chapter 2

3K 37 1
                                    

Napapikit si Marcus ng sumalubong sa kanya ang ibat-ibang amoy ng mga nasa loob at lahat ng tunog maging tibok ng puso ng isang maliit na kuting na nasa sulok.

Matagaltagal na rin mula nang makasalamuha niya ang mga tao at ibang mga katulad niya dahil mas pinili nyang humimlay sa ilalim ng yelo sa north pole upang malayo sa kahit na anong ingay tulad nang ganito.

Matagaltagl na rin mula nang tumapak siya sa ganitong lugar.

Mula pa noon pare-pareho lang ang eksena sa ganitong mga lugar, inuman, sayawan. Lahat ay nagkasayahan at di nila alam na may mga panganib sa bawat sulok at nag-aabang lang ng tamang oras para lumantad.

Sa pinakagitna ng dancefloor ay dalawang bampira ang nakikisayaw kasama ang mga mortal.

Isang witch naman ang nakatoka sa bar at nagmi-mix ng mga in-order na inumin ng lahat ng mga naroon... at syempre pa, iba-iba ang mga nilalang na naroon kaya iba-iba rin ang mga inuming inihanda.

Sa likurang bahagi ng sound system na tinatayuan ng bampirang dj ay dalawang patay na tao na ang nilalapa ng mga alagang halimaw ng isa sa mga demonyong napadpad sa lugar na iyon. Sa stockroom naman ng bar ay ilang mga tao rin ang walang malay ay nakahain para sa espesyal na panauhin ngayong gabing ito, ang taong inabangan ni Marcus si Loedia.

Isang makapangyarihang manghuhula si Loedia na halos kasabayan ni Marcus sa paggala sa mundo.

Dahil sa katandaan ay kakailanganin na ni Loedia ang kaluluwa ng mga birheng babae upang mabuhay at mapanatili ang angking kabataan. Makapangyarihan nga siya pero di sya isinilang na katulad ni Marcus na walang kamatayan kaya kailangan nya ng kaluluwa upang humaba ang buhay.

Bakit ba ang daming naghahangad ng buhay na walang hanggan? Mga hangal ang mga nag-akalang masaya mabuhay nang matagal. Minsan na ding hinangad ni Marcus ang mamatay.

Pero ang kamatayan ay di ang katapusan ng mga nilalang. Katapusan lang ito ng kanilang kalayaang gawin ang mga bagay na gusto nila pero pagkatapos na lahat ay huhusgahan sila batay sa nagawa nila sa mundo noong nabubuhay pa sila. Kung nabubuhay ka sa kabutihan ay mapupunta ka sa lugar kung saan ay puro kasayahan lang ang naroon. Malilimot mo lahat ng mga alaalang nagdulot sayo ng kahit na katiting na pighati at makakasama mo roon ang mga taong laman ng iyong puso habang maninirahan kayo sa lugar na pwede niyong makamit lahat ng bagay na hinangad ng inyong mga puso.

Kung ikaw naman ay di gaanong mabuti at di rin naman gano'n kasama ay mapupunta ka sa lugar kung saan ay habambuhay na mababaliktanaw mo ang mga pangyayaring nagdulot sayo ng labis na lumbay, doon ay puro kalungkutan at sakit sa damdamin lang ang maramdaman mo hanggang sa tuluyan kainin ng lungkot ang buo mong pagkatao.

Kung nabubuhay kang masama ay roon ka itatapon sa lugar kung saan ay habambuhay kang maging alipin ng hari ng mga demonyo. Doon ay walang katapusang sakit at paghihirap ang iyong maranasan. Kahit gustuhin mong mamatay upang takasan ang sakit ay di iyon mangyayari. Tutupukin ng init ng apoy ang buo mong kaluluwa at ang tangi mong magagawa ay ang sumigaw nang sumigaw sa sakit at walang sinumang didinig ng mga sigaw mo.

Pero ang mga imortal ay iba pag sila mamatay dahil wala silang mga kaluluwa na pwedeng husgahan kung mabuti ba sila o masama. Tuluyan lang silang maglalaho nang walang iniwang bakas. Kahit si Marcus na tinaguriang diyos ng mga imortal ay di alam kung ano ang kasunod ng kamatayan.

Matagal na siyang nawalan ng interes sa paghahanap ng bagay na pwedeng tumapos sa buhay niya pero ngayon ay muling nabuhay ang kanyang curiosity.

May kinakalat kasi na propesiya si Loedia at iyon ang gustong malaman ni Marcus. Gaano katotoo na isisilang na ang magpapabagsak sa kanya? Baliw man ang matandang iyon pero kahit minsan ay di pa sumablay ang kahit na anong pangitain ng babaeng iyon kaya kailangan siyang makausap ni Marcus.

Napapikit si Marcus nang maramdaman niyang papasok na sa bar ang presensiya ni Loedia.... sa loob nang halos isang libong taon ay gano'n pa rin ang amoy ng babaeng iyon, nakakasakit sa ilong na halimuyak ng sari-saring bulaklak pero ngayon ay may kaakibat na itong amoy ng papalagas na dahon....

Loedia, Loedia, Loedia.... nahulaan mo nga ang pagsilang ng taong magpapabagsak sakin pero di mo nahulaan ang nalalapit mong kamatayan.

Isang nakakaagaw atensiyon sa gandang babae ang papasok sa bar, lahat ng mga mortal ay napapatingin sa kanya pero iyong mga imortal ay napapaatras at nagbigay daan.
Ang mga nakakakilala sa babae ay nakaramdam ng takot at pagkabalisa habang ang di nakakilala ay napapaatras sa lakas ng presensya nito. Gano'n si Loedia, pinangangalandakan nito ang taglay na kapangyarian sa kahit sinong kaharap, isang kahangalan!

Walang lingon -likod itong dumiretso sa silid na kinaroroonan ng mga alay kasunod ang mga alagad nitong mga imortal, tatlong hybrid.

Napailing si Marcus... di na masamang gawing alagad ang isang witch na bampira at dalawang lobong bampira. Nakakamanghang nagawa niyang pagsamahin ang mga nilalang na iyon nang hindi nagpapatayan

Pasimpleng sumunod si Marcus sa mga ito pero agad di siyang napahinto ng biglang mag-iba ang hangin sa paligid.

Lahat ng mga normal na tao ay parang mga laruang manikang sabay sabay na nagsibagsakan.

Lahat ng mga naiwang nakatayo ay may mga di pangkaraniwang kakayahan. Halos sobra sa kalahati ng mga naroon ay mga imortal.

"Mga kapatid...salamat sa inyong pagdalo." Isang bampira ang nagsalita sa entablado na sentro ng atensiyon ng lahat.

" Helios..." naiiling na anas ni Marcus. Paano ba niya makakalimutan ang tumatayong pinuno ng mga bampira na wala na yatang ibang misyon sa mundo kundi ang hanapan siya ng kahinaan.

Pasalamat lang talaga ang nilalang na ito dahil natutuwa siya sa sigasig at determinasyon nitong mawala siya sa mundo. Magiging boring kasi ang walang hanggan niyang buhay kung lahat na lang ng mga nilalang sa paligid ay natatakot sa kanya.

Kailangan niya ang isang kagaya ni Helios upang kahit naman papano ay may kokontra sa kanya kahit dehado ito.

"Panahon na upang mawala ang takot ninyo sa isang Marcus Stefone!" matatag nitong pahayag.

Ibat-ibang reaksyon ang ibinigay ng mga naroon.

" Buong buhay namin ay iniwasan naming banggitin maging ang pangalang iyan upang kahit papano ay malimot namin ang sinisimbolo niya kaya sabihin mo samin kung mangyayari iyang kahangalang sinasabi mo?" matapang na. tanong ng isang shifter.

Malakas ang loob nitong tanungin si Helios dahil isang babaeng demon ang aninong katabi nito. Mas lalong nag-ingay ang paligid.

" Isinilang na ang nilalang na magpabagsak sa kanya," malakas na sabi ng boses na umagaw sa atensiyon ng mga nagkagulong madla.

"Lady Loedia...." halos paanas na sabi ng iba.

" Kailan pa ako nagkamali ng hula? Kailan pa ako binigo ng aking mga pangitain? Halos lahat ng mga trahedya at kamatayan ng mga makakapangyarihang nilalang ay nakikita ko bago pa mangyari! Sabihin niyo sa'kin kung kailan pa namali ang aking mga pangitain?" parang nanghahamon nitong tanong.

"Sinungaling...bumaba ka nga riyan. Bar ito hindi peryahan para manghula ka!" malakas na reklamo ng isang babaeng nakayuko sa mesa malapit sa kinatatayuang entablado ni Loedia.

Lahat ay di agad nakakilos, parang itinulos sa kinatatayuan ang lahat nang umangat ang ulo ng babae at napagtanto nilang isa itong mortal na tao!

"Lapastangan!!" bulyaw ng isa sa mga alagad ni Loedia.




HIS DOWNFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon