Pagtapak niya pa lang sa entrance ng Elixir ay naramdaman niya na agad ang presensya ng mga di pangkaraniwang nilalang. Sa mata ng mga normal na tao ay isang sikat na bar lamang ang Elixir pero ang di nila alam ay itinayo ito para sa mga nilalang na katulad niya, isang makapangyarihang imortal.
Pero, sa lahat ng mga imortal ay natatangi siya dahil siya lamang ang walang sinusunod na batas dahil siya ang BATAS. Walang sinumang, nakakakilala sa kanya sa personal pero ang pangalan nya ang pabulong na laging pinag-uusapan ng mga imortal sa takot na baka bigla siyang susulpot pag napalakas ang pagkakasabi nila sa pangalang MARCUS STEFONE, ang diyos ng mga imortal.
Alam nyang kinatatakutan siya kaya ang ibang mga hangal na imortal ay di tumitigil sa paghahanap ng kanyang kahinaan. Pero sa kasamaang palad ay heto siya at buhay na buhay pa rin dahil kahit siya mismo ay di alam kung paano tapusin ang buhay niyang walang hanggan.
Hindi madali mabuhay nang sobrang tagal, saksi siya sa digmaan ng lahat ng mga nilalang sa mundo maging ang digmaan ng mga anghel at demonyo. Maging ang pinuno ng mga demonyo ay minsan na niyang nakadaupang palad.
May kasunduan sila na 'di sya nito pakikialaman at hindi rin niya susubukang agawin ang kaharian nito. Maging ang mga nasa itaas namumuno ay di makikialam sa kanya basta 'di lang niya subukang tumuntong sa langit.
Sa lahat ng mga imortal ay siya ang natatanging 'di kayang tapusin ng kahit na anong mahika o kapangyarihan.
Di pa isinilang ang taong kayang sugatan kahit ang kanyang kalingkingan. Kung ang mga bampira na isa sa mga imortal ay umiinum ng dugo ng tao at ang mga witch ay kumukuha ng lakas mula sa mga nilalang na nakapaligid sa kanila at iyong ibang imortal ay kumakain ng laman ng kapwa nilalang para magkaroon ng buhay na walang hanggan, siya naman si Marcus Stefone ay 'di na kailangan ang sinuman o anupaman para maging malakas at makapangyarihan.
Parang dessert lang sa buhay niya ang pag-inom ng dugo ng kapwa niya imortal upang masalin sa kanya kahit anumang kapangyarihan mayroon ang kanyang biktima.
Ngayon, nababagot siya kaya tumuntong siya rito sa Elixir. Kaya niyang itago ang tunay na katauhan sa kahit na sa sinong makapangyarihan kaya ang akala ng lahat ng mga nandito ay isa lang siya sa mga taong naghahanap ng kasayahan sa ganitong lugar.
They don't know whats coming for them, he's here and they must be prepared. He's bored and he wanted to play.
BINABASA MO ANG
HIS DOWNFALL
ParanormalHe's a legend among his kind. Lahat ay natatakot kahit sa pangalan nya pa lang. Maraming nakakaalam sa kaya niyang gawin pero wala pang nabuhay upang ikwento ang buong lihim ng kanyang pagkatao. Pero ayon sa propesiya, isisilang ang natatanging nila...