Muntik na tayo dun ah!

786 40 3
                                    



John Michael PoV

Ilang araw na ang lumilipas simula nung ibinaba ako dito sa mundo - sa lupa. May hindi kasi inaasahang nangyari kaya kailangan kong pumarito muna.

Hindi ko na siguro kailangan ikwento pa ang mga nangyari kung paano kami nagkakilala ni Sam. Naikwento na ata niyang lahat eh. Hahaha! Sobra, ang sarap sa pakiramdam kapag kasama ko siya.

Lagi ko siyang pinupuntahan sa bahay nila pero hindi niya alam yun. Palihim ko siyang pinagmamasdan sa tuwing natutulog siya. Kaso malakas ang pakiramdam ng kapatid niya.

Minsan nga habang masa kwarto ako ni Sam habang natutulog siya ay nakaupo ako sa bintana, nakatingin lang ako kay Sam ng biglang bumukas ang pintuan at nagpalinga linga si Peter. Bakas sa mukha niya na alam niyang may ibang tao sa loob ng kwarto ni Sam. Buti at mabilis akong nakapagtago - naku kung hindi makikita niya agad ako. Matalas ang mata at pakiramdam.

Nagsimba ako dahil alam kong nagsimba si Sam. Tumabi ako sa kanya at naghawak kamay kami.

Ang lambot ng kamay niya.
May kung ano akong naramdaman nung nagdampi ang kamay naming dalawa. Yung parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula sa kamay niya.

Hindi ko nga maipaliwanag yung biglang naramdaman ko eh.

Lumakas na ang ulan kaya naisipan kong lihim na sundan si Sam. Parang may nagdidikta kasi sa isipan ko na sundan kp siya at siguraduhin kong maging ligtas siya. Ang weird no? Ayy. Ako nga pala ang weird dito.

Nipalagan ko siya ng noodles sa loob ng 7/11. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya. Hindi ko mabasa ang isipan niya katulad ng ibang taong nandito. Isa pa yun sa gusto kong malaman, bakit hindi gumagana ang ibang kakayahan ko sa kanya?

"Michael ano ka ba talaga?" Biglang tanong niya sakin.

Natigilan talaga ako nung tanungin niya ako.

Sasabihin ko ba sa kanya?
Maniniwala kaya siya?
Baka matakot siya.
Baka...Baka...Bala iwasan niya ako.

"Hindi man kapani-paniwala pero ako isang ang.."

"Samuel lets go. Uuwe na tayo" sabi ng taong biglang pumasok sa loob na naging dahilan ng pagkakaputol ng dapat sanay sasabihin ko.

Habang nag-uusap silang dalawang magkapatid ay nakatingin sakin ang Kuya ni Sam. Yung tingin na parang may inaalam siya sakin.

Bakit hindi ko mabasa ang isipan niya?
Bakit ayaw din gumana sa kanya ngayon ang kakayahan ko?
Dati naman gumana sa kanya.
Nakailang beses akong sumubol pero walang nangyayari.

Bago sila tuluyang lumabas ay bahagyang tumabi sakin ang Kuya ni Sam.

"Mukhang may gustong bumisita sayo." Biglang sabi niya sakin na dahilan na ikinalaki ng mata ko.

Paano kaya niya nalaman yun?
Paano niya kayang nalaman na may taong kanina pa nag-aantay ng pagkakataon para makausap ako.

Sumabay na ako sa kanila palabas.

"Michael gamitin ko muna ito" sabi ni Sam sabay abot sakin ng jacket. Matapos nun ay wala na akong ibang narinig pa sa kanya. Sumakay na siya ng sasakyan ng Kuya niya at mabilis ng umalis.

Nagsimula na akong maglakad pauwe. Hindi naman rin kalayuan ang naisipan kong tirahan dito sa simbahan.

Habang naglalakad ako ay biglang nagliwanag sa harapan ko.

"Kanina pa kita inaantay na magpakita, Raphael" sabi ko sa biglang sumulpot sa harapan ko.

"Anong sadya mo sakin?" Dugtong ko.

"Naparito ako para ipaalam sayo na binibigyan ka ng tatlong buwan para magawa mo ang misyon mo dito" -Raphael.

"Alam ko naman yun Raphael. Nakuha lang ako ng tamang pagkakataon. Ang hirap kasi..." Sagot ko naman sa kanya.

"Wala tayong magagawa. Ang nakatadhana ay nakatadhana. Wala kang magagawa pa" malumanay parin niyang sabi sakin.

