Nandito siya.

451 22 3
                                    



Luke Samuel PoV

"Oh eto magic oh" bigla kong narinig sa katabi ko dahilan para hindi ko nasagot ang tanong ni Kenneth.

Takte! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi niya pwedeng gamitin ang kakayahan niya dito.

"Michael tum-"

"Sam ang galing ni Michael oh!" Manghang puri ni Joan nung sabay sabay pinaikot ni Michael ang bote habang nakataob ito.

"Magician ka pala Pre" -Jeffrey.

"Oh eto pa isa" dugtong niya kasunod nun ay ang pagtingin niya sakin ng diretso.

"May makukuhang papel si Samuel sa bulsa niya, kaliwa. At may mababasa siya don na siya lang ang makakakita" ngising sabi niya na naging dahilan ng paglapit sakin ng nga kaibigan ko at kinapa ang bulsa ko.

Teka teka. Bakit Samuel ang tawag niya sakin!? Si Kuya Peter lang nakakatawa sakin nun ah!

"Sam may papel nga!!!" Mukhang tangang sabi ni Joan nung nakapa niya sa bulsa ko ang papel na sinasabi ni Michael.

Binuksan iyon ni Joan at nakasilip naman ang ibang kaibigan ko. Si Kenneth naman ay nasa tabi ko lamang.

"Ayy.. wala namang nakasulat eh" -Cyv.

"E di ba nga si Sam nga lang daw ang makakabasa. Tuleg ka talaga. Birthday na birthday eh katuleg tuleg" paalala ni Joan na naging dahilan ng tawanan ng mga kaibigan ko.

"Tingnan mo nga Sam" sabay abot sakin ni Jeffrey.

Kinuha ko iyon at tiningnan ko. Napansin kong nakatitig sa papel na hawak ko si Michael.

Pwede ba kitang mayakag sa sunday. Gala. Nuod ng sine. Park. Lakad lakad. Gusto kong sakin ang buong araw mo sa linggo. Aantayin ko ngayon ang sagot mo.

Nabasa ko sa nakasulat sa papel.

"Baket Sam? Totoo nga? May nabasa ka?" -Joan.

Tumingin ako kay Michael.
Takte. Paano ba gagawin ko? E niyayakag ako ni Kenneth sa linggo. Ang tagal ko ng inaantay na magkasama kami ni Kenneth. Tagal ko ng gusto itong tao na ito eh. Bahagya akong tumingin kay Kenneth. Ngumiti siya sakin.

Okay lang kung hindi pwede. Siguro nextime nalang..

Muli kong nabasa sa nakasulat na papel. Bigla ngang nagbago eh. Parang dun ako kinakausap ni Michael.

"Sam ano ba nangyayari sayo?" Takang tanong ni Cyv.

Muli kong binalik ang tingin ko kay Michael.

"Okay. Sige. Payag na ako" sagot ko kay Michael.

Nagtinginan samin ang mga kaibigan namin.

"Makasabwat kayo noh? Niloloko niyo lang yata kami eh" sabi ni Jherson kasunod nun ay ang pag-abot samin ng tagay. Nagtawanan nalang kaming lahat at nagpatuloy kami sa pag-iinom.

Namalayan ko nalang na nakaakbay na sakin si Michael at si Kenneth naman ay nakapatong ang kamay sa hita ko. Naiilang nga ako eh kaso hindi ko naman magawang tanggalin.

"Alam mo Sam kapag ganitong nag-iinom tayo palagi kong naaalala yung nangyari dati sa likod ng school. Nung may aksidente" biglang kwento ni Joan.

"Haaay naku! Ayan gumagana nanaman ang imagination mo Joan. Laseng nun si Sam" kontra naman ni Jherson.

"Alam niyo sa totoo lang kahit ako nagtataka nun. Kasi alam ko sa sarili ko na nabangga ako nung sasakyan bago bumangga sa poste yun. Nakita ko nga ang sarili ko na nakahiga sa kalsada tapos ang daming tao" pagkukwento ko.

"Tapos yung kwento mo yun ang nangyaring nakita ko Sam" seryosong dugtong ni Joan.

"Saka yung nangyari sayo sa school Sam. Yung muntik ka ng mabagsakan ng malaking bakal" kwento naman ni Cyv.

"Huwag na natin pag-usapan yan. Lalo tuloy akong natatakot eh" pigil ko sa kanila at naramdaman kong humigpit ang pagkakaakbay sakin ni Michael.

"Hindi kaya sign yun Sam na posible kang maaksidente" seryosong sabi naman ni Dolores.

"Langya ka Dolo! Huwag naman!" -Jenifer.

"Ganun kasi yung mga napapanuod ko. Kapag naiiwasan mo daw yung aksidente ay paulit ulit yun mangyayari hanggang sa mangyari sayo yung dapat na mangyari" seryosong dugtong ni Dolores.

"Magsitigil na nga kayo sa mga kalokohan niyo! Lalo niyo lang tinatakot si Sam eh" -Jeffrey.

"Don't worry. I'm here" mahinang sabi ni Kenneth.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Happy Birthday uli Cyv!" Muling bati namin sa kanya nung nasa labas na kami ng gate nila.

"Salamat. Ingat kayo pag-uwe ha" huling sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.

"Sam, sabay ka na sakin. Hatid na kita pauwe" alok sakin ni Kenneth.

"Ako na bahala pre. May binilin din kasi si Peter kanina nung sinundo ko siya" sagot ni Michael.

"Ikaw ang sumundo kay Sam sa kanila?" Takang tanong ni Kenneth.

"Oo. Sabi nga ni Peter ihatid ko daw si Samuel pauwe" ngiting sagot niya at nagsimula na kaming maglakad muli.

"Guys una na kami. Iba ang ruta ng bahay niyo samin. Kitakits nalang sa school" paalam ni Joan kasabay sila Dolores.

Hanggang ngayon nga napapaisip parin ako sa mga sinabi ni Dolores. Paano nga kaya kung totoo yun? Paano nga kaya kung totoong magpapaulit ulit ang aksidenteng nangyari sakin?

"Okay ka lang?" Untag sakin ni Michael.

"Ahh.. oo. Pasensya na" sagot ko.

"Hawakan mo kamay ko. Uuwe na tayo" mahinahong utos niya sakin. Alam ko na ang gagawin niya kaya hinawakan ko ang kamay niya. Pagmulat ng mata ko ay nasa harapan na kami ng bahay namin.

"Michael sa susunod.. pwede walang magic magic.. gusto ko masanay ka na kapag kasama mo ako ay normal tayo" sabi ko sa kanya.

Humigpit ang kapit niya sa kamay ko dahilan para hindi ko maituloy ang pagpasok ko sa loob.

"Samuel paano kita mapoprotektahan kung hindi ko gagamitin ang kakayahan ko? Kailang-"

"Oh Samuel nandiyan ka na pala. Pumasok ka na sa loob. Buti naman at hindi ka lasing" biglang sulpot ni Kuya sa harapan ng pintuan.

Biglang nawala si Michael sa tabi ko. Natakot siguro kay Kuya.

Nagdiretso na ako sa loob ng bahay.
Nagiinom din pala sila Kuya.

"Sam tara join ka samin. Namiss kita" nakangiting bati sakin ni Matthew at kaagad siyang lumapit sakin.

"Mag-iingat ka sa kasama mo sa kwarto.. Huwag ka basta magtitiwala" bulong niya sakin dahilan para mabigla ako sa sinabi niya.

"Matthew ano yang binubulong monsa kapatid ko?" Puna ni Kuya dahilan para umawang si Matthew.

"Ahh.. kuya pahinga na ako. Akyat na ako sa kwarto" paalam ko kay Kuya at mabilis na akong pumanik sa kwarto ko.

Pagbukas ko ng kwarto ko ay bumungad uli sakin ni Michael na parang hindi mapakali sa loob ng kwarto ko. Paikot ikot.

"Samuel!" Bati niya.

"Oh bat parang di ka mapakali?" Takang tanong ko sa kanya.

"Nandito siya" - Alalang sagot ni Michael.

Author: Pasensya po. Ngayon lang update. :)

Salamat po!

BubeiYebeb

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon