Matapos akong naharder ni Marcus sa locker room ay matiwasay kong natapos ang buong araw ko kahit para siyang ahas na nakalingkis sakin kahit saan ako magpunta.
Ayaw kong mapagkamalang baliw na nagsasalita mag-isa kaya di ko siya kinakausap.
Kinukurot ko lang siya tuwing naiinis na ako sa kakakulit niya sakin kahit nasa harapan ko sina Jane at Angie.
"Jane, wala bang balita kay Ella kung bakit di siya pumasok?", tanong ko habang papunta kami sa parking area pauwi.
" Nagtext siya sakin. Nasa hospital daw siya.", si Angie ang sumagot.
"Bakit? May nangyari ba sa kanya?", nag-alala kong tanong.
" Actually, papunta kami ni Angie sa hospital ngayon. Sabi kasi ni Ella natagpuan na daw ang ate Shane niya.",sabat ni Jane.
"Gusto mong sumama?", alok ni Angie.
Napatingin ako kay Marcus. Para kasing may kaba akong naramdaman sa biglang pagkatagpo ni ate Shane matapos itong mawala.
" Convoy nalang tayo. May sundo kasi ako."
"Sino? Si Tita?", tukoy ni Jane kay Nanay.
Napakamot ako ng ulo kung paano ko ipakilala sa kanila si Marcus.
Magtataka sila kung bigla ay may ipakilala akong boyfriend. Pero, di ko rin naman alam kung ano kami. Ang alam ko lang ay naghaharderan kami.
Sasagot na sana ako sa tanong ni Jane pero nang tingnan ko siya ay pareho sila ni Angie na nakanganga habang tulalang nakatitig sa likuran ko.
Napasinghap ako nang may yumakap sakin mula sa likod at hinalikan ako sa leeg.
Basi sa kiliting hatid ng yakap niya at mabango niyang amoy ay tiyak kong si Marcus ito.
" I miss you. ", masuyo niyang sabi.
Napairap nalang ako sa drama niya. Kasama ko kaya siya mula pa kanina. Lakas mambola ng kumag.
Mukhang siya din ang dahilan ng pagkatulala ng aking mga magaling na kaibigan.
" Eheem!", kuha ko sa atensiyon ng dalawa.
Sa paraan ng pagkatitig nila kay Marcus ay parang nakakita sila ng artista.
"Leah, sino siya?", namumulang tanong ni Jane.
Anong nangyari sa isang ito?
"Hi, I'm Marcus... boyfriend ako ni Leah."
"Boyfriend?", panabay na sigaw ng dalawa.
Sinasabi ko na nga ba. Mahabang paliwanagan ito mamaya.
" Kailan pa?"
"Paano nangyari iyon?"
"Wala kang sinabi sa amin!"
"Alam ba ito ni Tita?"
Parang mga reporters na sunud-sunud nila akong binomba ng mga tanong.
Gusto ko na tuloy tumakbo at magtago sa dalawang ito.
Natigil lang sila sa katatanong nang kumumpas sa hangin si Marcus.
"Matagal na akong boyfriend ni Leah. Matagal niyo na akong kilala.", nakangiting kausap ni Marcus sa mga ito.
Anong ginagawa niya? Ginagamitan niya ba ng magic ang mga kaibigan ko?
" Oy, Marcus. Ikaw pala ang susundo kay Leah?", nakangiting sabi ni Jane kay Marcus.
Nanlaki ang mga matang napatitig ako dito.
Mukhang umepekto talaga ang abra kadabra ni Marcus.
BINABASA MO ANG
HIS DOWNFALL
ParanormalHe's a legend among his kind. Lahat ay natatakot kahit sa pangalan nya pa lang. Maraming nakakaalam sa kaya niyang gawin pero wala pang nabuhay upang ikwento ang buong lihim ng kanyang pagkatao. Pero ayon sa propesiya, isisilang ang natatanging nila...