Diyan ka lang sa likod ko.

724 26 13
                                    



Luke Samuel PoV

"Ha? Anong sinasabe mo?" Takang tanong ko nung paikot ikot siya sa harapan ko.

"Teka teka.. huwag ka sumilip diyan baka makita ka ni Kuya" pigil ko sa kanya nung bubuksan niya ang pintuan ng kwarto ko.

"Galing siya dito. Naramdaman ko siya. Alam niyang nan-"

"Easy.. teka lang Michael. Kalma. Hindi kita nagegets. Maupo ka nga muna" sabi ko sa kanya sabay hawak ko sa magkabila niyang balikat.

"Michael ano ba mga sinasabi mo? May tama ka ata ng alak eh. Magpahinga ka nga muna" dugtong ko.

"Samuel hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong galing siya dito!" Pabalang na sagot niya.

Ngayon ko lang siya narinig sa ganoong tono ng boses. Bakas sa mukha niya ang pangamba at pagkabalisa.

"Okay okay.. sino ba ang tinutukoy mo?" Alalang tanong ko sa kanya.

"Si Alastor. Hindi ako pwedeng magkamali Samuel" sagot niya.

"Sino si Alas-"

Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko nung biglang nagliwanag sa kwarto ko at may isang taong bigla nalang sumulpot. Napatulala ako sa nakita ko. Puting puti ang kanyang suot.

"Bakit nandito ka Raphael?" Tanong ni Michael sa lalakeng nasa harapan na namin ngayon at bigla nalang akong hinarangan ni Michael sa lalakeng tinawag niyang Raphael. Nagpalinga linga si Raphael. Itinaas niya ang kanyang kamay sa tapat ng kama ko at bigla nalang may bagay na lumutang doon.

"Diyan ka lang sa likod ko" bulong sakin ni Michael.

Takte! Natatakot na ako. Ano ba itong nangyayari? Iniisip kong panaginip lang ito pero alam kong nasa reyalidad ako.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil iniisip ko din ang mangyayari kapag nalaman nila Kuya ang tungkol kay Michael. Naramdaman ko rin na may bagay na hawak si Michael sa kaliwa niyang kamay at ang kanan naman niyang kamay ay nakasangga sakin.

"Ganyan ba ang pagbati mo sa isang kaibigan Michael?" Biglang tanong ni Raphael nung biglang ipinaling saming dalawa ang tingin niya. Itinaas ni Michael ang kaliwa niyang kanay dahilan para makita ko na kung ano tung bagay na hawak niya.

Punyal.
Isang punyal na may mga nakaukit na hindi ko maintindihang mga simbolo.

"Raphael labag ito sa kalooban ko pero kung kinakailangan kong gawin para kay Samuel, gagawin ko!" Matapang na sagot niya.

Gagawin? Para sakin? Bakit nadamay ang pangalan ko? Anong kinalaman ko ko sa kanila?

"Michael hindi ko gagawin ang isang bagay na hindi naman dapat ako ang gumawa. Misyon mo yun at hindi sakin. Nagpunta ako dito dahil naramdaman kong nandito ang isa sa mga gustong unahan ka sa misyon mo" mahabang paliwanag ni Raphael.

Hindi ako makapagsalita sa mga nakikita at naririnig ko. Nararamdaman ko ang matinding pagkabigla at pagkatakot. Dahan dahan ibinaba ni Michael ang kanyang kamay.

"Eto oh. Galing dito si Alastor. Sigurado akong si Samuel ang pakay niya. Michael huwag mong bibiguin ang misyon mo. Ilang buwan nalang at kailangan mo ng bumalik doon" huling sabi ni Raphael at bigla nalang itong nawala sa harapan namin.

Humarap sakin si Michael. Nakatitig sa mata ko.

"Ano yung pinag-usapan niyo? Bakit nadamay ang pangalan ko?" Takang tanong ko sa kanya.

Niyapos niya ako.

"Huwag ka mag-alala Samuel... Nandito lang ako. Hindi kita papabayaan..." malayong sagot niya sa tanong ko. Halatang iniba niya ang usapan dahil sa bawat tanong ko ay malayo ang sinasagot niya.

"Hindi ko pa maipaliwanag sayo ang lahat Samuel pero sigurado ako na dadat-"

"SAMUEL!!! SAMUEL!!!" Malakas na tawag sakin ni Kuya kasabay ng sunod sunod na pagkatok sa pintuan ko.

Lalapit na sana ako sa pintuan pero nabuksan ni Kuya ang pagkakalocked ng pintuan ng kwarto ko.

Nagpalinga linga si Kuya. Sumilip sa bintana, sa ilalim ng kama na parang may hinahanap.

"Kuya bakit? Anong nangyayari?" Kunyaring tanong ko sa kanya.

"Ako dapat Samuel ang magtanong kung anong nangyayari" diretsong balik tanong niya.

"Peter bakit?" Biglang sunod ni Matthew kay Kuya.

"Anong nangyari Sam?" Dugtong na tanong niya sakin.

"Kuya ano ba nangyayari? Bakit basta basta nalang kayo napasok dito sa kwarto ko?" Patay malisya ko nanamang tanong kay Kuya. Takte naman kase! Bakit ba kasi ang lakas ng pakiramdam ni Kuya!

Tiningnan lang ako ni Kuya.

"Matulog ka na Samuel. Isara mo ang bintana" Utos ni Kuya sabay labas ng pinto.

"Uulitin ko mag-iingat ka sa kasama mo dito sa kwarto..." bulong ulit sakin ni Matthew.

"Huwag mo ng susubukan ulit lumapit kay Samuel. Dahil kahit dito pa tayo magpang-abot ay lalabanan kita!" Biglang sulpot ni Michale sa tagiliran namin ni Matthew.

Author: Short update po muna :)

Salamat po sa pagbabasa.

BubeiYebeb

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon