chapter 4

2.7K 55 4
                                    

Halos magkagulo ang buong MS Corp. nang madetect ng high-tech nilang machine na may nag-activate ng diamond card na tanging ang misteryosong may-ari lang ng kompanya ang may hawak.

"Diamond card activation detected!"

"Located user's location!"

"MS Heavens Getaway!"

"Everbody, secured the MS Heavens Getaway! Siguraduhing well accomodated and diamond card user!",

" Contact all board members of MS Corp. , the MS is in town!"

Halos di magkandaugaga sa kakakilos ang lahat ng mga namamahala ng MS Corp.
Sa halos ilang taon ay ngayon lang muli nagparamdam ang tinatawag nilang MS na siyang may-ari ng kompanya.

Ang mga di ordinaryong tao naman na nagtatrabaho sa MS Corp. ay ang siyang unang nakaramdam sa pagdating ng tinuturing na hari nila kaya kasalukuyan silang nasa MS Heavens Getaway ngayon, isang first class resort na ilan lang sa mga pagmamay-ari ng kompanya.

Habang abala ang lahat sa pagsisigurado sa kaligtasan at pagiging komportable ng stay ni Marcus sa pagmamay-ari niyang resort ay nahihirapan naman siya sa pag-aalaga sa kasamang lasing na babae.

"Alam mo, hik, ang sarap talaga, hik, ilibing ng buhay hik iyong hik walang hiya kong hik boyfriend!" kanina pa paulit-ulit na kwento ng babae habang tinapik tapik pa ang mukha ni Marcus na di man lang kakitaan ng emosyon.



MARCUS POV

Mula ng magising kanina itong babaeng kasama ko ay panay ang kwento niya tungkol sa hinanakit niya sa diumano manlolokong boyfriend.

Hinubad na din nito ang pinasuot kong coat dito kaya ngayon ang kawawang coat ay nasa sahig na habang iyong babae ay pinipilt kong inayos ang pagkakahiga.

Masyado itong magulo.,

" Pishteh iyong hik, lalaking hik iyon! Pinagpalit ako sa babaeng malaki iyong hik, boobs!! Sharap niyang sampalin ng boobs hik!"

"Matulog ka na. Lasing ka," marahan kong sabi sa kanya habang inaayos ang pagkakahiga niya sa kama.

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa penthouse ko dito sa Heavens Getaway resort na pamamay-ari ng MS Corp. na isa sa mga kompanya ko.

" Sinong lashing?? Hindi pa 'ko lashing,..nakikilala pa kita, kuya magician , kaya wag kang ano!!"

Napahinga na lang ako nang malalim nang malakas niya akong hinila paupo sa tabi niya.

"Oy, ano pala pangalan mo, kuya?? Ako pala si Leah...nagmahal, nasaktan, uminom kaya heto, gusto ng gumanti sa lalaking iyon! Busheet!"

"Ok, Leah...matulog ka na."

"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo? Gusto mo ikissh kita?",

Napapikit na lang ako ng ngumuso ito bigla at pilit iyong inilapit sa mukha ko.

Di ko lubos maisip kung bakit nagtitiis ako sa babaeng ito.

Nagulat pa ako ng bigla niya akong pinalo ng malakas.

" Bakit ba ayaw mo ikissh kita??
Ayaw mo, hik rin ba sa'kin hik kasi di malaki ang boobs ko?"

Pambihira aman oh!! Kung iyong mga makapangyarihang nilalang ay nanginginig sa takot sa presensiya ko pero itong ordinaryong tao ay binasta-basta lang ako. Galing!

Napaiwas ako ng tingin sa babae nang makita kong hinubad nito ang suot na damit.

Ano bang problema ng mortal na ito? Ba't siya naghuhubad sa harap ko!

HIS DOWNFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon