in to my nerves already.Hindi ko alam but i hate her guts. Kanina pa niya ako tinataasan ng kilay. Im no saint. Naiinis at nagagalit din ako. Hindi siguro inasahan ng babae ang sinagot ko dahil hindi ito agad nakapag-salita.
"Oh really? well girl you must be dreaming ! Theo doesn't have a girlfriend as far as i know. Baka naman kalandian ka lang ni theo at nagiilusyon ka lang? you know , Theo doesn't do relationships, he do flirting" panukso nitong wika. She really pushing my button. Nginitian ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. I smirked.
"News Flash ! girlfriend niya ako and if i were you im not kissing any guy na makakasalubong ko kahit saan. You know , you're just making your self pathetic. And im not cheap like you na pumapayag sa flirting level lang. Kung baga sa Aso ikaw stray dog ka lang ako high breed. Hindi tayo magkalevel im sorry" - wika ko at nginitian siya ng nakakainis at hinila si theo palayo.
"Oh my god ! i can't believe i did it ! im sorry theo for being rude to your friend or what but she pushed my buttons" sabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakaya ko iyon. It's my first time to tell what's on my mind ! unang beses iyon na nasabi ko ang nararamdaman ko. Sa bahay kasi ay hindi mahalaga ang opinyon ko unless hiningi na talaga ni mommy. I can't hide my happiness !
"You looked so happy. Kilala mo ba si Becca?" tanong nito.
"No way ! I kinnda hate her" sagot ko. He looked so amused.
"So your my girlfriend now?" nakangisi nitong wika kasabay ng paglapit ng mukha nito sa akin. Isang galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya. Nanlaki ang mata ko at agad na tinapik ang mukha niyang nakangisi.
"Of course not ! It's all an act ! gusto ko lang inisin ang babae mo" mataray kong wika sa kanya.
"Woah ! I didn't know that a daughter of A salazar is wild as this. Well , not the wild as wild huh? I thought takot kang suwayin ang mommy na huwag gumawa ng public scandal like vanessa" biglang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Oh my god ! what did i just did? and he knew my cousin vanessa? Hindi ako pinahalata sa kanya na sinuway ko ang mommy ko bagkus ay iniba ko ang usapan.
"You know my cousin? how come?" tanong ko. Seriously wala akong ka-close sa mga pinsan ko. All of them hates me and i don't know why. Umupo kami sa isang sofa. Kilala na siguro siya ng waiter dito dahil may dumating agad na drinks kahit hindi pa kami nag-order. So this is his life? I wonder kung okay ito sa kanyang Lolo at parents.
"Well , she's my friend. Kasama ko siya sa pagbakasiyon sa resthouse namin sa palawan. She's nice but afraid to fail her mother" - sagot nito. Napakunot ako dahil sa kanyang sagot. He and Vanessa sa tagaytay? Did tita Lucilla knew this? Oh well sino ba naman ako para magsumbong?
"Oh. I'll just call my friends" sabi ko sa kanya ng mapansing maypapalapit na lalaki sa gawi namin. I think it's his friends. Baka ma-Out of place lang ako. Pumunta ako sa CR dahil dun lang medyo tahimik na place sa bar. The music is too loud ! I dialed Shamara's number.
"Hello ? Shamara? " nilayo ko ang phone ko sa tenga dahil ang ingay nila.
"Agatha !!!" muli kong nilayo ang phone dahil sabay sabay silang sumigaw ng pangalan ko.
"Where are you ? kanina ko pa kayo tinext? Ngayon lang ako pinayagan ni mommy kaya hwag kayong kill joy ! " sigaw ko pabalik sa kanila. I know i look stupid dahil sigaw ako ng sgaw sa phone. Eh sa ang ingay sa kinaroroonan nila Sham?
"Nandito na kami sa revel ! nasaan ka ba kasi? Nasa labas pa kami can you come?" sigaw nito. Hindi na ako sumagot at in-end ang call dahil pumunta na ako sa kanila. Atlast ! i can enjoy my self without a bodyguard !
