Napahagulhol ako sa mga bisig ni Marcus. Sumisikip ang dibdib ko tuwing naalala ang nangyari kay Ella mismo sa harapan ko.
"Well, look who's here."
Ramdam ko ang biglang paninigas ni Marcus nang marinig ang boses ng bagong dating.
Nang mag-angat ako ng mukha ay isang lalaki ang nakahalukipkip na nakatayo ilang metro mula sa amin.
"Xenon, sinasabi ko na nga bang may kinalaman ka dito," malamig na anas ni Marcus.
Tumawa lang ang lalaki, siguro kung hindi ko unang nakilaala si Marcus ay masasabi kong ang gwapo nitong kaharap namin ngayon pero para sa mga mata ko yata wala nang mas gugwapo pa kay Marcus.
" Pero ako, di ko inexpect na makikialam ka sa paglalaro ko," kibit-balikat na sabi ng tinatawag na Xenon at napailing-iling lang.
"It's no fun playing with innocent mortals,"madiing pahayag ni Marcus.
" Says who? Oh, tama ba ang narinig ko? Nagkaroon ka bigla ng pakialam sa mga mortal?" Dinig na dinig sa tono ng pananalita nito ang pangungutya saming mga mortal.
Hambog din pala ang isang ito eh! Siya ba ang gumawa ng mga nilalang na iyon? Siya ba ang dahilan ng pagiging gano'n ni Ella?
Ang takot ko sa mga katulad niya ay unti-unting napalitan ng matinding galit at pagkamuhi.
"Go back to hell, Xenon!" madiing utos ni Marcus.
Bahagya lang dumaan sa mukha nito ang pag-aalinlan pero ngumisi lang ito kaya labas ang matutulis nitong pangil.
" Alam mo namang di ako taga-doon. Mas masaya dito sa mundo ng mga tao. Maraming pagkain-" nanlilisik ang mga mata nito habang sumulyap sa amin nina Angie at Jane.
Kisap mata lang hawak-hawak na sa leeg ni Marcus di Xenon na kumawagkawag.
Napayakap sakin sina Angie at muling nag-iyakan. Bago sa amin ang ganitong uri ng karahasan.
"Wala akong ginawa sayo!!! Bitiwan mo ako-" malakas na hiyaw ni Xenon at biglang nagbagong anyo ang mga kamay niya. Nagkaroon ito ng matutulis na mga kuko kung kuko ngang matatawag ang halos ilang pulgadang haba ng mga iyon na may matutulis na dulo.
" Ayaw ko ng mga tingin mo sa kasama ko," nagtagis ang mga ngiping saad ni Marcus.
"Hindi ko siya tiningnan!!", parang natatakot nang tanggi ni Xenon habang pilit na tinatanggal ang pagkakasakal sa kanya ni Marcus.
Sa di maipaliwanag na dahilan ay di tumatalab sa balat ni Marcus ang matutulis na kuko ni Xenon pero iyong leeg ni Xenon na sakal-sakal ng isang kamay ni Marcus ay umuusok na para bang nalagyan ng asido.
Kitang-kita rin ang paghihirap sa mukha ni Xenon. Nawala ang kahambugan nito kanina.
" Sino nga ulit ako Xenon?" panunuya dito ni Marcus.
"I-ikaw si M-Marcus Stefon-" nahihirapan nitong sagot.
" Tama, ako si Marcus Stefon at di ako marunong maawa."
Pagkasabi niyon ay parang manika lang na tinanggalan ng ulo ni Marcus si Xenon.
Napuno ng tili nina Angie at Jane ang bahaging iyon ng hospital habang tulala naman akong nakatingin kay Marcus na walang emosyong pinanood ang pag-aapoy at tuluyang pagkaabo ng lalaking pinugutan niya ng ulo gamit lang ang isang kamay.
Minsan talaga nawawala sa isipan ko ang tunay na katauhan ni Marcus. Naalala ko lang ang pagiging kakaiba sa ganitong mgal pagkakataon na ipinapakita niya ang kaibahan niya sa aming mga normal na tao.
BINABASA MO ANG
HIS DOWNFALL
ParanormalHe's a legend among his kind. Lahat ay natatakot kahit sa pangalan nya pa lang. Maraming nakakaalam sa kaya niyang gawin pero wala pang nabuhay upang ikwento ang buong lihim ng kanyang pagkatao. Pero ayon sa propesiya, isisilang ang natatanging nila...