chapter 3

2.5K 42 2
                                    

Maging si Marcus ay napahugot ng hininga, paanong di tinablan ng kompulsyon ang babae gayong lahat ng mga katulad niyang tao ay pawang apektado.

Imposibleng sinwerte lang ang babaeng ito dahil gawa ng pinakamatandang bampira ang kompulsiyon at maging ang mga mahihinang imortal ay makaramdam ng panghihina dahil dito.

"Pambihirang bar naman 'to oh!! Daming pakulo! DJ, play the music! Sayang iyong entrance fee ko!" patuloy nitong sigaw habang pilit na tinutungga ang hawak na beer.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita ni Marcus ang malakidlat na paglapit ng isa sa mga alagad na bampirang lobo ni Leodia sa babae.

Gamit ang kapangyarihan niya ay nagawa niyang pahintuin ang bampira isang dangkal ang layo mula sa babae.

Lahat ay nagulat at iyong iba ay kinakain ng pangamba kaakibat ang takot!

Nagkagulo ang mga naroon pero ang babaeng mortal ay balewalang umiinom pa rin at 'di alintana ang muntikan nang sinapit na kapahamakan.

"Sinong pangahas ang may gawa no'n?" dumadagundong ang boses ni Loedia sa buong bar. Naramdaman niya ang lakas na nagpahinto sa kanyang alagad.

Parang mga takot na langgam na nagsipulasan ang mga nilalang na naroon nang isang taong nakasuot ng itim na sutana ang lumantad mula sa kawalan.

Di man nila kilala kung sino ang taong iyon ay ramdam nila ang taglay nitong kapangyarihan na nagdulot ng takot sa bawat kalamnan nila.

Maging si Loedia ay parang itinirik sa kinatatayuan nang mag-angat ng mukha ang taong nakasuot ng itim na sutana.

Nang matitigan niya ang kadilimang taglay ng ginto nitong mga mata ay parang nakalimutan niya kung paano huminga.

"Mar-cus...Ste-fon.." nauutal na anas ni Leodia na halos bombang sumabog sa pandinig ng mga imortal na naroon.

Nandito na siya, ang laman ng pantasya at bangungot ng bawat nilalang na nakarinig sa pangalan niya.

Parang nababagot na tiningnan ni Marcus ang mga nag-uunahan sa pagtakbo palayo na mga kasamahan kanina ni Helios.

Maging ang duwag na si Helios ay kasamang nagpulasan ng mga naroon. Takot na nagsialisan lahat hanggang sila na lang ni Loedia ang naiwan kasama ang lasing na babae na parang baliw na nakatunganga sa mukha niya.

" Kumusta Loedia?"

"Anong ginagawa mo rito?" kahit pilit na nagpakatatag ay umaalingasaw ang pagkatakot ni Loedia sa kaharap.

"May nabalitaan ako tungkol sa isang propesiya. Gaano iyon katoto?" deretso niyang tanong.

"Ipinaparating ko lang sa lahat ang nakikita ko ayon sa nakasulat sa mga bituin." defensive na sagot nito.

"Nasaan na siya?"tukoy ni Marcus sa babaeng  nasa propesiya.

" Iyon ang 'di ko alam."

"Dapat alam mo, malay mo totoo ngang mayroong tatapos sa'kin."

"Masyado ka pa ring mayabang Marcus!"

" At masyado ka ring tanga kung minsan. Ipinalam mo sa lahat ng imortal ang nalalapit kong pagbagsak pero di mo man lang nahulaan kung kelan ka matatapos."

"Anong ibig mong— sabihin?", may kinig sa boses na tanong ni Loedia.

" Naamoy ko... ang pagkatuyo ng iyong bulaklak. Mukhang mauuna ka pa sa'kin."

" Hindi! Hindi totoo iyan!!!" nagwawalang sigaw ni Loedia sabay nagliparan ang mga mesa at mga upuan sa paligid.

" Masyado bang di katanggap-tanggap?"

" Sinungaling ka ,Stefon!! Wala kang kakayahang basahin ang palad ninuman!!"

" Di na kailangan kasi malayo pa lang amoy ko na ang nabubulok mong katawan! Ay, oo nga pala...di ka mabubulok kasi parang bula ka lang maglalaho dito sa ibabaw ng mundo."

" Sinungaling!!"

" Tanggapin mo na kasing walang panghabambuhay kundi ako lang! Ako lang ang tanging nilalang na habambuhay panonoorin ang paglipas ng lahat ng mga bagay at kasama ka na roon. Lilipas ka rin at matutuyo katulad ng mga talulot ng mga bulaklak!"

Malakas na sigaw lang ang isinukli ni Loedia kasabay nang paglaho nito.

Siguro ay maghahanap na naman ito ng mahika na pwedeng gamitin upang masiguro ang walang katapusan nitong buhay.

" Ano ba yan, ang ingay huh!", pasaring ng babaeng nakatitig pa rin sa mukha ni Marcus.

Tumitig din si Marcus sa mukha ng babae. Ordinaryo lang ang hitsura nito pero may kung anong pumintig sa dibdib niya nang magtama ang mga mata nila.

"Alam mo, ang gwapo mo. Mas gwapo ka pa roon sa boyfriend kong manloloko...ooops ex na pala kasi break na kami," deretso nitong sabi pero pupungay pungay na ang mga mata.

Mataman lang siyang nakatitig sa mukha nito. Wala siyang masabi dahil matagal siyang di nakasalamuha sa mga tao kaya di niya alam ang pinagsasabi nito. Nang pagmasdan niya ang damit na suot nito ay napataas ang kilay niya.

Anong klaseng kasuotan ang suot nito at kinulang yata sa tela. Kita ang pusod nito at halos lumuwa rin ang dibdib nito. Matagal na ba siyang nawala sa mundo at ngayon lang niya nalamang naghirap na sa tela ang mundo? Pati ang suot nitong palda ay halos kita na ang singit nito sa ikli, pero bumagay pa rin ito sa babae.

Pero habang tumatagal ang nag-iinit ang ulo niya tuwing maiisip na sa tuwing hahakbang ang babaeng ito ay makikitaan ito kaya parang gusto niya itong balutin ng kumot.

" Ganda ko noh?", kumindat pa ito sa kanya sabay ngiti.

"Tsss", inis niyang anas sabay hubad ng suot na hoody jacket at sinuot dito.

" Pwede na, pwede ka nang pumalit sa bwesit kong EX!" nakangisi nitong sabi sabay palupaypay na sumubsob sa kanya at base sa paghinga nito ay tulog na tulog na ito.

Napapailing na lang siya at pabalewalang binuhat ang babae. Di niya alam kong saan iuuwi ito kaya sa bahay na lang niya ito dalhin.

Oo... may bahay siya rito sa Pilipinas at maging sa buong mundo. Di lang basta bahay kundi mansion ang meron siya. Pagmamay-ari rin niya ang number one shipping lines sa buong mundo.

Habang natutulog siya sa ilalim ng yelo ay pinapatakbo ng mga pinagkakatiwalaan niyang tao ang mga negosyo niya rito sa lupa.

Halos pagmamay-ari rin niya ang lahat ng nangungunang industrial company, meron ding mga resorts hotel at maging airlines.

Kung mabubuhay ka nang sobrang tagal ay mababagot ka kung wala kang pagkakaabalahan kaya pinasok niya lahat ng negosyo at maging underground business ay meron siya.

Matagal din siyang nawala, oras na siguro upang bisitahin ang mga pagmamay-ari niya pero sa ngayon ay uunahin niya muna itong babaeng nasa kanyang mga bisig.

HIS DOWNFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon