"Ano ba ang real score sa inyo ni Theo? " Tanong ni Shamara. Nandito kami sa soccer field at kumakain. Maraming tao kasi sa canteen kaya mas pinili naming dito na lang.
"Alam mo bang kalat na kalat na sa buong campus na kayo na ?!" paimpit na sigaw ni kylie. Alam ko iyon. Dalawang linggo na din simula ng tulungan ko si Theo sa algebra and since that day ay malapit na kami. I like him , yes. and i know there's something going between us. Simula din noon ay hindi na ako masyadonga nakakasama kila shamara pag may lakad sila same as Theo dahil nitong mga nakaraang linggo ay lagi kaming magkasama. Umiling ako.
"No. We're just friends" sagot ko sa kanilang apat. They just rolled their eyes on me at humalukipkip.
"Basta agatha. Just don't make your self fall hard " seryosong wika ni kourtney sa akin. Nginitian ko na lang siya at tinuon ang pansin sa kinakain ko.
Nagkwentuhan kaming apat. Inalis na din ni mommy ang mga bodyguards ko. Pumapayag na din siya na sumama ako kila shamara minsan. I think it's because of theo. Nakasanayan na kasi niya na hatidin ako sa bahay and my mom knows it. Wala naman akong naririnig na pagtutol mula kay mommy. I guess she's fine with Theo.
"Hi agatha ! can i ask you out?" tinaas ko ang tingin sa nagsalita. It's Ricco. Lagi niya akong niyaya at lagi ko din siyang hini-hindian. Marami pa silang nag-aaya sa akin pero noong huli ay nabugbog lang ni Theo. They are assholes , alam ko din iyon kaya inaayawan ko din sila at isa pa i don't want theo punching someone's face again.
" She won't. May lakad kami " tiningnan ko si Theo na ngayon ay masamang tinitingnan si Ricco. He towered over ricco. I sighed. He's being jealous again ! Nagsukatan silang dalawa ng tingin ng magsalita ako.
"Ricco gusto mo ako na lang isama mo?" tanong ni Kylie sa kanya. Mabuti na lang at madaldal si kylie at isa pa alam kong may gusto din siya kay Ricco. Naramdaman ko si Theo sa aking tabi and my friends are now looking at us. Si shamara at trixie ay kinikilig habang si kourtney naman ay nagpatuloy sa binabasa niyang 'The longest ride' . Tiningnan ko si theo, He's too close to the point na naaamoy ko na ang pabango niya.
"Did you eat already?" mahinang tanong nito. Tumango ako sa kanya. I can't stand looking at his eyes for long. Pakiramdam ko ay matutunaw ako pagginawa ko iyon.
" Agatha pupunta pa pala kami sa library. Kita na lang tayo sa room " paalam nila Trixie at iniwan kaming dalawa sa field.
" May pupuntahan kayo mamaya ng mga kaibigan mo?" tanong niya sa akin. Ang kamay niya ay nasa likod ng upuan ko. Paunti na ng paunti ang mga tao sa field dahil class hours na. Kami ay mamaya pang 5:00. He knows my schedule already maging kanya ay alam ko din.
"Wala naman bakit?" tanong ko sa kanya. Lumakas ang ihip ng hangin kaya nilipad ang ilang hibla ng buhok ko. Marahan niya iyong binalik sa likod ng tenga ko at ngumiti sa akin.
"I want to ask you out. There's something i want to show you" nakangiti nitong wika. I can't help but smile too.
"Wala ka bang lakad? bar hopping with your firends?practice?" tanong ko sa kanya. Napapansin ko kasi na hindi na siya nakakagimmik which is lagi niyang ginagawa noon. Ngumiti siya sa akin at umiling. Im glad na hindi na siya nagbabar pero ang alam ko ay nagtatampo na ang mga kaibigan niya sa kanya.
" Next week pa ang practice namin sabi ni coach and besides you told me to avoid drinking alcohols right?" nakangisi niyang wika sa akin. It's true sinabihan ko siya na iwasan or bawasan ang pag-inom ng mga alcoholic drinks at nagulat ako ng sinunod niya ako pero ayaw ko naman na mag-away sila ng mga kaibigan niya ng dahil sa akin. Tumango ako sa kanya at tumingin sa malawak na field ng school namin.