Anghel Sa Lupa 5

1K 79 1
                                    


Samuel PoV

"Okay ka lang ba Sam?" Nag-aalalang tanong sakin ni Kuya.

Paggising ko kasi nakahiga na ako dito sa clinic bed at nakatitig sakin si Kuya. Bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Anong masakit sayo Sam?" Dugtong na tanong pa ni Kuya sakin.

"Okay na ako kuya. Mabuti nalang at natulungan ako nung lalaki kanina" sagot ko.

"Lalaki? Natulungan?" Takang tanong ni Joan.

"May tumulong sayo?" Kunot noong singit naman ni Cyv.

"Walang tumulong sayo Sam. Mabilis kang nakaiwas nung narinig mo ang sigaw nitong mga kaibigan mo, pero pag-iwas mo ay na-out of balance ka kaya medyo napalakas ang lapat mo sa sahig" mahabang paliwanag sakin ni Kuya.

"Hindi kuya. Hindi ako pwedeng magkamali. May lalaking tumulong sakin siya yung nag-iwas sakin para hindi tumama sakin yung dapat na malalaglag mula sa itaas" seryosong kwento ko sa kanya.

"Ganyan talaga minsan. Sa sobrang pagkatakot at pagkabigla ay nakakapag-imagine o hallucinate ang pasyente" sabi narinig kong sabi nung nakasuot ng puti sa kuya ko.

"Its okay. Kailangan niya lang magpahinga." Dugtong nito bago tuluyang lumabas ng pintuan.

"Kuya promise toto-"
"Samuel magpahinga ka na muna." Sabi ni kuya dahilan para maputol ang sinasabi ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero nasisigurado ko na hindi lang imagination yung nangyari.

Pero kung iisipin talaga napaka-imposible na siya ang nagligtas sakin dahil napakalayo niya para makatakbo agad sakin. Sa tantya ko at aabutin pa ng mga labinlimang segundo kung tatakbuhin niya simula sa kinalalagyan niya kung nasaan ako, pero napalingat lang ako sandali ay nasa tabi ko na siya at naiiwas niya ako sa bagay na dapat sanay bumagsak sa katawan ko.

Ahhhh... Sumasakit lalo ang ulo ko sa kaiisip ng nangyari. Hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko.

Tama! Dapat ko siyang kausapin. Dapat itanong ko sa kanya. Gusto kong malaman ang totoo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sigurado ka Samuel na papasok ka na? Okay na ba ang pakiramdam mo?" Magkasunod na tanong sakin ni Kuya habang sabay kaming kumakain ng almusal.

"Okay na ako kuya. Saka maboboring lang ako dito sa bahay kung tutunganga lang ako dito" mahabang sagot ko sa kanya sabay kagat ko sa sandwich na inihanda ni Kuya.

"Okay. Gusto mo sunduin kita mamaya?" -Kuya.

"Kuya naman! Bine-baby pa ako! Wag na nu! Yakang-yaka ko na!" Pagyayabang ko sa kanya.

"Okay okay! Gagabihin nga pala ako ng uwe mamaya. May gagawin kaming project sa bahay nila Jake. Bumili ka nalang mamaya ng dinner" mahabang pagbibilin ni Kuya.

Matapos namin kumain ay sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Kuya.

Ang daya nga eh! Si Kuya may sariling sasakyan na, samantalang ako, wala! Comute lang palagi ang peg ko!

"Osya Kuya pasok na ako! Salamat sa paghatid!" Sabi ko kay Kuya nung aktong bumaba na ako sa tapat ng gate ng school namin.

"Samuel, mag-ingat ka palagi. Tawagan agad ako kapag may problema ha..." -Kuya.

Haayy. Si kuya talaga.

"Okay kuya! Ingat ka kuya. Labyu!"

Matapos yun ay naglakad na ako papasok sa loob ng school namin. Tiningnan ko agad ang digital clock sa may malapit sa gate ng school namin.

Takteeeee! Late na akooooooo!
May sayad pa naman ang prof namin ngayon. Araw araw yatang nireregla yun dahil araw araw nalang nakabulyaw ay hindi marunong ngumiti.

Papasok pa ba ako?

Kinapa ko ang cp ko at mabilis kong ni-dial ang number ni Joan.

"Sam! Pumasok ka! Biliiiis! May quiz tayo" sagot agad ni Joan. Hindi man lang niya ako hinayaan magsalita.

Lalo tuloy akong natetensyon dahil sa sinabi niya.

Tumakbo na ako ng mabilis. Third floor pa man din ang room namin.

Takbo.

Akyat.

Takbo.

Akyat.

Takbo.

Akyat.

Tumigil muna ako sa tapat ng classroom namin at hawak ko pareho ang tuhod ko. Hingal na hingal ako. Jusko naman! Takbuhin ko ba naman ang third floor. Sabog pawis ko.

Kinapa ko ang kabilang bulsa ko para kunin ang bench bath na binigay sakin ni kuya.

Takte! Naiwan ko sa sasakyan ni kuya yung bench bath ko.

Ang haggard ko na!

Tuluan na ang pawis ko sa mukha hanggang sa leeg ko.

Aktong ipapagid ko na ang damit ko sa mukha ko nung may nagsalita mula sa likuran ko.

"Oh. Gamitin mo muna ito" sabay abot sakin ng isang kulay pulang bench bath.

Tinitigan ko siya.

Bakit hindi ko magawang magsalita?
Bakit hindi ko magawang magtanong?

"Wag ka mag-alala. Malinis ito. Hindi ko pa pinapahid sa katawan ko yan" dugtong niya.

"Wala naman akong sinasabi ah." Sabay kuha ko sa inaabot niya.

Ayoko naman mapahiya siya kaya kahit ayaw kong gamitin ay napilitan ako.

"Nga pala, diba ikaw yung -"

"Samuel hindi mo ba alam kung anong oras ang sinula ng klase ko sa section mo?" Bulyaw na narinig ko mula sa bumukas na pintuan.

Shet! Ang prof naming reglahin!

"Ah..Mam pasensya na po kase -"

"Maam, pasensya na po at late si Samuel. Kalalabas niya lang po sa hospital kahapon. Muntik na po kasi siyang mabagsakan ng bakal dun sa cafeteria" mahabang singit nung lalaking kausap ko.

"Ah ganoon ba. Nakapagpahinga ka na ba Samuel? Dapat hindi ka na muna pumasok para maging okay ang pakiramdam mo. Hindi mo na dapat inisip ang quiz, bibigyan naman kita ng special quiz" -Prof Regla.

Ha? Tama ba narinig ko?
Totoo ba yun?
Magpapakain ako sa buong section ko! Totoo ngang may himala sa mundo!

"Osya pumasok ka na loob. Maupo ka na doon at kukunin ko lang yung quiz paper niyo sa faculty" huling sabi ni Mam Regla bago kami tuluyang iniwan ng lalakinh kausap ko.

"Maraming salamat -"

"Michael..." - Siya.

"Maraming salamat Michael" pagpapatuloy ko.

"Ako nga pala si -"

"Luke Samuel" pagdudugtong niya.

"Ha? Paano mo nalaman pangalan ko?"

"Magclassmate tayo sa isang subject diba?" Sagot na tanong niya sa tanong ko.

"Okay sige. Papasok na ako sa loob. Salamat ulit." Nakangiti kong sabi sa kanya at dahan-dahan ko ng pinipihit ang seradura ng pintuan.

Nung nabuksan ko na ang pintuan ay muli ko siyang nilingon para senyasan siya na papasok na ako sa loob.

Pero...pero... nawala na siya. Agad? Ang bilis naman!

Sa haba ng hallway na ito? Ganoon agad siyang kabilis na mawawala?

Bumalik ako sa kinayatayuan ko kanina. Nilingon ko ang kaliwa't kanan ko pero wala talaga akong makita ni anino ni Michael.

Haaay.. Baka sadyanh runner yun at mabilis tumakbo. Ayoko na nga isipin pa iyon. Ang mahalaga nakapasok na ako at hindi galit si Maam Regla.

------

Hindi po masama i-click yung vote at mag-iwan po ng comment. :) salamat po!

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon