Nang muli akong magising ay nakakulong parin ako sa mga bisig ni Marcus. Napangiti ako at ninamnam ang sarap ng pakiramdam.
Sana ganito palagi tuwing gigising ako. Teka, magtatatlong araw na akong di nakauwi sa amin simula nung nagbar ako kasama iyong mga barkada ko baka pinablotter na ako ng nanay as a missing person.
Dahil din sa mga nangyari ay nawala sa isip ko kung nakauwi ba ang mga kaibigang kasama ko o hinanap ba nila ako.
Maingat akong umikot sa mga bisig ni Marcus upang mapaharap ako sa kanya.
Napakunot noo ako nang wala na akong maramdamang sakit sa katawan ko. Paano nangyari iyon?
Parang kahapon lang ay kahit sa konting pagkilos ay sumasakit ang buong katawan ko pero ngayon, ang gaan-gaan at wala na akong sakit na naramdaman.
Ganun ba kagaling iyong mga doktor at sobrang epektibo ng gamot na binigay nila?
Nang pagmasdan ko ang mukha ni Marcus ay di ko mapigilang bumuntong hininga. Ang gwapo niya talaga, ang swerte ko naman yata masyado.
Nalaman ko kahapon na siya ang may-ari nitong kinaroroonan namin kaya sigurado akong super yaman siya. Kaya pala parang magkukumahog iyong mga staffs na nag-aasikaso samin dahil boss pala ang kasama ko.
Nakakapagtataka lang ay kung bakit sumasideline siya bilang magician? Nababagot ba siya kakabilang ng pera niya kaya ganun? O baka naman passion niya ang pagmamagic.
Ang kinis talaga ng lalaking ito, parang kahit minsan ay di tinubuan ng pimples. Ang haba ng pilik mata niya, parang sa manika. Iyong ilong niya, ang perfect!
Teka, humihinga ba siya? Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko upang damhin kong may lumalabas bang hininga sa ilong niya. Ramdam ko kasi na hindi rin gumagalaw ang matipuno niyang dibdib na nakadikit sakin na senyales na hindi nga siya humihinga.
Baka, sobra din siyang napagod sa ginawa namin at habang natutulog kami ay inatake siya sa puso kaya heto, di siya na siya humihinga.
"What are you doing?", biglang tanong nito na nagpahinto sa kamay ko sa ere. Parang nabunutan ako ng tinik.
" Buhay ka.", mangha kong bulalas.
"Of course, buhay na buhay.", pilyo nitong sabi at mas inilapit ako sa kanya.
Pinandilatan ko siya nang maramdaman ko ang matigas at tumitibok niyang alaga.
Buhay nga siyang tunay, di man gumagalaw ang dibdib niya sa paghinga, ibang bahagi naman niya ang tumitibok.
" Ilang taon ka bang tigang at ganito ka kahayok?", taas-kilay kong tanong di pansin ang mga kamay niyang nasa loob na ng damit ko at naglalakbay sa likod ko.
"More than 100 years...", seryoso nitong saad at pinadaanan ng dila ang gilid ng leeg ko.
Piste! Nadadarang ako!
" Oy lalaki! Baka nakalimutan mong sinagad mo ako kahapon!", pinatatag ko ang boses ko para di mahalatang parang gustong tumirik ng mata ko sa sarap ng pagmasahi ng mga kamay niya sa katawan ko.
"Damn! Pinagaling na kita ah. Masakit parin ba?", kunot-noo nitong tanong at walang babalang dinama ng kamay niya ang namamasa kong pagkababae.
Magtatanong pa sana ako kung anong ibig niyang sabihin pero napaungol na ako dahil sheet lang, ang sarap!
Heto na naman po kami, mapapasubo na naman ako sa labanan.
Matapos inataki ng ilang ulit ng general ni Marcus ang kampo ko ay pagod na pagod ako pero di tulad ng dati ay di ako hinimatay at nanamnam kong mabuti ang sobra-sobrang sarap na ibinigay niya.
BINABASA MO ANG
HIS DOWNFALL
ParanormalHe's a legend among his kind. Lahat ay natatakot kahit sa pangalan nya pa lang. Maraming nakakaalam sa kaya niyang gawin pero wala pang nabuhay upang ikwento ang buong lihim ng kanyang pagkatao. Pero ayon sa propesiya, isisilang ang natatanging nila...