"At, ito pa ang malupit. Isa ang ate ni Ella sa mga namissing ng gabing iyon.", ani Angie.
" Teka, ibig mong sabihin may mga nawawala nung gabing iyon?", gulat kong tanong.
"Twenty persons ang reported na nawawala. Kahit galit ako doon sa mahaderang kapatid ni Ella ay nag-alala parin ako sa maaaring mangyari sa kanya.", sagot ni Jane.
Nanghihina akong napasandig sa matipunong dibdib ni Marcus. Nakakapanlumo pala kung anong nangyari.
Sino kaya ang may gawa nun? Bigla akong pinanlamigan nang maalala iyong mga sumugod sa bahay namin.
Napatingin ako bigla kay Marcus, di kaya naipit lang sa labanan ng mga may kakaibang kapangyarihan iyong mga biktima?
Naalala ko rin iyong taong naging abo sa harapan ko, ngayong napaisip ako mukhang pinotrektahan ako ni Marcus mula sa taong iyon e kung tao ngang maituturing iyon.
At iyong magandang babae, anong kinalaman niya sa mga nangyari? Siya lang naman iyong malinaw kong naalala na matapang na kausap ni Marcus tungkol sa di umano ay propesiya. Akala ko nga nun ay pakulo lang iyon ng bar.
Malakas na tunog ng school bell ang nagpabalik sa naglakwatsa kong isip.
" Naman oh! Malilate na naman ako sa first subject ko. Una na ako guys! ", nagmamadaling paalam ni Angie.
" See you later Leah. Kita tayo sa canteen mamayang break.", kumakaway naman na sumunod si Jane.
Wala akong pasok ngayon sa first subject ko dahil monday ngayon at every tuesday at wednesday lang pumapasok iyong lecturer ko sa first subject ko kaya okay lang na maggagala ako.
"Marcus, sa tingin mo...okay lang iyong mga nawawala?", nanlulumo kong tanong.
Di ako masyadong close doon sa kapatid ni Ella dahil super arte ng isang iyon at laging inaapi iyong kaibigan ko pero di ko parin maiwasang mag-alala sa maaring nangyari sa kanya.
" Di ordinaryong bar ang Elixer. Nakasanayan nang every midnights ay binigyang laya ang mga nilalang na nagtatago sa dilim upang pawiin ang mga uhaw nila sa mga taong nandoon sa bar. Pero may isang rule doon na di pwedeng baliin ninuman at iyon ay ang pagbabawal na pumatay ng mortal."
"Pero, bakit may mga namatay?"
"Kakaiba ang gabing iyon. Nawalan ng kontrol ang karamihan sa mga naroong nilalang dahil sa presensiya ni Loedia."
"Sinu naman iyon?"
"Isang pinakamatanda at makapangyarihang babaylan na kayang bumasa ng mga maaring mangyari ayon sa posisyon ng mga bituin. Siya ang mata ng kapalaran dito sa mundo ng mga tao."
"Sandali nga lang... Wala akong naalalang Lola na nandoon sa bar nung time na iyon."
"Makapangyarihan si Loedia. Gumagamit siya ng mahika na nagpapanatili ng kanyang kabataan. Siya iyong babaeng sinigawan mo nung lasing na lasing ka."
Sheeeti! Siya iyon? Iyong magandang babaeng masama ang tingin sa akin?
"Mukhang nagalit ko si Loedia ng mga oras na iyon kaya nawalan ng kontrol ang kapangyarihan niya kaya nadamay iyong mga tao sa paligid. Pati mga mahihinang nilalang sa kadiliman ay tinamaan ng kanyang kapangyarihan pero imbes na matulad sa mga mortal na tao na mamatay ay kakaiba ang epekto niyon sa kanila. Nawala sila sa kanilang mga sarili at ang tanging nakatatak sa utak nila ay ang pawiin lahat ng gutom at uhaw nila sa laman ng tao kaya baliwala sa kanila ang pumatay."
Nangilabot ako sa kwento ni Marcus. Di alam ng mga ordinaryong tao na katulad ko ang presensiya ng mga halimaw na nagtatago sa dilim kaya wala kaming kalaban-laban.
BINABASA MO ANG
HIS DOWNFALL
ParanormalHe's a legend among his kind. Lahat ay natatakot kahit sa pangalan nya pa lang. Maraming nakakaalam sa kaya niyang gawin pero wala pang nabuhay upang ikwento ang buong lihim ng kanyang pagkatao. Pero ayon sa propesiya, isisilang ang natatanging nila...