Ako ang partner mo.

895 36 5
                                    

Simple things matter.

Samuel PoV

"Tagay pa!!!!" Sigaw ni Jherson habang hawak hawak ang basong naglalaman ng alak.

Nagsecond the motion naman ang mga kaibigan ko.

Katabi ko ngayon si Michael.
Wala eh. Yun ang sabi niya.
Nakikipagsabayan narin siya sa inuman. Feel at home nga ang kumag eh.

"Akala ko hindi ka na pupunta eh" biglang sabi ni Kenneth at umupo sa tabi ko.

"Medyo natagalan lang kasi pumayag si Kuya. Alam mo naman yun.." Sagot ko. Takte! Nakakakilig naman itong si Kenneth.

"Sam shot mo na!!!" Sigaw ni Jherson.

Kinuha ko ang baso at mabilis ko itong ininom.

Nagpatuloy ang inuman namin. Ang saya nga ng mga kwentuhan namin eh. Puro kalokohan at kabalastugan.

"Sam wala ka parin bang boyfriend hanggang ngayon?" Diretsong tanong ni Jherson habang patuloy na nagpapaikot ng tagay. Mukhang may sanib na nga ng alak eh.

"Wala! Hindi naman required yun diba?" Mabilis kong sagot sa kanya.

"Kung hindi nga lang istrikto kuya niyang si Sam e di matagal ko ng niligawan yan!" Singit naman ni Jeffrey.

"Hala! Ako nga eh tigilan niyo sa mga kalokohan niyo. Huwag ako ang topic!" Sita ko sa kanila.

Naramdaman kong umusod lalo sa tabi ko si Michael.

"Alam ko na!" Sigaw bigla ni Joan dahilan para sabay sabay kaming mapalingon sa kanya.

"May naisip akong game!" Sunod niyang sabi.

"Anong kalokohan nanaman yan Joanamyr!" Singit ni Anabel.

"Sigurado ako puro kalokohan nanaman yan!" Banat naman ni Jherson.

"Hindi noh! May premyo!" Nagniningning na mata niya.

"Ano!!!!?" Halos sabay sabay naming tanong.

"Pera syempre! Pero tayaan!" Sabi niya.

Pinaliwanag niya ang game.
Kalokohan nga!
Paunahan daw ubusin ang isang litro ng redhorse. By pair daw at kung sino daw ang una makaubos ay siya ang panalo.
Katulad ng napag-usapan ay nagbigay kami ng tig 50 bawat isa. Kaya ang total ng pera ay 400.

Ayos! Dapat ako manalo! Hahaha! Para may extra akong pera.

"Ako ang partner mo" sabi sakin ni Michael.

Nakapwesto na kami.
Si Joan lang ang hindi kasali kasi siya ang titingin kung sino ang mananalo samin.

"Oyy! Michael...Walang daya ha.. Walang magic magic.." Bulong ko sa kanya.

"Kapag nanalo tayo dito may kasunduan tayo ha..." Sagot naman niya sakin.

"Ano yun?" -Ako.

"Mamaya ko sasabihin kapag panalo na tayo.." Mahinang sagot niya.

"3! 2! 1! GOOOO!" Narinig naming sigaw ni Joan.

Nagsimula na kaming humigop ni Michael sa straw na nakalagay sa bote ng alak. Takte! Nasusuka ako! Pero kailangan manalo! Kailangan mapasamin ni Michael yung premyo!

Habang patuloy kong sinisipsip ang straw ay napatingin ako kay Michael. Seryoso siya at halatang gusto rin niyang manalo. Mas marami pa nga yata siyang naiinim kesa sakin eh.

Matapos yun ay biglang tumayo si Michael habang hawak ang bote na nakataob.

Kaya ang ibig sabihin kami ang nanalooooo!

"Ang lakas mo Den!" Sigaw ni Jeffrey.

Bumalik na kami sa mga upuan namin. Katulad kanina katabi ko parin si Michael. Pinagpatuloy na ulit ni Jherson ang tagay matapos iabot samin ni Joan ang premyo namin ni Michael.

Mamaya ko na siguro tatanungin itong katabi ko kung ano balak namin sa premyo kasi mukhang nag-eenjoy narin siya kasi nakikipagkwentuhan na siya di katulad kanina na tahimik lang.

"Ikaw Michael diba transfer ka lang saan kang school galing?" Tanong ni Jeffrey na halatang tinatamaan na ng alak.

"Galing ako dun!" Sabay turo ni Michael sa taas.

Paktay tayo diyan! Laseng na nga!

"Si Pareng Michael laseng naaaa!" Sabay tawa ni Jherson.

"Ohh hindi pa ako laseng noh! Teka wala ng pulutan pre, ano gusto niyong pulutan?" Diretsong tanong ni Michael.

"Oyy! Laseng ka na nga! Tama na inom ah!" Saway ko sa kanya.

"Don't worry. I'm okay. Ganito kami ni Raphael at Demi kapag nag-iinom kami ng patakas sa taas" walang pakundangan niyang sagot sakin. Wala nga rin siyang pakialam kahit naririnig siya ng iba naming kasama.

"Masarap na pulutan pre seafood sisig saka meatballs and fries" sabi ni Jherson habang inabot sakin ang tagay.

Itinaas ni Michael ang kamay niya.
Oh shit! Parang alam ko na ang kasunod na mangyayari. Takte ka Michael! Hindi nila pwedeng malaman kung ano ang kaya mong gawin!

"Michael....huwa-"
"Huwag ka mag-alala sakin... May magdedeliver ng order natin"

Haaay.. Laseng na nga ang mangkukulam!

"Dito po ba ang nakatira si Cyv Bien??" Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Opo. Bakit po?" -Cyv.

"Eto po" sabay lapag ng mga nirequest kanina ng tropa na pulutan.

"Woooow!" Halos sabay na sabi ni Jherson at Jeffrey.

Matapos yun ay kinindatan ako ni Michael.

Langyang tao talaga to!

"Oh pre inuman na uliiiii!" Sabi ni Michael.

"Inorder mo siguro kanina pa ito Michael! Ang galing mo malaman kung ano ang gusto naming pulutan" -Jeffrey.

"Sam tikman mo to oh" sabay subo sakin ni Kenneth.

"Ang sarap naman Kenneth. Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Niluto ko yan kanina bago ako nagpunta dito. Chicken inasal yan. Ang sarap noh!?" Ngiting sabi niya.

Mula ng tumabi sakin si Kenneth ay napansin kong hindi na ako masyado kinakausap ni Michael. Napunta ang atensyon niya kina Jeffrey at Jherson. Sila Joan naman ay may ibang pinag-uusapan.

Okay lang. Atleast eto kausap ko si Kenneth. Ang saya ko kasi dati hinihiling ko na sana mapansin niya ako tapos ngayon eto palagi na kami nagkakasama. Astig nu!

"Pwede ba kitang yakagin sa sunday? Nuod tayo ng sine..." Seryosong tanong sakin ni Kenneth na naging dahilan para magtinginan sila Joan samin.

Author: sensya po. Tagal di nakapag-update. Nafocus po kse ak sa AMKB.

Mag-update narin po ako ng ibang naiwan kong story.

Salamat po sa suporta! 🤗🤗🤗

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon