Anghel sa Lupa 1

2.2K 65 5
                                    

Waaaaah! Iba takbo ng isip ko! Naloloko na yata ako.

Luke Samuel Araracap PoV

Haayy salamat nabili ko narin ang mga kailangan kong gamit para sa school. First day of school na nextweek. Buti nalang din ay tapos na ako mag-enroll. Ilang taon nalang ay malalampasan ko narin ang paghihirap sa mga sinumpang prof na walang modo kung magparecite at magpa-exam. Akala yata nila ay madali ang mga pinagagawa nila sa mga katulad kong estudyante.

Bago ko ipagpatuloy ang pagkukwento ko sa buhay ko magpapakilala muna ako.

Ako nga pala si Luke Samuel Araracap, 17years old, 2nd year college. Kasarian? Hayy masasabi kong kabilang ako sa third sex. Wala naman masama dun diba? Marami lang talagang nilalang na sarado ang isipan kapag ang napag-uusapan ay ganoong issue. Estado ng buhay? Simple lang. Kumbaga, kumakain ng normal. Hahaha! Dejokelang. Nasa average level ang buhay namin. May isa akong kapatid na lalaki na mas matanda sakin. 4thyear college na siya at dahil sa swerte ako magkaiba kami ng eskwelahang pinapasukan.

Dahil napagod ako magpaikot-ikot dito sa mall ay napagpasyahan kong kumain na muna sa kimbob. Oo! Masarap yun! Korean foods. Hindi totoo yung sinasabi ng iba na wala daw lasa yung pagkain - try nyo. Promise masarap!

Habang kumakain ako ay inilabas ko ang binili kong libro sa national bookstore. Wala lang napagtripan ko lang bilin. Libro ng kulam hahaha! Natatawa nga ako sa mga nakasulat dun eh. May mga gayuma. Totoo kaya yun? Subukan ko kaya mamayang gabi para magustuhan ako nung crush ko. Ayieeeee! Hahaha!

Matapos kong kumain ay napagpasyahan ko ng umuwe. Sigurado kasing trapik nanaman kaya alam kong aabutin nanaman ako ng siyam siyam sa pag-uwe ko.

Wake me up!
Wake me up inside! Wake me up inside!

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at sinagot ko ang tawag.

"Nasan ka?" Sabi ng napakagwapo kong kapatid.
"Pauwe na kuya. Trapik eh"
"Gusto mo sunduin kita? Gabi na baka mapano ka"
"Okay lang ako kuya. Sabay nalang tayo kumain pagdating ko diyan sa bahay."

Ganyan talaga kami ka-sweet magkapatid. Kami lang kasi halos ang magkasama sa bahay kasi nagtatrabaho sa ibang bansa si mama.

"Booooooooom!"

"Ahhhhhhhhhh!" Sigaw ko at napatalon talaga ako sa gulat. Bigla kasing may nag-spark at parang may tumama na kung ano sa lupa.

"Sam! Sam!" Sigaw ng kuya ko sa phone.
"Sam ano yun? Okay ka lang Samuel!?" Dugtong ng kuya ko na halatang halata ang pag-aalala.
"Okay lang ako kuya. Maya na tayo usap. Pauwe na ako. Babye" mabilis kong in-end call yung tawag. Hindi kasi ako makaget-over sa nangyari. Ako lang kasi mag-isa ang naglalakad ngayon sa isang madilim na lugar. Mas pinili ko kasi yung short cut papuntang sakayan pauwe.

Nangangatog parin ang tuhod ko dahil sa sobrang gulat. Malay ko ba kung isa palang ufo o halimaw yun. Kaiba na talaga mundo ngayon.

Kahit natatakot ako at hindi ko napigilang tingnan kung ano ba yung bagay na iyon. Sana pera! Hahaha! O kaya bato ni darna para maging superhero ako. Ako si Darnie! Ding ang batoooooo! Darnie!

Mabilis akong napatakbo palapit dun sa pinaggalingan ng dagundong nung masilayan kong may isang lalaki na nakahandusay, walang malay at nakabalot ang kanyang katawan ng isang napakaputing tela.

"Kuya...kuya..." Tawag ko sa kanya habang inuuga ko ang kanyang katawan.
"Kuya.." Sa huli kong pagtawag ay nagmulat siya ng mata.

"Sino ka? Nasaan ako? Anong lugar ito?" Sunod sunod niyang tanong sakin.

Infairness ah! Gwapo siya!

"Teka lang kuya. Pwede bang ako muna ang magtanong sayo?" Diretso kong sabi sa kanya. Tumango naman siya senyales na pumapayag siya at handa niyang sagutin ang tanong ko.

"Bakit nakahandusay ka dito? San ka ba galing?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"May nilabag kasi akong utos at ang parusa ay kailangan kong mamuhay muna at gumawa ng mabuti dito sa lupa. Hindi ko nga inaasahan na bigla nalang akong ibabagsak dito sa lupa" mahaba niyang sagot.

Ha? Nag-aadik na itong taong ito? Ano pinagsasasabi neto? Nagkamali yata ako ng taong tinulungan ah!

"Anong sinasabe mo? Nakadrugs ka no! Nagsa-shabu ka no!?" Mariing pagkakasabi ko sa kanya.

Kahit siya ay nagulat sa mga lumabas sa bibig niya dahil napansin kong napatakip siya sa kanyang bibig.

"Dejokelang. May stageplay kasi kami tapos nagkayakagan mag-inom, kaya eto sa sobrang kalasingan eto nangyari sakin." Sabi nanaman niya.

Hindi ko alam pero kahit ayaw kong maniwala ay parang kailangan kong maniwala dahil iyon ang sinasabi ng utak ko.

Tumayo ako saglit para abutin yung bag ko na pinatong ko sa medyo mataas na bato. Hinanap ko dun yung damit ko at panyo. Kahit naman papaano ay may kunsensya ako at gusto kong makatulong sa ibang tao kaya papahiramin ko siya ng gamit.

"Oh eto gami-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung wala na akong nakitang lalaki na nakahandusay sa harapan ko. Iginala ko ang mata ko pero wala parin.

Nakaramdam ako ng kaba. Natatakot ako. Pero hindi ako pwedeng magkamali tumalikod lang ako ng ilang segundo tapos pagbalik tingin ko wala na agad siya?

"Waaaaaah! Multoooooooooo!" Sigaw ko at nagtatatakbo na ako.

"Ku...ku..ya su...su..du..in mo.. A....a..ko sa..sa...sa kanto..." Sabi ko sa kuya ko habang nanginginig ako sa pagkakahawak sa cp ko.

"Bakit? Ano nangyari Samuel! Ano nangyari Samuel!" Taranta naring sabi ni kuya. Hindi ko na nagawang sagutin pa iyon dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko at balot parin ako ng kaba ata takot.

Pagkakita ko sa kuya ko ay napayapos agad ako sa kanya. Medyo nawala ang takot na nararamdaman ko nung alam kong kasama ko na ang kapatid ko.

"Ano nangyari Sam?" Mahinang sabi ni kuya.
"May mumu kuya. Natakot talaga ako dun" sagot ko sa kanya at ikinuwento ko sa kanya ang buong nangyari.

Pinagpahinga nalang ako ni Kuya sa kwarto ko at sinabi niyang dadalahan nalang niya ako ng pagkain.

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon