Anghel sa Lupa 6

927 60 4
                                    

"The Wind beneath my wings"

Samuel PoV

"Guys are free tonight?" Biglang sabi ni Kenneth habang nakain kami dito sa cafeteria.

Simula kasi nung sumama na siya samin ay nasundan at nasundan na iyon. Natutuwa nga ako eh. Imagine nakakasama ko na ang ultimate crush ko. Ayieeeee!

"Baket?" Tangang tanong ni Joan habang kinakain ang ang hawak niyang tacos.

"Overnight in my place?" Yaya ni Kenneth.

Overnight? Ayieeee! Takte! Makakasama ko magdamag si Kenneth? Sa bahay nila? Whaaaa! KiligOverLoad!

"Sam ba't namumula ka?" Walang pakundangan na tanong ni Cyv.

"Tangnamo! Wag ka ngang tanong ng tanong! Alam mo naman kung bakit ee!" Mahinang bulong ko sa kanya. Buset tong babaeng to di marunong makahalata!

"Deal!!!!" Sabay sabay na sagot ng buong tropa.

Ako? Di pa ako makasagot. Panigurado kasi hindi papayag si Kuya eh.

"Sam ikaw? Gusto ko kasama ka..." Sabi ni Kenneth.

Gusto niyang kasama ako? Whaaaa! Ang sweeeeeet! Kinikilig ako ng madami!

"Hindi kasi papayag si Kuya. Alam niyo naman yun medyo strikto" sagot ko.

"Try mo magpaalam Sam. Tawagan mo. Sayang naman. Ikaw lang ang wala" singit naman ni Jeffrey.

Kinuha ko ang cellphone ko. Bahala na. Tutal gagabihin naman si Kuya ng uwe. Baka sakaling pumayag siya.

"Hindi pwede!" Bungad ni Kuya sa kabilang linya.

"Wala pa naman akong sinasabi kuya eh..." Sagot ko agad sa kanya.

"Kilala kita Samuel. Alam ko na magpapaalam ka para sa napag-usapan nanaman ninyong magkakaibigan" mahabang litanya ni Kuya.

Panandalian akong tumigil.

Pare-parehong nakatanghod ang mukha ng mga kaibigan ko sakin. Lahat sila ay nag-aantay ng isesenyas ko.

"Oh ayaw mo magsalita Samuel.." Dugtong ni Kuya.

"Sige na kasi Kuya. Promise behave ako dun..." Pang-aamo ko.

"Hay naku Samuel! Sige na nga! Basta mag-iingat ha!" Huling sabi ni Kuya bago ko tuluyang pinindot ang end button ng cellphone ko.

"Oh ano? Pinayagan ka ng utol mong hoodlum?" Tanong ni Joan.

"Ano sabi Sam?" -Cyv.

"Hay naku! Paniguradong hindi pinayagan yan. Alam ko takbo ng utak ng kapatid niyang si Sam eh" -Jeffrey.

"Gusto mo kausapin ko kuya mo Sam?" Sinserong tanong ni Kenneth sakin.

"So, ano plano for tonight guys?" Nakangiti kong tanong sa kanila dahilan para lumawak ang pagkakangiti nila Joan.

"Akala ko hindi ka pinayagan ng kuya mo eh" bulong sakin ni Kenneth habang dahan-dahang inilalagay ang kamay sa taas ng upuan na kinauupuan ko.

OMG! Gusto kong kiligin. Teka? Pwede na ba akong kiligin? Hahaha!

Pinagpatuloy namin ang pag-uusap tungkol sa plano naming sleepover sa bahay nila Kenneth. Syempre hindi mawawala ang INUMAN session. Hahaha!

"Oy Kenneth kanina pa kita hinahanap. Nandiyan ka lang pala" boses na narinig namin sa taong naglalakad papalapit sa table namin.

"Ha? Teka sino -"

"Ano nga palang plano mamaya?" Mabilis niyang tanong dahilan para maputol ang dapat na sasabihin ni Kenneth.

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon