Halos mahulog ako sa hagdan sa kakamadaling makarating sa kusina. Halos mawalan ako ng lakas ng makita ko ang mga katawang nagkalat sa sahig.
Lahat ng mga iyon ay nakahubad. Iyong iba ay may mga mukhang hayop na may katawang tao.
Sa nakikita ko ay halatang wala ng buhay ang mga ito habang nakaanggulo sa maling dereksiyon ang mga ulo nila na halatang bali iyong mga leeg.
Iyong iba ay iyong mga katawan mismo ang halatang bali o di kaya ay durog iyong mga buto.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Nanay. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakatago ito sa gilid ni Marcus habang nasa harap nila ang tatlong malalaking lobo.
Napasinghap ako kaya nabaling sakin ang mga mapupula at nanlilisik na mata ng mga lobo habang nakalabas ang mga malalaki nilang ngipin at tumutulo ang mga laway mula sa bibig nila.
"Leah! Umalis ka diyan sa pintuan gaga ka! Kita mo nang may nakatakas na mga ulol na aso mula sa zoo eh balak mo pang magpapicture!", malakas na sigaw ng Nanay ko. Kung di dahil sa takot sa mukha niya ay iisipin kong nagbibiro siya.
Gusto kong tumakbo at sundin ang sinabi ni Nanay pero parang pinako iyong mga paa ko sa sahig. Nanginginig iyong mga tuhod ko at parang nahihirapan akong huminga dahil sa takot.
Napapikit nalang ako nang sabay-sabay na umatungal ang mga lobo at parang slow motion na sabay-sabay dumamba sakin.
Mamamatay na ako! Halos mabingi ako sa sigaw ng isipan ko at inihanda ko na ang sarili ko sa paparating na sakit pero ilang minuto na ay wala paring tumama sakin kaya dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko.
Parang mayroong invisible shield na humaharang sakin mula sa pag-atake ng mga lobo.
Nang tingnan ko si Nanay ay nakahandusay na ito sa sahig. Mukhang hinimatay ito nang makita ang pagsugod sakin ng mga naglalakihang lobo na halos lagpas sakin ang taas.
" Kantihin niyo na lahat, huwag lang ang babaeng iyan.", mahina pero madiing usal ni Marcus at iglap lang ay lumutang sa ere ang tatlong lobo habang namimilipit sa sakit.
Parang may invisible force na sumasakal sa mga ito kaya dinig na dinig ang pagkabali-bali ng mga buto sa katawan ng mga ito kasabay ang nahihirapang ungol ng mga ito.
Yumanig ang kinatatayuan ko ng sabay-sabay na bumagsak ang mga walang buhay na katawan ng tatlo na unti-unting humulma ang katawan ng tao mula sa balahibuin nilang katawan.
Nanginginig ang katawan ko sa takot sa mga nangyayari. Para akong nasa eksena ng isa sa mga pelikulang hilig kong panoorin.
Napakurap ako nang maramdaman ko ang mainit na yakap sakin ni Marcus.
"I'm sorry baby, nalingat ako sandali.", masuyo nitong sabi at marahan akong hinalikan sa noo.
" Anong nangyayari?", nanginginig ang boses kong tanong.
"Mukhang , may nakakaalam na sa halaga mo sa buhay ko."
Napakurap-kurap akong napatitig sa madilim niyang mukha. Nahaluan ng pula ang malaginto niyang mata.
"Nadidistract ako sa mata mo.", wala sa loob kong anas.
Napakunot ang noo nitong napatitig sakin. Parang nagtatanong kung anong ibig kong sabihin.
"Iyong mga mata mo...ibalik mo sa dati! Wag mong pagsamahin ang dalawang kulay, nakakadistract!", nagpapadyak kong reklamo.
Iglap lang kumislap ang malaginto niyang mga mata na sinabayan niya ng malutong na halakhak. Parang aliw na aliw sakin ang loko. Akala niya siguro, nakalimutan ko na ang mga bangkay na nagkalat sa kusina namin at ang Nanay kong hinimatay sa isang tabi.
BINABASA MO ANG
HIS DOWNFALL
ParanormalHe's a legend among his kind. Lahat ay natatakot kahit sa pangalan nya pa lang. Maraming nakakaalam sa kaya niyang gawin pero wala pang nabuhay upang ikwento ang buong lihim ng kanyang pagkatao. Pero ayon sa propesiya, isisilang ang natatanging nila...