Wala na akong nasabi pa sa kanya.
Pagkatapos niyang sabihin ang iba ko pang kailangan gawin ay bigla nalang siyang naglaho.

Ang hirap naman ng sitwasyon ko.
Minsan nga nagtataka ako kung bakit kailangan pang gawin ang bagay na makakapagpasakit sa normal na tao.

Napagpasyahan kong bumalik sa 7/11 at bumili ulit ako ng noodles.

Katulad ng palagi kong ginagawa pumunta ulit ako sa bahay nila Sam. Pero sa pagkakataong ito ay nagpakita na ako sa kanya. Alam na naman niya ang mga kaya kong gawin eh.

Nanunuod kami ng "The Conjuring". Grabe mga ang takot ni Sam sa tuwing nakakatakot ang tunog na nangagaling sa speaker ng laptop niya.

"Whaaaaah!" Malakas na sigaw niya. Kahit ako nagulat ako nung bugla siyang sumigaw.

Hindi ko kasi nakita yung scenario sa screen kasi sa mukha niya ako nakatingin.

Ang ikinagulat ko ay ang pagbukas bigla ng pinto at inilulan nun ang Kuya ni Sam. Halata sa mukha niya ang pag-aalala.

"Samule anong nangyari!?" Sabi niya.

Mabuti nalang ay mabilis akong nakpagtago. Nandito ako ngayon sa bubong nila Sam pero rinig ko parin ang pag-uusap nila.

"Ah..ehh Kuya nagulat kasi ako sa pinapanuod ko." Narinig kong sabi ni Sam.

"May kasama ka ba dito?" Mariing tanong ng Kuya niya.

"Wala! Sino naman isasama ko dito kuya?" -Sam.

Naramdaman kong sumilip sa bintana ang kuya niya at nagpalinga-linga sa ibaba.

"Sinasabi ko sayo Luke Samuel ha! Sige na. Babalik na ako sa baba. Matulog ka na pagkatapos niyan" narinig kong bilin ng Kuya niya.

Aktong babalik na ako sa loob ng kwarto ni Sam nung narinig kong muling bumukas ang pinto.

"Samuel hindi dapat dalawa ang ginagamit mong tinidor kapag nakain ka ng noodles"

Matapos yun ay muli kong narinig na sumara ang pintuan.

"Muntik na tayo dun" sabi sakin ni Sam.
"Mukhang nakakatakot ang Kuya mo ah" sabi ko naman sa kanya.

Hindi na namin pinagpatuloy ang panunuod. Naupo kami sa kama niya at nagkwentuhan nalang kami.
Ang dami namin pinag-uusapan. Ang dami niya kasing kwento.

Kinukwento niya yung mga kaibigan niya. Sabi pa nga niya na si Rosemarie ang pinaka abnormal sa mga kaibigan niya.

Naikwento rin niya si Kenneth. Nakakaramdam nga ako ng inis kapag nababanggit niya ang pangalan ng lalaking yun eh. Ewan ko ba kung bakit ganito ako.

"Michael, tulog na tayo. Mukhang may pasok bukas kasi tumila na ang ulan" sabi sakin ni Sam.

"Okaw sige. Paano aalis na ako.." Paalam ko sa kanya.

"Stay here. Dito ka nalang din matulog. Hindi ka naman siguro makikita ni Kuya. Saka gabi na baka kung mapaano ka pa sa daan" mahabang sabi niya.

Mapahamak? Nakalimutan niya na ba ang kakayahan ko?

"Okay sige. Dito nalang ako sa ibaba" -Ako.

"Dito ka na. Tabi na tayo. Apat naman ang unan ko oh! Sayo si Batman. Sakin si Spiderman, paborito ko kasi to eh" nakangiti niyang sabi.

"Michael lock mo na yung pinto saka patayon mo na yung ilaw" dugtong niya habang nakahiga na kami parehas.

Tiningnan ko ang pintuan. Tinitigan ko ito pati ang ilaw at awtomatiko itong naglockek at nagturn off ang ilaw.

"Haaay.. Ang tamad talaga" narinig kong sabi ng katabi ko.

Magkatabi ngayon kami sa higaan. Ang komportable ko nga eh. Kakausapin ko pa sana si Sam nung narinig kong nahilik na siya. Hahaha. Nakakatawa nga eh.

Nakadantay ang kanyang hita sa katawan ko at nakaunan naman ang kanyang ulo sa kanang braso ko.

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon