Anghel sa Lupa 2

1.3K 63 3
                                    

Sana may magkainteres dito :(

Luke Samuel PoV

First day of school na! Excited na ewan ang nararamdaman ko. Ang aga nga namin pumasok ng mga katropa ko eh. Hahaha!

"Papasok ba tayo? Orientation lang naman eh" ani ni Joan habang nakain ng boy bawang. Takte to! Kababaeng tao hindi nahihiyang kumain dito sa school ng boy bawang! (May baon pang suka!)

"Hindi na dapat pinag-uusapan yan! Tara sa Mall!" Masiglang sabat naman ni Cyv.

"Anong mall? Tara sa likod!" Sigaw naman ni Dolores.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ko.

"ALAMAN NAAAAAA!" Sabay-sabay na sigaw nila.

"Oy! Oy! Join kami diyan ah!" Sigaw din ni Jherson na nasa likuran namin.

"Gora na tayo mga dabarkada!" Masayang sabi ni Jeniffer.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya! 10 isaw, 5 dugo at 10 ring balat!" Sigaw ng patay gutom na si Cyv.

"Kuya isabay mo narin yung 1 case!" Sigaw rin ni Jherson. Ang tanggero ng tropa.

"Sam nagpaalam ka na ba sa kuya mo? Alam mo naman yun, baka mamaya malintikan nanaman kami dun" seryosong ani ni Jeffrey.

"Ayy! Teka tatawagan ko si Kuya" -Ako

Kinuha ko mula sa dala kong pouch ang cellphone ko.

Mabilis kong hinanap ang name ni kuya at pinindot ko ang call button.

"Hindi pwede" bungad agad sakin ni Kuya.
"Kuya naman eh..wala pa naman kwenta ang pasok" malambing kong sabi sa kanya.
"Okay okay. Pero uuwe ka ng maaga at ayoko ng laseng ka" pagpayag ni Kuya.
"Salamat kuya! Aylabyu!"

Ang lakas talaga ng pakiramdam ng kapatid ko. Alam agad niya yung dapat na sasabihin ko. Kakaiba talaga. Kaya mahal na mahal ko yun eh.

"Oh wala na tayong problema. Ligtas tayo sa utol nitong si Samuel" nakangiting sabi ni Jherson.

"Tangnaka! Magtagay ka na! Puro ka kwento!" Mataray na sabi ni Joan.

Kaya ang saya lagi ng araw ko eh. May mga kaibigan akong mga abnormal! Hahaha!

"Oh sige may palaisipan ako sa inyo" panimula ni Jeffrey.

"Oh ano nanamang kalokohan yang panget ka!" -Jeniffer.

"Wow! Ang ganda mong payatot ka ah!" Ganti naman ni Jeffrey.

"Anong parte ng katawan ng tao ang walang buto pero tumitigas?" Nakangising tanong ni Jeffrey.

"Hala!" Reaksyon ni Dolores. Ang mala-madre naming tropa.

"Alam ko yan! Alam ko yan!" Pagtataas pa ng kamay ni Cyv.

"Ti-"
"Kababae mong tao saksakan ka ng libog!" Pagputol agad ni Jeniffer sa sasabihin ni Cyv.

"Tanga! Tiyan ang sasabihin ko!" Pagsigaw naman niya.

"MALIIIII!" -Jeffrey.

"Dila!" Pagsagot ko sa tanong niya.
"Tamaaaa! Ang galing talaga ni Samuel." Pagpuri sakin ni Jeffrey.

Nagtawanan kaming lahat at nagpatuloy kami sa pagpapalaisipan. Puro nga kalokohan ang mga pinapahulaan ng panget na si Jeffrey eh. Mapapaisip ka talaga.

"Guys oh. Look" sabay turo ni Joan sa labas.

Tinutukoy niya ang isang lalaking nakaputi habang nakatayo at parang may inaantay. Nakatuon ang mga mata nito sa lugar na kinalalagyan namin.

"Kanina ko pa napapansin yang lalaking yan. Ilang beses ng may humintong sasakyan pero hindi siya nasakay." Dugtong ni Joan.

"Gumagana nanaman ang imahinasyon mo. Adik ka talaga!" Singit ni Cyv.

"Tumigil ka nga diyan Joan. Teka lang guys, bili lang ako yosi. Wala na raw kasing yosi sila kuya eh" paalam ko sa kanila.

"Samahan kita?" -Jherson.
"Wag na. Ipagpatuloy mo nalang ang pag-ikot ng tagay" pagpigil ko sa kanya.

Nagsimula na akong maglakad palabas. Ang bilis ng oras. Padilim na agad.

Nasa kabilang kalsada ang tindahan.

Aktong patawid na ako ng bigla akong may narinig at nakakabinging tunog.

"BEEEEEEEEEP!"

"Saaaaaaaaaaaam!" Huling narinig ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim.
--------

Short update. Mukha po kasing walang magkainteres dito. Hahaha!

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon